Kabanata XXVIII

2154 Words

UNA kong nasilayan ang puting dingding sa pagmulat ng aking mga mata. Sumagi naman sa aking isipan ang nangyari noong huli akong nagising. Nanigas ang aking katawan at napadilat nang husto aking mga mata nang muli kong naalala ang mukha ni Yael o ni Oier. Hindi ko akalain na silang dalawa ay iisa lamang. Kaya pala nakikita ko si Yael kay Oier minsan, at si Oier kay Yael.  Kinagat ko ang aking labi nang malalala ang mga panahong akin siyang sinampal dahil sa hindi magandang biro, aking pang iinis dahil sa kanyang walang hangganang panunuya, pandededma tuwing gusto niya akong kausapin, sa aking pag sagot sa kanyang kabalbalan, at marami pang iba.  Hindi ko dapat iyon ginawa, ako ang dapat parusahan dahil sa kalapastangang aking ginawa para sa isang kamahalan na katulad niya. Buong lakas ak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD