Celestine
Makakapal ang kilay, matataas ang pilikmata, kulay abong mga nangungusap na mga mata, saktong hugis at laki ng labi. Matangkad at simple lang ang kasuotan. Pinoy naman ang kanyang mukha pero ang kanyang katangian ay parang may dugong dayuhan. Pasulyap sulyap lang siya sa direksyon ko. May ilang minuto pagkatapos nilang mag usap sa isang pulis na nagbabantay ay agad din naman akong pinalabas ng selda..
“Hindi ka ba magsasampa ng kaso?” nanlaki ang mga mata ko sa suhestiyon ng pulis sa kanya.
Napahinga ako ng maluwag nang makita siyang umiling habang hindi naman nawawala ang pag angat ng dulo ng kanyang labi.
“Sayang naman kung hindi ka mag sasampa. Kaya binabalot ng kasamaan ang mundo dahil sa kabaitan ng mga nagiging biktima.” Wika ng pulis at napasulyap naman sa akin bago binalik ang paningin sa tinawag niyang Yael kanina. “Hindi ba?” hinintay niya pa na sumang ayon ang ginoo.
Mahina namang humalakhak ang ginoong iyon at tumingin muli sa akin. Agad akong umiwas at binaling na lang ang atensyon ko sa itaas. Kunwari naghahanap ng butiking makakausap.
“Mukhang mabait naman po si Ale.” Nag pantig ang tainga ko nang marinig ang kanyang itinawag sa akin. Ale? Ale na ba kung tawagin ang edad bente tres ngayon sa Pilipinas?
“Mukhang napagkamalan niyo lang si Ale. Kawawa naman po kung makukulong at kawawa rin ako kung magsasampa ako ng kaso. Wala naman po akong budget para diyan, sapat na po ang makita ang bag ko.” Pagpapaliwanag niya.
Mukhang natural ang pang ngiti ng kanyang mga mata. Hindi ko tuloy alam kung nanunuya siya o talagang tingin niya sa akin ay may edad na. Gayon pa man, hindi ko dapat siya hinuhusgahan. Ang Diyos lamang ang may karapatan manghusga.
Ngunit, tao rin ako. Umuusok ang aking ilong dahil sa inis.
“Okay! Sobrang bait mo talagang bata,” puri ng mamang pulis na may tiyan na kasing laki ng walong buwang buntis sa kanya. Napawi ang ngiti niya sa labi nang bumaling sa akin. “Hindi gaya ng iba diyan,” patuloy niya.
Sumilay ulit ang ngiti sa labi ng ginoo. Nagpakita roon ang kanyang kumpleto at mapuputing ngipin. Bago siya tuluyang umalis, mabilis akong humakbang upang maabutan siya.
“Salamat nga pala, ginoo.” kahit na hindi ko nagustuhan ang pag tawag niya sa akin ng Ale. “Sa hindi pagsampa ng kaso.”
Para akong kinulang sa bitamina pampatangkad nang tumayo ako sa harap niya. Kinulang ang limang talampakan mahigit sa kanyang tindig. Hanggang balikat lang ulo ko sa kanya kung kaya’t napapayuko siya at ako nama’y tumitingala kapag nagkakatitigan kami.
“Sa susunod Ale, kapag magnanakaw ka huwag kang magsusuot ng saya upang maka takbo ng maayos at hindi mahuli ng mga pulis.” Aniya sa baritonong boses.
Muling nag pantig ang tainga ko. Pangalawang pagkakataon na ata itong tinawag niya akong Ale. Inilagay ko sa magkabilang beywang ang aking kamay at pilit na ngumiti.
“Ginoo, unang una sa lahat hindi ko gusto ang tabas ng dila mo kahit nakapalumay ng iyong pagkakasabi.” Tumaas ang isang kilay niya at ngumuso. “Pangalawa, nasasaktan ako pag tinatawag mo akong Ale dahil lang sa pananamit ko. Pangatlo at pang huli, hindi ako magkaka interes na magnakaw ng gamit ng iba dahil mayroon naman akong gamit. Kaya imposibleng nanakawin ko ‘yang bag mo.” Tinuro ko ang bag pack na nananahimik lang na nakalatag sa sofa. “Sa sobrang dami ng dinadala ko, sa tingin mo ba magkakaroon pa ako ng tsansang mag nakaw?” huminga ako ng malalim nang matapos akong mag paliwanag.
Kumurap kurap naman siya habang nakatingin lang sa akin. Bumaling ako sa mamang pulis na kasalukuyang kumakain ng lollipop. “At ikaw, mamang pulis.” pagkuha ko sa kanyang atensyon.
Bahagya siyang sumulyap sa akin bago ibinalik ang paningin sa pinapanood na dramang hindi ko maintindihan ang lengwahe.
“Agad niyo akong inaresto dahil lang sa hawak hawak ko ang bag niya. Hindi niya lang naman inimbenstigahan ang nang lubos ang sitwasyon at hindi niyo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag man lang kahit isang pangungusap.” ani ko na naiiyak.
Muli akong bumaling kay Yael na kasalukuyang nakatingin lang sa akin. “Tapos ka na ba?” tanong niya. Ubod siya ng kagwapuhan kahit simple lang pero hindi ko gusto ang estilo ng kanyang pananalita. “Pwede na ba ako umalis?” patuloy niyang tanong.
“Hindi ka man lang hihingi ng sorry?” hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.
Nagiging kulay kayumanggi ang kulay ng kanyang buhok kapag natatamaan ng sikat ng araw. Aminado akong may hitsura siya pero para sa akin, walang makakapantay kay brother Mario.
“Para saan?” kunot noo niyang tanong.
Muli akong pumameywang at lumapit sa kanya. Inaasahan kong mapapa atras siya at didikit sa dingding ang kanyang likuran dahil natakot siya sa presensya ko, ngunit kabaliktaran ang nangyari. Nakatayo lang siya at walang ka emo emosyon ang mukhang nakatayo sa akin. Sa huli ako itong bumitaw nang kakatitig sa kanya nang nauwi sa panghihina ang aking tuhod dahil sa kanyang nakakahalinang mga mata.
“S-sa pag akusa ng mga pulis sa pagnanakaw ng b-bag mo.” Tugon ko.
“Hindi naman ako nanghuli sa’yo,” wika niya. Gulat akong bumaling sa kanya. Dati sa monasteryo, kahit hindi ko kasalanan ay humihingi parin ako ng sorry. “Ale este Miss, hindi ko kailangan ng isang mahabang argumento. Kung ito ay pagkakamali, sila dapat ang magpapaliwanag sa iyo. Tatanggapin ko ang pagpapasalamat mo, pero tungkulin nila ang mga bagay na iyan.” patuloy niya at bumaling sa mamang pulis.
“Sir, aalis na po ako.” malakas na sigaw niya at sandali na lang napatingin sa akin.
Nakanganga niya akong iniwan sa aking kinatatayuan. Nasulyapan ko naman ang multo ng kanyang pag ngisi bago siya tuluyang sumakay ng jeep. Sa pinakadulo siya ng jeep nakaupo. Nagtama ang aming mga paningin ilang segundo bago ito napunit nang tuluyang lumiko ang jeep sa isang kanto.
Bumagsak ang aking balikat at huminga na lang ng malalim. Maraming nagkasala ngayong taon sa akin pero ni isa sa kanila’y walang humingi ng tawad. Isa na roon ang mga tao sa monasteryo, pero kung iisipin, kung hindi ako sumama, hindi naman ito mangyayari sa akin.
Tamad akong tumungo sa harap ng mamang pulis. “Pwede na po ba ako umalis?” tanong ko sa kanya.
Ang mga karakter sa kwentong kanyang pinapanood ay mga singkit ang mga mata habang nagsasalita ng kakaibang lenggwahe. Bumaling siya sa akin sandali bago binalik ang paningin sa pinapanood ng telenovela.
“Hintayin mo na lamang ang magsusundo sa iyo.”
“Po? Mama ko po?” tanong ko. Huli kong narinig na susunduin ako ng aking Guardian ay noong nakipagtalo ako sa school laban sa kaklase kong bully.
“Aba’y ewan ko, nakita ko lang sa notebook na ibinigay mo sa akin.” tugon niya.
Bahagya akong tumango at napaupo na lang sa upuang nasa harapan niya. Bumaling ako sa pulis nang bigla na lang itong tumawa. Namumula ang kanyang mukha habang hindi inaalis ang paningin sa pinapanood.
Napasulyap ako sa pinapanood niya. Agad akong nagtakip ng mukha gamit ang aking palad nang makitang nagpapalitan ng maiinit na halik ang mga bida.
“Hallelujah,” utas ko.
“Kunwari ka pa. Mararanasan mo rin naman ito,” ani ng mamang pulis. Inalis ko ang palad sa aking mukha at tumayo. Muli akong pumameywang at humarap sa kanya. Kumurap kurap ang mamang pulis nang tumingala sa akin.
“Gusto kong ipaalam sa in---”
“Celestine Donato?!”
Hindi natuloy ang sasabihin ko nang bigla kong marinig ang pangalan ko. Lumingon ako sa direksyon ng boses at tumambad naman sa aking harapan ang isang babaeng ubod ng ka sexyhan. Hapit na hapit sa katawan ang kanyang kumikinang na damit, kung kaya’t madiin ang pagkakadetalye ang laki ng kanyang pang upo, balakang, at dibdib. Makintab din ang kanyang mga palamuti sa katawan. Sumisigaw ng karangyaan ang kanyang postura’t tindig.
Nagdadalawang isip kong itinaas ang aking kamay. Napatingin naman siya sa akin. Bahagya niyang ibinaba ang kanyang suot na sunglass at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
“Ah, Ale? I-ikaw si Celestine Donato?” hindi makapaniwala niyang tanong. Muling nag pantig ang aking tainga nang muli akong tinawag na Ale. Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.
“Ako nga po, bakit po? May problema ba tayo?” tanong ko at mahinang humalakhak.
Bumaling ang binibining iyon sa kawalan at mahinang bumulong, “hindi naman sinabi ni Olivia na mas matanda pa pala ang sa akin…” pero rinig na rinig ko.
Ngumiti siya sa Police Officer na kasalukuyang naglalaway at nakatayo na habang nakatingin lamang sa kanya. May inabot siya mula sa ginto niyang pitaka at mabilis hinaklit ang aking pulso.
“U-uh, may sukli--”
“Hindi ako tumatanggap ng barya. Thank you! Bye!” aniya at nagpalipad sa hangin ng halik patungo sa mamang pulis. Kunwari iyong inabot ng mamang pulis at saka binangungot ng gising nang makaupo.
“ANO ho?!”
Gulat kong tanong nang mapag alamang isa ako sa mga babaeng kalahok sa patimpalak kung saan maglaban laban ang mga ito para sa trono ng magiging bride ni Oier Goncuenco. Tumango naman habang nakahalukipkip ang binibining dali dali akong sinundo kanina sa presinto na nagngangalang Illuna Zhao.
Dinala niya ako sa nakakalulang mansyon sa sobrang laki at gagara ng mga muwebles at palamuti sa Makati. Siya ang pinapahanap sa akin ni Mother Superior Olivia na makakatulong sa akin dito sa Pilipinas. Ikinuwento rin niya kung paano sila naging related ni Mother Superior. Aniya’y magkapatid sila sa Ama. Gayon pa man, maganda naman raw ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.
Nang mailapag ng serbidora ang inumin sa hapag. Agad kong kinuha ang aking baso at dali daling inubos ang laman nito. Nakatayo siya at nakasandal sa pader. Maya maya pa’y kumuha siya ng isang sigarilyo at sinindihan ito.
“Paano po nangyari iyon? Hinahanapan ng mapapangasawa si Oier Goncuenco? Ni hindi ko pa po nakikita ang mukha niya..” sunod sunod kong tanong.
“Hindi ka nag iisa, Celestine. Walang nakakaalam ng totoo niyang mukha at pagkatao. Nobody in a million population, but of course Goncuencos are exceptional.” Kibit balikat na aniya. “Kung tatanungin mo naman kung sino ang mga babaeng magka interest na sumali sa laro. Well, marami Celestine, maraming magkaka interest na mapangasawa ang isang batang bilyonaryo. Kung tatanungin mo naman sa anong aspeto; pera, ari arian, hacienda, iba pang mapapakinabangan at maipagmamalaki sa mga tao.”
Hindi ko masisisi kung ganito ang pananaw ng mga mayayaman. Nabulag sila sa karangyaan at kahit ang kasal, na isang sagradong bagay para sa dalawang taong nagmamahalan ay ginagawang laro na lamang.
“Hindi ba dapat, pinipili ni Oier na mapapangasawa niya ang mapupusuan niya?” mahina kong tanong.
Ngumisi naman si Ms. Illuna at umiling, “Hindi na uso ang mga ganyang bagay, Celestine. Sa panahon ngayon dapat pratikal ka. Tingnan mo ang buhay ko kumpara kay Olivia,” aniya at malakas na tumawa. “Kung pinili ko ang isang tricycle driver marahil hindi ako hihiga sa bundle of thousands ngayon.” Tumaas baba naman ang kanyang kilay.
Tumango na lamang ako. Hindi ko gustuhing makipagtalo pa. Hindi ko gustong makasakit ng tao dahil lang gusto kong ipaglaban ang pananaw na pinapaniwalaan ko. Pero kung sakaling may isang malaking butas akong narinig, ibabahagi ko ang nalalaman ko.
“Maiba ako Ms. Illuna, hindi rin po ba alam ni Mother Olivia ang tungkol sa pagkatao ng anak niya?” muli kong tanong.
“Hmmm, alam kong alam niya ang tungkol kay Oier pero hindi ako sigurado kung nakita niya ang mukha nito nang lumaki. Isa siyang kerida..” Napasinghap ako sa biglaan niyang pag bulgar. “...Kerida ng mayamang Goncuencong hindi biniyaan ng anak sa kanyang asawa. Pinapili siya, buhay niya monasteryo o buhay ng anak niya. Eh sa takot na rin ni Olivia sa asawa ng Goncuencong iyon, binigay na niya ang bata sa kanila at siya’y nagpatuloy sa monasteryo. Sa panahon nila, hindi tinatanggap ang mga babaeng may anak sa pagmamadre. Iba sa kanila pinapa ampon pa nga eh.” Paliwanag niya at muling humithit ng sigarilyo.
Muli akong tumango at napahawak na lang sa tyan ko. Sigurado ba ako sa papasukan ko? Paano kung mapili ako ng Goncuencong iyon at magkakaroon kami ng anak? Sumagi sa isipan ko ang matipunong lalake na nakasuot ng itim na abrigo at hinihintay ako sa altar.
Mabilis akong umiling upang iwasiwas iyon. Hindi pwede, Celestine. Mahal mo ang pangarap ng mama mo para sa iyo.
Narinig ko naman ang pag ngisi ng Ms. Illuna. “Kung nagtataka ka bakit nakatago ang totoong pagkatao ni Oier, nag iisa siyang anak ni Richmond. Hindi gusto nitong mawala ang anak sa hindi ko alam na dahilan. Misteryoso ang mga Goncuenco, Celestine. Marahil maraming death threats, alam mo naman kaming mga mayayaman.” Kibit balikat na paliwanag niya.
Hindi niya kailangan ipaliwanag iyon. Marami akong naririnig sa social media kung bakit nila tinatago ang kanilang pagkatao. Upang protektahan ang kanilang pribadong buhay. Marahil kabilang doon si Oier, gaya ng sabi ni Ms. Illuna, mayaman ang taong iyon.
“Ilang taon ka na ba?” tanong niya. Napaangat naman ang paningin ko. Hindi ko malilimutan ang itinawag niya sa akin kanina. Gusto ko siyang sumbatan kagaya ng ginawa ko sa lalake kanina, pinipigilan ko lang dahil tinutulungan niya ako.
“23 po,” pumalakpak siya.
”Sakto lang, Oier Goncuenco is 25 years old.” nakangiting aniya. “Kunting bihis lang sa iyo at magmimistula ka ng ganap na sinumpaang dilag na mayaman.” Muling nagpantig ang tainga ko. Ano sabi niya?
“Ano? Sasali ka ba o hindi?” nakangusong sinuri ni Ms. Illuna ang kanyang kuko. “Kung ayaw mo, tanggapin mong hindi ka na makakabalik ng monasteryo. Walang tanging paraan para maabot mo ang isang Oier Goncuenco kung hindi iyon lang, Celestine.” Nagtayuan ang boses ko sa kanyang pananakot sa akin.
“Walang wala…” aniya at malakas na tumawa na parang kontrabida sa isang palabas. Mas lalong nagtayuan ang aking balahibo.
“Determinado po akong sumali. Gagawin ko iyon!” Mabilis akong tumayo at madiin siyang tiningnan. Bahala na, kahit anong mangyari. Gagawin ko ito, hindi ako pwedeng mapalabas ng Monasteryo, hindi ko gustong madismaya sa akin si Mama. “Kailan ko ba mangyayari ang larong iyon?”
“Bukas ng gabi,” agap niyang tugon.
“Ho?!” Lumuwa ang aking mga mata sa gulat.
“You will be named as Celestine Zhao, pamangkin ni Ling Zhao at heiress ng Zhao Empire group of Companies. Isa sa mga kalahok sa patimpalak ng mga gustong mapangawa ang isang Oier Goncuenco.” nakangiting aniya. “Hindi pwedeng makasali ang mga dukha, Celestine. Kailangang sumisigaw ng karangyaan ang iyong pangalan.” Paliwanag niya.
“Totoo?”
Ganon kagara ang pangalan na dadalhin ko? Pagkatapos ng misyon na ito, hihingi ako ng Diyos ng kapatawaran dahil sa pagpapanggap ko. Muli siyang bumaling sa akin nang hindi inaalis ang ngiti sa labi. Muntik akong maduling nang itinapat niya ang kanyang hintuturo sa aking mukha.
“One major rule, Celestine. You're not allowed to fall in love.” mahina at seryoso niyang paalala.