HINDI niya maintindihan kung saan nanggaling ang kakaibang tuwang naramdaman niya habang nakatitig sa namumulang mukha ni Jade. Kahit anong anggulo, kahit anong emosyon ng mukha walang dudang ikaw na nga ang pinakamagandang babaeng nakilala ko. Kung tutuusin, kaya niyang bumili ng kumpletong set ng Harry Potter series, pero hindi niya ginawa. Ang kaniya lang kasi, pwede naman siyang humiram sa library. At ngayon dahil sa napakagandang mukhang nasa kaniyang harapan ay nagkaroon siya ng mas malalim na dahilan para maging proud na minsan sa buhay ay naging kuripot siya. Ayaw niyang isiping nahuhulog na siya kay Jade pero mula nang mangyari ang engkwentro nila ng dalaga sa library ay hindi na siya nito pinatulog. Bagay na hindi nangyari sa kaniya kahit noong k