MGA babaeng hapit sa kanilang mga katawan ang kasuotan, makakapal ang makeup, may cocktail drinks na nakalatag sa mesa, musikang may dalawang kahulugan ang liriko. Karaniwan na Gabi para sa kanilang apat. Sikretong lugar kung saan madalas mag kasiyahan ang magpinsang Goncuenco maliban sa Billiard Lounge sa Makati kung saan naman sila madalas maglaro.
Inaaliw nila ang kanilang sarili gamit ang karangyaan. Naglalaan sila ng pera para matustusan ang kalibugan. Walang kawala mula sa katotohanan na iyon si Oier.
Lumingon si Oier sa mga babaeng nagsasayaw sa Pole. Nakukuha ang kanyang atensyon ng babaeng nasa sentro. Kumikintab ang kanyang mapuputing balat dahil sa pawis nito. Mahilig siya sa mga binibining magaling umindak at sumayaw habang wala maikli o wala masyadong kasuotan. Sumasagi kasi sa kanyang isipan na magaling itong gumiling at magdala sa kanya sa langit habang siya nama’y naka higa lang sa ibaba ng babae.
Binalik niya ang kanyang paningin sa kanyang iniinom nang mapansing nakatingin sa kanya ang babae at papalit sa kanyang direksyon.
“Alalay ka ba talaga?” tanong ng naturang babae nang tumabi ito sa kanya sa bar counter.
Napasulyap ang babae sa grupo ng mga Goncuenco sa sofa bago ibinalik kay Oier ang kanyang paningin. Umangat naman ang dulo ng labi ni Oier habang nilalaro nito ang baso na naglalaman ng alak.
“Ano sa tingin mo?” tanong niya rito.
Umiling naman ang babae atsaka nito pinagsadahan ang braso ni Oier ng kanyang hintuturo. “Hindi nalalayo ang tindig at hitsura mo sa kanila.” tugon nito sa mapang akit na boses.
Nagkibit balikat si Oier at nakipagtitigan sa dalaga sa kanyang tabi. Nagdadala ng bolta boltaheng kuryente ang kamay nitong naglalakakbay sa kanyang braso, balikat, at leeg.
“Hindi ako naniniwalang hindi ka kabilang sa kanila. You’re just hiding in the shadow to avoid getting known, kasi kung ako tatanungin, mas nakakahigit ka.” seryosong pahayag ng babae. Tinagilid nito ang kanyang ulo at tiningnan ang labi ni Oier. Inilapit nito ang maliit na basong walang laman sa kanya. “Pour on this glass the gin you’re drinking if I ain’t right.” paghahamon ng babae.
Naka angat lang ang dulo ng labi ni Oier at wala itong balak tumugon o sundin ang kagustuhan ng dalaga. Walang sagot sa mga pahayag niya at wala siyang balak kumpirmahin ito. “What’s your name?” tanong niya sa dalaga.
Hinilig ng babae ang kanyang braso sa ibabaw ng counter. Bumaba ang tingin ni Oier sa kanyang labi. Iniisip niya kung ano ang natural na kulay nito kapag nabasa ito nang tuluyan sa kanyang halik. Pinalibot niya ang kanyang braso sa sandalan ng inuupan ng babae at pasimpleng hinaplos ang kanyang likuran.
“I don’t share my name with strangers.” tugon naman ng babae. Kinakagat naman ni Oier ang kanyang labi. Nanliliit ang kanyang mga mata habang nakipagtitigan sa babae. Alam niya sa pagkakataong iyon, may namumuong kagustuhan sa kanyang isipan.
“Wanna share a bed with me instead?” pag yaya ni Oier sa kanya. Sumilay ang ngiti ng dalaga at nilapit ang kanyang mukha kay Oier. Tinugunan naman ni Oier ang gutom na halik ng dalaga sa kanya.
Napatingin ang mga Goncuenco sa kanya na nang hawak hawak niya ang babaeng pinagpapantasyahan. Si Rafael at Iggy ay nanunuyang pinagmamasdan lamang siya, habang ang pinakamatinong si Signor ay napailing na lamang nang masilayan ang pag kindat ni Oier sa kanila. Isang senyales na nakuha niya ang paborito para sa gabing ito.
Isa sa mga tipo niyang mga babae ang pumapayag na magkaroon sa koneksyon sa kanyang pangangailangan at pagkatapos ‘non, magkakalimutan na lang na parang walang nangyari.
Ang ganitong mga bagay para sa kanya ay madalas nang masakatuparan. Pagkatapos mag seryoso sa isang babae, hindi na siya kailanman sumugal muli upang maiwasan ang masaktan. Simula noon, hinahayaan niya ang sariling makipag laro sa mga babaeng laro lang din ang hanap. Tinatawanan niya kahit ang sariling mga magulang kung bakit nagpapakalunod ito para sa isa’t isa.
Para sa kanya, ang tunay na pag ibig ay isang kathang isip lamang. Walang katotohanan, walang kabuluhan.
Celestine
Malakas kong ipinaypay ang hawak kong notebook sa aking sarili habang umaandar ang jeep na aking sinasakyan. Dito naman ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas at kumpara sa Italya mas mainit ang klima rito. Hindi rin madaling masanay ang katawan ko sa iba’t ibang uri ng klima kahit saang lugar sa mundo man ako mapadpad.
“Para po!” hinawakan ko ang aking belong suot nang bumaba ako ng jeep.
Napansin ko agad ang paninitig ng mga taong aking nadadaanan. Ang iba sa kanila’y mapangahas akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Dala ng kuryusidad, bumaling na lang ako sa glass window ng isang restaurant sa aking tabi upang tingnan ang sariling kasuotan. Lagpas tuhod ang aking itim na saya, hanggang siko naman ang sleeves ng aking bulaklaking blouse, at sa tingin ko, bumagay naman ang aking kasuotan sa suot kong kulang berdeng sneakers.
Pinagkibit balikat ko na lamang iyon at tinungo ang lugar kung saan naroroon ang bahay ng aking ina.
Matatagpuan ang aming bahay sa isang subdivision sa Makati. Sa gitna ng hindi gaanong kalaking bahay, makikita ang aming kulay puting tahanan. Napapalibutan ng mga iba’t ibang uri ng harap ang aming bakuran. Mahilig si Mama sa mga halaman, kaya hindi nakakapagtaka kung minsan dinadalaw kami ng mga reptilya.
Nang makarating ay agad akong nagtago sa aming lumang puno ng mangga na mas matibay pa sa relasyon ng mag asawa naming kapitbahay. Maliit lang ang aming bahay, hindi na rin kasi namin ito ni pinabago nang hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong lumaki ang aming pamilya magmula noong pinaslang ang aking Ama.
Hindi narin nagtrabaho si Mama. May pension naman siyang nakukuha mula sa pagtatrabaho dati ni Papa sa isang broadcasting Company bilang journalist. Nagkakaroon siya ng maliit na negosyo na nabebenta niya online at sa awa ng diyos, dahil doon nakapagtapos naman ako ng kolehiyo.
Tumingkayad ako upang silipin kung naroroon siya sa loob. Napangiti ako nang makita siyang kumakaing mag-isa. Mabuti naman at okay lang ang kalagayan niya rito. Gabi gabi ko siyang iniisip noon sa Naples. Madalas akong mag alala. Sariwa pa rin kasi sa aking isipan kung paano kami ni looban sa sarili naming tahanan noong bata pa ako, akala namin pagnanakaw lang ang dahilan pero nang makita ko kung paano nanlaban si Papa at kung paano siya pinaslang, ay higit pa sa pagnanakaw ang nakikita kong tanging motibo upang gawin iyon sa sa kanya.
Huminga ako ng malalim at tinigil ang kakatingkayad nang makita si Mama sa loob na tumayo, dala dala niya ang kanyang pinagkainan atsaka niya ito binaba sa lababo.
Napangiti ako.
Aminado akong nasasakal ako dati sa pangarap niya para sa akin, pero ngayon unti unti ko nang natatanggap. Marahil ang pagmamadre nga at pag aalok sa diyos ang aking pag ibig ang paraan upang mapanatag ang aming buhay.
Hindi ko siya bibiguin sa pangarap niya para sa akin. Magiging ganap akong madre kalaunan.
Unti unti akong lumayo. Hindi niya ako kailangan makita rito. Magtataka si Mama kung bakit ako bumalik ng Pilipinas, malalagot ako pag nalaman niyang may kasalanan akong ginawa sa monasteryo kahit naakusahan lang naman ako.
Pinunit ko ang aking paningin sa aming tahanan nang maka ilang metrong distansya ako mula roon. Mahigpit kong hinawakan ang sling ng aking bag pack at mabilis na naglakad sa kahabaan ng daan patungo sa labasan ng subdivision.
Napatingin ako sa mga nagtataasang gusali, maiingay na mga tsuper ng jeep, nanliliit ang aking mata dahil sa sikat ng araw. Itinaas ko ang aking kamay at pinangtakip ito sa ibabaw ng aking mga mata. Muli akong napatingin sa dala dala kong notebook.
“Illuna Zhao… Grand Filla Restaurant. 083 443 7577,” kunot noo ko itong binasa.
Ito ang ibinigay na impormasyon sa akin ni Mother Superior Olivia. Aniya napakilala na niya ako kay Illuna at magkikita kami sa naturang restaurant. Tinawagan ko ang phone number kanina pagtapak ko ng lupa sa Pilipinas, ang problema, ibang boses ang nakasagot kung kaya’t ibinigay ko na lang ang impormasyon ko sa binibining iyon.
Mga ilang sandali pa’y nakarating ako sa istasyon ng tren pabalik ng Manila. Agad akong nakipagsiksikan nang nag umpisang dumami ang mga pasahero. Inayos ko ang aking belong suot at napaupo sa bakanteng upuan sa aking tabi. Pinaypay ko ang aking sarili habang pinupunasan naman ang aking sariling pawis.
Umusog ako nang may isang babaeng nakasuot ng itim na tela sa kanyang ulo ang umupo sa aking tabi.
“Hello, boss!” malakas na bulyaw niya sa kanyang katawag sa kabilang linya. “Opo, boss! Pero di ko alam kung jackpot ako.” Sumilip siya sa akin kung kaya’t agad kong iniwas ang aking paningin sa kanya. Muli akong sumilip nang mapansin ko siyang tumitingin tingin sa paligid bago ibinaba ang pangangatawan at bahagyang tinakpan ang kanyang bibig ng kanyang palad.
“Mukhang mahirap po kasi ang ninakawan ko..” bulong niya. Lumuwa ang aking mga mata sa gulat at pasimpleng napasinghap. “Opo, opo. Boss, sige po Bye.” aniya at tinapos na ang tawag.
Napansin ko sa giliran ng aking mga matang napalingon siya sa akin bago itinago ang phone sa kanyang bulsa. Muli akong sumilip sa kanya. Hinalughog niya ang bag na wari may hinahanap dito.
“Masama po magnakaw,” biglang utas ko. “Ayon sa ika walong kautusan ng diyos, mababasa exodus 20:15, huwag kang magnanakaw.” Paliwanag ko sa kanya.
Kunot noo siyang napatingin sa akin. Napalingon lingon ako sa kabuuan ng tren, naghahanap ako ng pwedeng matakasan kung sakaling maglabas siya ng kutsilyo rito.
“Pinagsasabi mo?” maangas niyang tanong sa akin.
“Alam mo ba kapatid, ang pagnanakaw ay isang napakasamang gawain, sapagkat natutunan mo ang iasa sa gawaing iyan ang pangangailangan mo, natutunan mong magsinungaling, at higit sa lahat, natutunan mong hayaan ang sariling mong balutin ng kasamaan.” Nakangiting pagpapaliwanag ko sa kanya.
Hindi siya nagsalita. Naglaho ang kakunutan ng kanyang noo at napatingin na lamang sa bag na kanyang hawak hawak. Marahil itong bagay na ito ang kanyang ninakaw.
Hinawakan ko ang kanyang balikat, “Alam kong may kabaitang nagkukubli sa iyo, marahil ang pagkakataong na makita ako ay isang paraan na rin ng Diyos upang maliwanagan ka sa maling ginagawa mo.” Napatingin siya sa aking balikat.
“Sister…” utas niya, nagsasayaw sa repleksyon ng liwanag ang kanyang mga mata na para bang nakokonsensya. Nakaramdaman ako ng kasiyahan. Pumikit ako at matamis na ngumiti habang tumatango. “Walang taong hindi nagkakasala, ang importante binago mo ang buhay mo at tinanggap ang mga salita ng Diyos.”
“Pasensya na po, sister. Hindi na mauulit, hindi na po talaga.” dinadama ko ang kanyang boses na humihingi ng tawad habang nakapikit.
Ang sarap sa pakiramdam kapag may napapabago kang tao. Namayani ang katahimikan ilang sandali, muli kong idinilat ang aking mga mata. Kinusot ng ilang baretang panlaba ang kanyang presensya nang naglaho na lamang ito na parang isang bula.
Tumayo ako at inangat ang bag na kanyang ninakaw. Saan na kaya ang babaeng iyon? Marahil gusto niyang isuli ko ang bag na ito sa may ari pero paano ko naman iyon gagawin? Napatingin na lamang ang mga pasahero sa akin dahil sa pagtataka sa aking biglaang pagtayo nang magsimulang umandar ang tren.
“Uh, nakita niyo ba iyong babaeng nakaupo rito kanina?” tanong ko sa studyanteng lalake. Umiling iling siya, kaya ang katabi niyang babae naman ang aking tinanong. “Nakita niyo po ba iyong babaeng parang lalake magsalita rito nakaupo kanina?” Pag iling din ang kanyang naging sagot sa akin.
Nang muli akong umupo, dalawa na nakaunipormeng pulis ang tumayo sa aking sa aking giliran. Malapad akong ngumiti. Hindi talaga ako pinapababayaan ng Diyos. Hinulog niya ang dalawang mamang ito mula sa langit at dahil diyan, hindi ko na kailangang bumisita ng presinto para ibigay sa kanila ang bag.
“Grazie Dio” (thanks, God) mahina kong utas. Nagkatinginan naman ang dalawang pulis.
“Anong sabi mo?” narinig iyon ng isang pulis.
“Salamat sa Diyos po ang ibig sabihin ‘non.” paliwanag ko at inangat ang bag. Ngunit agad naglaho ang aking ngiti sa labi nang inangat din ng isang mamang pulis ang kanyang posas.
“Gazie din amiga, hindi mo kami pinahirapan sa paghahanap mo sa’yo.” Nakangiting aniya at dali daling pinosasan ang aking dalawang kamay.
“T-teka po. Nagkakamali po kayo! H-hindi po ako--” sinubukan kong magpumiglas nang hinila nila ako patayo.
“Sa presinto ka na mag paliwanag.” sabi ng isang pulis at dinala naman niya ang aking bag at bag ng ninakaw ng katabi ko kanina.
Napapikit ako ng mariin. Bakit ba parati akong minamalas sa taong ito? Sa pagkakaalam ko, ang tanging kasalanan ko lang nagawa ay mahulog sa isang seminarian.
“SIR, hindi po talaga ako nagnakaw niyan!” nakahawak ako sa dalawang rehas at pilit pinagkakasya ang aking mukha.
Tiningnan ako ng masama ng Pulis habang hinahalungkat ang bag kung mayroon bang nawawala. Mukhang hindi siya naniniwala na isang akong Novitiate, nahulog kasi ang aking belong suot nang hinila nila ako kanina paalis ng tren. Wala akong katibayan.
“Sir!” muli kong tawag sa kanya.
Gusto kong maiyak. Hindi ko naman pinangarap ang makulong dito sa Manila eh. Ano ba ang gagawin ko ngayon pag kinasuhan ako? Hihingi ba ako ng tulong kay Mama? Mukhang wala naman akong pagpipilian at siya lang ang kilala ko rito sa Pilipinas.
“Pakiusap po, pakinggan niyo ang paliwanag ko.” pagmamakaawa ko. Muli siyang bumaling sa akin gamit ang kanyang madilim na paningin. “Sabi niyo sa presinto na ako magpapaliwanag. Nandirito naman tayo ah, di naman kayo nakikinig eh.” dagdag ko.
Hindi siya kumibo. Buntong hininga akong sumuko at napaupo na lang sa malamig na sahig.
“Yael!” napaangat ang aking ulo nang marinig ang mamang pulis ma sumigaw.
Muling akong tumayo at napatingin sa ginoong kakapasok lang ng presinto. Matangkad ito at matipuno. Nakasuot siya ng butas butas na pantalon at maluwang na puting t-shirt. Maaliwalas ang kanyang pagmumukhang nakangiti nang sinabulong siya ng mamang pulis.
Tumigil ang pagtakbo ng oras at nawala ang ngiti niya sa labi nang itinuro ako ng pulis at nagtama ang paningin naming dalawa.