Kabanata XI

2352 Words
** KINABUKASAN, maagang nagising si Celestine. Tumungo siya sa kusina nang makitang naghahanda ang mga serbidora. Nakangiti siya nang binati siya ng mga ito, gayon din naman ang ginawa ni Celestine sa kanila. “Ano ba ang niluluto ninyo?” tanong niya kina Claire nang makitang nakatulala ito habang nakaharap sa pinapakuluang tubig. Nakabalik sa wisyo si Claire nang makita sa harap niya ang dilag. “Ah eh, magpapalambot po ako ng pasta,” nahihiya niyang tugon.  Tumango naman si Celestine at ngumiti, “Pwede ba akong tumulong?” tanong niya. “Marunong naman akong magluto, gagabayan mo lang ako sa nais mong lasa nito.” Nakangiti niyang wika. “Ah eh,” kinamot ni Claire ang kanyang buhok ngunit ilang sandali nama’y sumang ayon na rin. “Sige po,” tugon niya. Umikot si Celestine sa Kitchen bar counter at binuksan ang tubig na pinapakuluan. Lumapit naman si Claire kay Lyka na kasalukuyang nagpapakulo rin ng kanyang tsokolate. “Sabi mo, isnobera si Miss Celestine. Hindi naman eh, ang bait bait niya kaya!” mariing bulong ni Claire kay Lyka. “Madalas lang siyang tahimik tuwing kasama niya ang mga binibini rito sa mansyon,” patuloy pa niya. Bumaling si Lyka sa gawi ni Celestine bago tiningnan nang masama si Claire, “Nagpapakitang tao lang ‘yan!” mabilis niyang binawi ang kanyang ulo at inikot ang kanyang mga mata, “Ilang beses niyang dinedma ang pag alok kong tsokolate sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang pagod at hirap ko sa pagpapatuyo ng buto ng cacao para may makalikha ng tsokolateng dekalidad at ubod ng sarap na tatanggapin ng kanilang sikmura!” madrama niyang ani. Nakatingin ito sa itaas ng kisame na wari iniisip ang mga tsokolateng nasayang dahil sa pa pang de dedma ni Celestine sa kanya. “Hindi ko matanggap,” umiling siya at inilagay ang likuran ng kanyang palad sa kanyang noo, “Hindi ko matanggap,” boses niya’y parang nangingiyak. Kunot noo namang napatingin si Claire sa kanya na wari nag we weirduhan sa inaasal ng kanyang kasamang serbidora. “Hindi mo matanggap ang alin?” tanong ni Claire. “Hindi ko matanggap na ako lang ng umiinom ng tsokolate,” aniya na naiiyak. Umiling na lang si Claire dahil sa kadramahan ng kasama at unti unti itong naglalakad papalayo mula sa kanyang likuran. “Nakahanay ang tsokolateng gawa ko sa mga dekalidad na mga tsokolate sa buong mundo.” Patuloy na saloobin ni Lyka. Nakatapat ang kanyang palad sa kanyang dibdib, “Napakasakit isipan. Napaka imposible ring hindi nila ito magugustuhan. Gawa iyon sa natural na buto ng cacao. Halos hindi ako makatulog sa magdamagang pagbabantay kung namumunga na nga ba ang cacao sa likuran at pagkatapos..” mariin siyang umiling at madramang humikbi “pagkatapos---” bumaling siya sa direksyon ng kinatatayuan ni Claire kanina bago ito nawala. Bumalik sa normal ang kanyang nagdadramang mukha nang makitang wala na roon ang kaniyang kaibigan, “Claire? Claire?” kinamot niya ang kanyang ulo. Binuksan pa nito ang drawer at nagbabakasakaling mahanap roon ang kaibigan.  Samantala, sa isang sulok nakasilip ang dalawang magkaibigang Penelope at Santina sa gawi kung saan nagluluto si Celestine kasama ang mga serbidora. Naka ekis ang mga braso ni Penelope sa tapat ng kanyang dibdib habang hindi naman maalis alis ang kanyang paningin sa masayang mukha ni Celestine. “Bida bida,” komento ni Santina. Tumango naman si Penelope bilang pag sang ayon sa kaibigan. “Sinabi mo pa,” sandaling umangat ang kanyang labi at saka ito ngumisi. “Hindi ko maatim ang makasama ang mga katulad niya rito sa bahay. Masyado siyang nagmamagaling, hindi na maganda. Nagmumukha tayong mahina.” Nagkatingnan ang magkaibigan. “I hope she gets eliminated in the first round.” “Pero sigurado akong hindi agad siya mapapatalsik. Sa ating lahat siya ang mga pinakamagaling mag luto.” Ani naman ni Santina.  Tumaas ang kilay ni Penelope at ngumisi, “Edi tayo ang gagawa ng paraan upang mapatalsik siya.” mahina ngunit bakas sa boses niya ang pagbabanta. “Sa ano namang paraan?” tanong ni Santina.  Ilang sandaling nagkatitigan ang dalawa. Unti unting sumilay ang ngiti ni Penelope, ngiting may bakas na kasamaan. Mukhang nakukuha naman ito ni Santina, mapanuya siyang tumango at napatingin sa direksyon ni Celestine. MALAKAS na ibinagsak ni Santina at ni Penelop si Miko sa likuran ng pintuan sa isang tahimik na silid. Siniguro ng dalawa na hindi sila mahuhuli ng CCTV nang haklitin nila si Miko mula sa mapayapang pagpapahinga nito sa sala. Dumaing si Miko at saka niya hinawakan ang kanyang braso. Nagtataka siyang napatingin sa dalawa dahil sa biglaan nitong pag higit sa kanya. “Ano ba ang nagawa ko sa inyo?” tanong niya sa dalawa. Hindi katangkaran si Miko, kaya’t naka angat ang kanyang ulo kung tumingin siya sa mga katunggali. “Wala,” naka ekis ang dalawang braso sa tapat ng kanyang dibdib habang ang isa nama’y naka angat habang nilalaro nito ang kanyang kuko. “Pero ang kaibigan mo rito sa loob, meron.” patuloy niya. Kunot noo at palipat lipat ang tingin ni Miko sa dalawa, hindi alam nito kung saan o kanino i pipirmi. “Kung tungkol ito kay Celestine, wala siyang ginagawang masama sa inyo. Mabait siya at kayo itong hinahanapan siya ng mali.” Nagkatinginan naman si Penelope at Santina pagkatapos ay tumawa, “Mamili ka kung sino sa inyong dalawa ni Celestine ang gusto mo mapatalsik, Miko.” Banta ni Penelope.  Bahagya namang natakot si Miko. Hindi niya gustong mapatalsik kagustuhan ng kanyang ina ang maisali sa patimpalak. Hindi nito gustong maikasal kay Oier, ang kanyang ina ang may interest sa mga Goncuenco. Humihina ang kanilang negosyo ang tanging paraan ng kanyang ina upang maisalba ito mula sa pagkakalugi ay ang kagustuhan niyang maikasal ang anak sa binatang ni minsa’y hindi pa nila nakikita. Upang makatulong sa kanyang ina, pumayag siyang sumali sa patimpalak. “Uh, look who’s on the verge of crying, may naalala ka?” mapanuyang tanong ni Santina at pagkatapos ay tumawa. “Mamili ka,” wika ni Penelope. “Kaya kitang patalsikin ngayon din, kung pipiliin mong ipagtanggol ang kaibigan mo.”  “Bakit hindi niyo gawin ngayon din nang hindi ako bina blackmail?” tanong ni Miko. “Simple lang, hindi namin gustong mabahidan ang aming mga  pangalan.” Umiling at ngumisi si Miko sa naging dahilan ni Penelope. Hinampas ni Penelope ang pintuan sa kanyang likuran dahilan nang kanyang pagtigil. “Gusto mong manalo rito, hindi ba? Mamili ka, Miko. Pangarap ng ina mo o si Celestine?” Hindi naman nakasagot si Miko. Hindi alam nito kung saan nakuha ni Penelope ang impormasyon na iyon. Sumagi sa isipan niya na maraming haka haka ang tungkol sa kagusutuhan ng kanyang inang hindi malugi ang kanilang negosyo. Hindi iyon lihim, ang kuwentong iyon ay nagpapalipat lipat lamang sa mga negosyanteng nakakasalamuha ng kanyang ina. Marahil, walang kawala ang pamilya ni Penelope o ni Santina sa usaping iyon.  Nakayuko lang ang kanyang ulo na para bang nag iisip ng mabuti kung ano ang dapat niyang gagawin. Namayani ang katahimikan. Mga ilang sandali’y napaangat ang mukha ni Miko at tiningnan muli ang dalawa. “Ano ba ang gagawin?” tanong niya. Nagkatinginan naman si Penelope at Santina. Unti unting sumilay ang ngiti sa mga labi nila. “...Ang lulutuin ni Celestine?” natigilan si Yael sa kakalakad nang marinig sa isang pasilyo sa hindi kalayuan sa kanyang direksyon ang pag banggit ng pangalan ni Celestine.  Mahina siyang naglakad upang hindi makagawa ng ingay at saka sumilip sa nakauwang na pintuan. Nasilayan niya roon si Miko, Penelope, at Santina na masinsinang nag uusap. Hindi malinaw sa kanyang pandinig ang kanilang sinasabi nang humina ang boses ng bawat isa sa kanila. Pero malakas ang kutob niyang konektado sa kay Celestine ang kanilang pinag uusapan.  Akmang lalapitan na sana niya ang tatlo nang mapatalon siya sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot ni Elias sa kanyang giliran. Nakatingin ito ng seryoso sa kanya. “Naninilip ka na naman, kuya? Isa sa mga serbidora ba o isa sa mga kahalok?” pang aakusa ni Elias. Mahinang napamura si Yael at agad na pinalupot ang kanyang braso sa leeg habang nakatakip ang isang palad nito sa bibig ng binatilyo at saka sila pumanhik papalayo. “Ilang putyukan ang gusto mong kumagat sa labi mo ha, bata?” banta niya kay Elias na pilit itong kumakawala sa kanya. Celestine Muli akong pumunta sa silid aklatan. Sinuri ko ang mga pinaglumaang libro at agad nakuha ang atensyon ko sa librong tungkol sa pagkaing kinahihiligan ng mga mayayaman. Kinuha ko ito at binuksan ang unang pahina.  “Lobster?..” ito ata iyong pagkaing dagat na hinahain sa mga mamahaling restaurant. “Truffles?” bulong ko. Ano naman ito? Hindi ako pamilyar sa pangalan at hitsura ng pagkain sa litrato. Baka malason pa si Oier, hindi ko pa naman alam ang paano ito lulutin. “Ve- veal Saltim…bocca,” dahan dahan kong pagkakasambit habang binabasa ang isang putaheng ngayon ko lang narinig ang pangalan. “Veal Saltimbocca,” napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ng isang ginoo sa aking likuran. Si Yael na nakaupo sa isang mesa habang ang dalawang kamay niya’y nakalagay sa kanyang mga bulsa. May kinakagat siyang manipis na hibla ng halaman. “Veal Saltimbocca,” ulit niya at dire diretso ang pagkakabigkas wari pinapamukha sa akin na hindi siya nahirapan, hindi kagaya ko. “Veal Saltimbocca,” muli niyang sinabi. Itinataas baba pa ang ulo nito habang mariing nakatingin sa akin. Binalot ako ng pagsisisi, sana pala sinara at kinandado ko ang pintuan upang walang makapasok sa silid na ito. Mas pipiliin kong mapag isa kaysa ang makasama siya rito.  Ilang sandali pa naalala ko ang pag tawag ng Seleng sa akin ni Oier. Marahil binigay ng Diyos ang pagkakataong itong maharap siya upang mahanapan ng sagot ang gumugulo sa aking isipan. Malakas kong ibinagsak ang libro sa isang mesa dahilan nang pagtalon sa gulat ni Yael.  “Ikaw!” malakas na boses kong pagkakasambit. Itinuro ko ang palad ko sa kanya. Kunot noo siyang tumitig sa akin at sandali napa atras, akala niya siguro sasampalin ko siya. Hindi naman ako namimisikal, lamok lang ang kaya kong sampalin.  “Tigilan mo ngang kakatawag sa akin ng palayaw ko, alam mo bang nakakarating iyon kay…” natigilan ako nang maalalang walang dapat makaalam tungkol sa pagkikita namin ni Oier. “...Alam mo bang nakarating iyon sa mga serbidora,” patuloy ko na lang.  Ayon ni Oier, nakikita niya ang mga galaw namin sa CCTV, siguro narinig niya roon o sa iba na tinawag ako ni Yael sa palayaw ko. Nakakahiya para sa kanya dahil hindi naman ito kagandahan, mas pipiliin ko pa ring tinatawag akong Celestine. Unti unting naglalaho ang pagkunot ng kanyang noo at pumalit roon ay ang pag silay ng mapanuyang ngiti sa kanyang labi. Lahat ng mga kilos niya’y nanunuya para sa akin. “Ano naman ang masama roon Seleng? Bakit ka nagagalit, Seleng? Cute kaya, Seleng.” mas lalong lumapad ang kanyang pag ngiti. Huminga ako nang malalim upang hindi na maragdagan ang maiitim na shakra na bumabalot sa aking katauhan. “Pinahintulutan ko lang ang ibang mga taong malalapit sa akin na tawagin ako sa palayaw ko.” Pinagdarasal ko lang na walang makakarinig sa malakas kong pagsasalita. Tumayo siya at lumapit naman sa akin. Agad akong umatras at tinakpan ang aking dibdib ng dalawa kong braso. “T-teka, anong binabalak mo?” utal kong tanong. Bahagyang may kadiliman ang silid at kami lang ang dalawa ang naririto. Hindi ko nagugustuhan ang tumatakbo sa aking isipan. Namayani ang katahimikan ilang sandali at unti unti namang kumukunot ang kanyang noo. “Ha?” nagtatakang tanong niya, “Sabi mo kasi mga malalapit na mga tao lamang ang pinahihintulutan mo na maaaring tumawag sa palayaw mo. Anong binabalak ang  pinagsasabi mo?” tanong niya. Ibinaba ko ang aking mga kamay sa aking giliran at taas noong nakipag titigan sa kanya. Agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa maruming kaisipan.  “Ah!” tumango siya at mapanlokong ngumiti.  Isinuklay niya ang kanyang mga daliri sa makapal niyang buhok at itinukod ang palad sa dingding. Kinuha niya rin ang hibla ng halaman mula sa kanyang bibig at hinawakan ito kagaya ng pag hawak ng isang sigarilyo.  “Ayos lang, binibining Seleng. Hindi naman ako pihikan sa mga babae, pwede nating gawin iyon.” Tumataas baba ang kanyang kilay. “..kahit walang kama,” nakakapang akit niyang sambit. Mas lalong uminit ang ulo ko lalo na sa tuwing nakikita kong sumisilay ang kanyang nanunuyang ngiti. Hindi ako nakapagpigil at malakas ko siyang sinampal sa mukha. Ito ang unang pagkakataong hindi lang lamok ang aking nasampal. Pinagsisihan ko rin kung bakit hinayaan kong marumihan ang aking isipan, sana’y hindi na umabot pa ganitong punto. “Bastos!” napahawak siya sa kanyang pisngi at hindi makapaniwalang nakipagtitigan sa akin. Pumeywang ako at bahagyang lumayo sa kanya. “Hindi mo dapat ginagawang biro iyan, Yael. Ang p********k ay isang sagradong bagay na para lamang sa dalawang taong ikinasal.” Pangangaral ko sa kanya.  “Pambabastos ba ang sadya mo kaya ka naparito? Ha?” tanong ko sa kanya.  Hindi siya agad nakapagsalita. Naputol ang paninitig niya sa akin nang bumaling siya sa kanyang palad na pagkatapos nitong mahawakan ang pisnging nasampal ko. Nakaramdam ako ng pagsisisi nang mapansing bumakat ang aking palad doon. “Sorry,” pagpapaumanhin ko kahit nangingibabaw pa rin ang inis ko para sa kanya. Mali marahil ang saktan siya. Hindi ko dapat iyon ginawa. Pasimple akong pumikit ng mariin. Hindi sapat ang panghihingi ng tawad.  Namayani muli ang katihimikan sa pagitan naming dalawa.    Ilang sandali pa'y narinig ko ang kanyang pag ngisi. Umangat ang mukha ko at nakita ko siyang umiling, “Ito ang unang pagkakataon na nasampal ako ng babae.” Pahayag niya. Kinagat ko na lamang ang labi ko, “Never will I forget this…” mahina niyang utas sa matigas na ingles ngunit sapat na iyon para marinig ko. Umangat ang kanyang paningin at tumitig sa akin. Sumasayaw ang repleksyon ng kanyang mga matang nangungusap sa tuwing natatamaan ito ng linawag - pamilyar sa akin ang eksenang sa tuwing nakikipagtitigan ako sa kulay abo niyang mga mata. “Nang makita kitang pumasok dito, sinundan kita.” Tumaas baba ang kanyang adam’s apple. Mahinahon ang kanyang boses, hindi katulad ng madalas kong naririnig mula sa kanya. “May gusto lang akong sabihin sa iyo..” aniya. Sasagot na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. “Kung gusto niyo, Richmond, bumisita kayo tuwing linggo rito para makilala ninyo nang husto ang bawat isa sa kanila..” napako ang kinatatayuan ko nang marinig ang boses ni Maestra Prima. Nakasunod sa kanyang ang isang matandang lalake.  Hinawakan ako ni Yael sa aking pulso at hinigit patungo sa likuran ng isang estante. Umupo kaming dalawa sa malamig na sahig at saka niya kinuha ang isang sako at ipinatong ito sa aming mga ulo.  Sumisilip ako kina Maestra Prima at sa isang matandang ginoong kanyang kausap sa pagitan ng dalawang libro. Malakas ang pintig ng puso ko hindi lang dahil sa kaba kung hindi dahil sa ibang bagay na hindi ko mahanapan ng paliwanag nang mapagtantong ilang pulgada lang ang layo ng mukha naming dalawa habang nakatitig sa isa’t isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD