Kabanata X

2280 Words
“Anong ginagawa mo rito sa mga oras na ito?”   Lumingon ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Nalusaw ang mabilis na pagtibok ng aking puso nang makita ko ang mukha ni Yael. May dala dala siyang kape at umupo sa pari habang upuan kung saan kami umupo ni Oier nitong nakaraang gabi. Humigil siya sa sandalan habang nang bumaling siya upang matingnan ako sa aking mukha. “May inaasahan ka rito no?” mapanuya niyang tanong. “Sino kaya?” nakatingin siya sa kalangitan na parang naghahanap ng kasagutan sa mga bituin.  Saan kaya si Oier sa mga oras na ito? Nararamdaman ko sa aking sarili ang kasabikang makita siya. Higit pa sa kagustuhan kong matanong sa kanya ang tungkol sa paborito niyang pagkain. Muli akong tumalikod at aalis na sana kung hindi ko lang narinig si Yael magsalita, “Seleng, paborito kong pagkain ang beef steak na medyo hilaw ang pagkakaluto ng karne o kung nahihirapan kang lutuin iyon kahit pochero na lang at adobong manok na may gata.” Mungkahi niya. Kunot noo akong bumaling sa kanya, “Para kay Ginoong Oier ang lulutuin ko at hindi para sa iyo,” tugon ko naman. Nakataas ang kanyang dalawang kilay habang umiinom ng kape. Bumuga siya ng hangin pagkatapos niyang humigop. Naka pikit pa ang kanyang mga mata na para bang indoser ng kilalang kape sa isang komersyal sa telebisyon.  “Suhestiyon ko lang naman iyon, baka sakaling hindi magustuhan ni Oier ang lulutuin mo,” nakalagay ang kanyang hintuturo sa kanyang bibig na parang may malalim na iniisip. “Nabalitaan ko minsan may sinigawan siyang serbidora,” tunog nananakot ang boses niya. “Hindi nagtagal, umalis ang serbidora na umiiyak sa mansyon.” Patuloy niya, para siyang nag kukwento ng katatakutan sa mga bata tuwing at pagsapit ng gabi. “Bakit daw siya sinigawan?” tanong ko at humakbang papalapit sa kanya. Umangat ang dulo ng kanyang labi wari nagugustuhan niyang nakukuha niya ang atensyon ko. “Gusto mo bang malaman?” tanong niya. Isang beses akong tumango. Dumaing siya nang sinubukan niyang ubusin ang mainit na kape at saka tumayo. Naka ekis naman ang kanyang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. “Dahil hindi nito sinunod na putaheng gusto kong kainin.” Taas noo niyang pagkakasabi.  Dumaan ang malakas na hangin sa pagitan naming dalawa na tila nakikisabay ang kalikasan sa kayabangan na ipinapakita ni Yael. Kunot noo ko lang siyang tiningnan, mukhang napansin niya iyon dahil itinapat niya ang kanyang nakasarang palad sa kanyang bibig at saka tumikhim. “Ang sabi niya sa serbidora ‘Papapalayasin kita, dahil hindi mo sinunod ang paborito ni Yael!” ginaya niya ang baritonong boses hindi ni Oier kung hindi iyong cartoon character na may kulay dilaw na buhok at nakasuot ng sunglass. “Sabi naman ng serbidora ‘Maawa ka ginoo, huwag mo akong palayasin. Sa susunod, susundin ko na ang kagustuhan ni Yael’.” Inipit niya ang kanyang boses para magtunog dilag. “Pero hindi iyon pinakinggan ni Oier. Walang nagawa ang serbidora at umalis nang tuluyan na umiiyak. Palabas ng gate, paalis ng mansyon.” Malungkot ang kanyang boses nang tinapos niya ang kanyang kuwento. “Maluwag na nga marahil ang pagkakalagay ng tornilyo sa iyong utak.” Komento ko na nanliliit ang mga matang nakatitig sa kanya. Napadilat ang kanyang mga mata at nakipag tagisan ng titig sa akin habang nakahalukipkip. “Hindi ka ba naaliw?” tanong niya, boses dismayado. “Hindi ako bata para maniwala sa mga kuwento mo,” ani ko at tumalikod na. Nagsimula akong maglakad nang marinig ko siyang magsalita sa aking likuran. “Hindi naman kabalbalan ang mga pinagsasabi ko ah, Seleng!” tawag niya sa akin. “Maldita,” mahina niyang pagkakasambit ngunit narinig ko bago ako tuluyang pumasok sa pintuan. Bumuga ako ng apoy este ng hininga upang alisin ang mga negatibong komento sa mga huli niyang sinabi tungkol sa akin at saka ko tinahak ang pasilyo patungo sa aking kwarto. “Ms. Celestine, gising na pala kayo. Gusto niyo bang uminom ng tsokolate muna…” humina ang boses ng serbidorang nakasalubong ko na may dala dalang pambalot ng higaan nang nilampasan ko siya. Pumasok ako ng kwarto at padabog na isinara ang pintuan. Humiga na lang ako sa kama at sinubukang matulog upang kalimutan na lang ang masakit na salitang binitiwan ni Yael. KINABUKASAN, hinila ako ni Miko patungo sa kusina upang mag aral ng pagluluto. Sinubukan niya ang putaheng may sabaw kung kaya’t hindi naman ako nahirapan na turuan siya. Mas nada dalian ako rito kesa sa mga pagkaing masarsa. “Napakabango naman ng niluluto niyo,” nakangiting puri ng serbidorang matanda sa amin. Nagkatitigan naman kami ni Miko at nagpalitan ng ngiti sa bawat isa. “Salamat, Claire.” Sabi ni Miko sa kanya. Kumuha ng isang maliit na kutsara si Miko. Kumuha siya ng sabaw doon at iminuwestra iyon sa tapat ng bibig sa serbidorang tinawag niyang Claire. “Tikman mo muna kung pasado sa panlasa mo,” ani naman ni Miko. Umiling naman si Claire at winasiwas ang kanyang kamay sa ere, “Lyka!” tawag niya sa babaeng may dala dalang bulso na naglalaman ng mga pinatuyong buto ng cacao. Napatingin ang binibining tinawag niyang Lyka sa akin bago ito lumapit kay Claire. “Tikman mo raw!” hinigit niya ang braso nito. “Gagawa pa ako ng tsokolate,” aniya at muli namang tumingin sa akin bago ibinalik ang  mga mata kay Claire. “Mamaya na ‘yan, tikman mo muna. Mahina ang panlasa ko.” Pagpupumilit naman ni Claire. Walang nagawa si Lyka kung hindi ang sundin ang kagustuhang ng kasamang serbidora. Lumiwanag ang kanyang mukha at masayang bumaling kay Miko, “Masarap po binibini!” puri niya. Itinapat naman ni Miko ang kanyang kamay sa kanyang dibdib at huminga nang malalim, “Thanks to you,”  masayang sabi naman ni Miko sa akin.  “Tiyak Miss Miko, ikaw ang mananalo sa patimpalak na ito.” Pagpupuri muli ni Claire sa kanya. Nanginginig ang labi kong nakaangat. “Magdilang anghel ka sana,” aniya.  Napawi ang ngiti sa aking labi pero hindi ibig sabihin ‘non na hindi ko nagustuhan ang sinabi ni Claire kay Miko. May ibang dahilan pa pero hindi ko naman maintindihan. Bumalik si Claire at Lyka sa kani kanilang ginagawa ilang sandali. Nagpatuloy naman kami ni Miko sa aming ginagawa. Napalingon kami sa kabilang gawi nang marinig ang maingay na sigawan ni Penelope at ni Santina. “Ano ba ‘yan, sinunod naman nating iyong pinayo ng serbidora kanina bakit hindi pa rin natin makuha ang lasa.” Narinig namin ang namomroblemang boses ni Penelope. “Claire! Turuan mo nga kami!” tawag niya. Nakita ko sa giliran ng aking mga mata ang paglapit ni Claire sa kanila, “Ano ang mali rito?” Ginulo niya ang kanyang buhok at parang kakainin ng buhay si Claire sa kanyang mga titig. “Inuna niyo po kasi iyong pechay kaysa sa karne. Malamang po nasobrahan ng pagkakaluto ang gulay.” Ani ni Claire. Bumaling ako sa hinihiwa kong patatas atsaka ito nilunod sa niluluto ni Miko. “Masyadong mayabang, pareho naman kaming hindi marunong magluto.” Mahinang komento ni Miko. Ang kanyang palad ay ginagawa niyang panakip sa giliran ng kanyang labi. “Ay ganon?” inosenteng tanong ni Santina. “Marunong lang akong kumain pero hindi ako marunong magluto,” patuloy niya. Hindi ko napigilan ang hindi matawa sa kanyang sinabi na para bang isa itong malaking biro para sa akin. Kinagat ko ang labi ko at sandaling sumulyap sa kanila.  Mukhang narinig ni Penelope ang mahinang pagpipigil ko ng tawa. Nagkasalubong ang kilay ni Penelope, ang kanyang labi naman na may makapal na pulang lipstick ay nakabusangot nang tumingin sa akin. Napalunok ako at muling inabala ang aking sarili sa pagluluto.  “Buti pa ang isa diyaan, marunong.” Malaking posibilidad na ako ang tinutukoy niya. “Pero malay natin sa elimination round siya itong mapatalsik, hindi ba Santina?” tanong niya sa kaibigan. “Ha? Uh, oo.” At saka sinundan ng malakas na tawa ng dalawa.  “Baka hindi magustuhan ni Oier ang kanyang lulutuin o hindi kaya’y…” muli akong bumaling sa kanya. Mariin kong hinawakan ang tinidor. Napansin ko namang nakatuon ang atensyon ni Miko rito.  “Celestine,” mahina niyang utas. “O hindi kaya’y sa hitsura pa lang at pananamit hindi na siya nagustuhan ni Oier, kaya gagamitin ng ginoo ang unang elimination round para patalsikin siya.” Sinundan niya ito ng malakas na tawa. Hindi nanatili sa kanyang kukote ang turo ni Maestra Prima sa amin na ang katangian ay hindi binabase sa panlabas na anyo. Marahil ganon nga talaga ang isang tao kapag nakatatak na sa kanyang isipan na mas nakakalamang siya kanino man.  Magagalit ba ako? O Maawa? Pilit kong tinitimbang ang lahat. Kung pagsasabihan ko siya ngayon, baka maramdaman niyang natapakan ko ang kanyang pagkatao. Hindi ko iyon gustong mangyari lalo na’t batid kong mas matanda naman siya sa akin ng ilang taon. Siya itong dapat maging magandang ehemplo sa mga nakakabata sa kanya. Napag buntungan ko ng galit ang namamahingang karne nang maisaksak ko ang hawak hawak na tinidor dito. ALAS syete ng gabi, pagkatapos ng hapunan ay tumungo ako sa labasan nang makitang nagsipuntahan ang mga binibini sa kani kanilang mga kwarto. Ipinantakip ko sa aking ulo ang malaking puting bandana sa ulo at dali daling pumanhik sa likuran ng mansyon. Pinagdarasal kong hindi ko makita ni anino ni Yael dito at laking ligaya ko na lang nang mabilis itong tinugon ng langit. Napangiti ako nang mapansin ang pigura ni Oier na nakatanaw lamang sa taniman ng bulaklak. Kinabahan pa ako lalo na’t nakita ko si Yael kagabi rito mismo sa aming tagpuan. Hindi ko gustong maisip niyang may inaabangan ako tuwing gabi kung kaya’t madalas akong napaparito. Tahimik akong umupo sa parihabang upuan at hinitay siyang bumaling sa akin. Ngunit, hindi pa nangyayari iyon nang marinig ko siyang magsalita. “Tuwing gabi ka ba paparito upang makita ako?” tanong niya. Wala namang ibig sabihin ang mga salitang kanyang bitiwan pero nagdulot iyon ng mabilis na pag pintig ng aking puso. Hindi ako tumugon, marahil naging dahilan iyon ng kanyang pagbaling.  Umupo siya sa pinkadulo ng upuan. Ipinatong niya ang kanyang paa sa kabilang hita at pinag ekis naman ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib. Ibinaba ko ang balabal sa aking balikat at saka ito mariing iyinakap sa aking katawan. “Masama ba, Ginoo? At saka hindi ako pupunta rito kung wala akong sadya sa iyo.” Nakangiti kong pahayag. Bumaling siya sa akin. Nakasuot siya ng kanyang kulay gintong maskara at ang kanyang itim na tuxedo. Sa likod ng kanyang maskara makikita mo rito ang kulay abong nangungusap na mga mata, wari pamilyar na sa akin ang eksena tuwing nagkakatitigan kami ng mga matang iyon pero hindi ko matandaan kung kailan at sa anong paraan. “Ano ang sadya mo kung ganon?” tanong niya.  “Uh,” umiwas ako ng tingin nang hindi ko maatim ang makipag titigan sa kanya. “Kung iyong mamarapatin, nais ko sanang malaman kung ano ang paborito mong pagkain?” patuloy ko. Narinig ko ang kanyang pag ngisi. Inilagay niya ang kanyang braso sa sandalan nang siya’y humilig.  “Bakit ko sasabihin? Hindi ba pandaraya na iyon? Alam mo ang paborito ko at ang mga katunggali mo nama’y hindi,” aniya.  Bumagsak ang balikat ko sa pagkadismaya. May punto siya, kapangahasan nga ang tanungin siya tungkol sa paborito niyang pagkain - pandaraya iyon at pansasamantala ng kakulangan nila sa karunungan at kakayahan sa pagluluto.  “At isa pa kung sasabihin ko iyon sa iyo, imposibleng magawa mo ito nang tama.” Bumaling ako sa kanya. Nakangiti lang siya habang nakatanaw sa taniman ng mga bulaklak. “Ang mga babaeng katulad ninyo’y inaasa sa iba na may kakayahan ang kanilang gustong kainin o madalas umu order na lamang sa online para lang makakain kaya hindi natututo hindi kagaya ng inyong mga ina.” patuloy niya. Itinapat ko ang nakasarang kamao sa aking bibig at tumikhim, “Nakasaad sa babasahin sa bibliya na masama ang humusga, Ginoo. At isa pa, bakit mo nasasabi iyan kung hindi mo lubos nakikilala ng bawat isa sa amin?” seryoso siyang napatingin sa akin nang ako’y tumayo. Sa ngalan ni Miko, ipagtatanggol ko siya. “Ginoo, mali ang paniniwala mo. Hindi porket mayaman ang bawat isa sa amin ay hindi na natutong magluto.  Hindi naman porket mataas ang estado ng buhay ng isang dilag ay iasa na lang sa pag o order ng pagkain upang makakain. Oier, ni hindi mo alam kung ano ang dinaranas nila kanina para lang ihain sa iyo ang pagkain tatanggapin ng iyong panlasa.” Huming ako nang malalim pagkatapos ng dire diretsong pagpapaliwanag. Inilagay ko ang aking palad sa aking noo at umiling, “Palibhasa kasi nakikinuod na lang sa CCTV kung ano ang ginagawa namin, hindi ka naman  tumutulong.” Mahina kong ani. Naalala ko si Yael sa kanyang pagkukurap kurap, “Kung hindi dahil sa misyon.. Nako!” bulong ko at problemadong umiling. “Misyon,” baritonong utas ni Oier. Natigilan ako at lumuwa ang aking mga mata sa gulat nang napagtanto kung ano ang aking mga sinabi. Mabilis akong umiling at nahihiyang ngumiti.  “Kalimutan mo na,” winasiwas ko sa harap ng aking mukha ang aking kamay. “Alam ko namang hindi mo sasabihin. Hindi kita pipilitin,” naka angat ang labi niya habang nilalaro ng kanyang hintuturo ang sandalan ng upuan. “Sana lang hindi ako kasali sa misyon na iyan, Seleng.” Kinamot ko ang aking batok kahit wala namang nangangati rito. Sa totoo niyan, ikaw ang pakay ng misyon na ito. “Pasensya ka na at natapakan ko ang iyong paniniwala,” “May punto ang opinyon mo, hindi ko naman ramdam na natapakan mo ito. Marahil, may mali lang sa paniniwala ko.” aniya at ngumiti.  “Sana magustuhan mo ang ihahain namin sa iyo, kahit hindi mo naman paborito.” Yumuko siya at napangisi. Maya maya itinaas niya ang kanyang manggas at tiningnan ang relo sa kanyang pulso. “Pumasok ka na sa loob, tatlong minuto na lang at makakabalik na si Ms. Prima ng mansyon.” Aniya at tumayo na rin. Tumango ako at sinulyapan na rin ang orasang nakapaskil sa pader, “Nasisiyahan akong makipag usap sa’yo, Oier.” ani ko at nagsimulang maglakad.  Nakataas ang kanyang kilay sa pagtataka nang lumingon ako sa kanya. “Siya nga pala, magandang gabi at hanggang sa muli nating pagkikita, ginoo.” Nakangiting bati ko.  Hindi ko na hinintay ang kanyang sasabihin nang dali dali akong tumakbo papasok ng mansyon. Una kong nasilayan ang serbidorang nagngangalang Lyka na may dalang maliit na takure at tasa sa aking pagpasok.  “Gusto niyo po ba ng tsokolate…” Tuloy tuloy ang aking paglalakad patungo sa pasilyo. Sandali akong natigilan nang maalalang tinawag niya akong Seleng. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD