PART 1
“MASYADO ka naman, lahat nalang yata ng tao ngayon may f*******:. Saka wala ka bang tiwala sakin Louis? Mula third year high school girlfriend mo na ako, kulang na nga lang satin kasal eh” si Rhiza na nagtatampong pinatay ang laptop saka nakasimangot siyang nilingon.
“Hindi naman, kaya lang kasi lately napapansin ko nauubos na ang oras mo diyan sa Facebook.”
Nangingiti siyang inirapan ng dalaga. “Ang sabihin mo nag-iisip ka lang ng hindi maganda!”
“Tatlong taon nalang gagraduate na tayo. Then I will marry you” aniyang ginagap ang palad ni Rhiza.
“Agad ba pakakasal tayo? Alam mo parang gusto ko munang pumunta ng America, dun ko gustong tumira.”
“Ayaw mo ba dito sa Mercedes?”
Nangalatak si Rhiza. “Dito na nga ako tumanda eh. Sa States talaga ang gusto ko, para kasing mas maganda ang buhay do'n. Mas sosyal!”
Napabuntong hininga doon si Louis at piniling manahimik nalang. Hindi iilang beses ng sinabi iyon sa kanya ng nobya at iyon ang talagang madalas nilang pagtalunan. And lately, magtatatlong buwan narin mula nang mawili ito sa f*******: ay napuna niyang naging mas persistent si Rhiza sa gusto nito.
“I love you so much Rhiz, say we will end up together no matter what” aniyang niyakap ng mahigpit ang nobya.
Wala siyang narinig na sagot rito. Sa lahat ng naging nobya niya, si Rhiza ang masasabi niyang kaniyang first love, at dito siya unang nangarap. Botong-boto rito ang parents niya, lalo na si Carol na kanyang ina. Kaya naman umaasa siyang sa kabila ng pagbabagong napupuna niya rito ay sila parin ang magkakatuluyan.
One year later
“HINDI natin kailangang maghiwalay, may Skype, may YM and f*******:! Maraming paraan” ani Louis sa nagsusumamong tinig.
“One year ago you said, ayaw mo ng f*******:. Saka ayoko ng long distance relationship Louis. Malaya ka, fall in love if you have too. I will always hope the best for you.” hindi niya masabi ang emosyon ng sinabing iyon ng dalaga pero isa lang ang alam niya. Hindi siya makapaniwalang ang tatlong taon nilang relasyon ay natuldukan na.
“Alam mo namang ito ang gusto ko noon pa. At kapag nakapagtrabaho na ako sa America makukuha ko na lahat ng gusto ko, lahat ng bagay mabibili ko. Saka isa pa hindi ko nakikita ang sarili kong tumatanda dito sa Mercedes.”
Hotel and Restaurant Management ang course ni Rhiza. Ang kaibigang nakilala nito sa f*******: na nagmamay-ari ng isang bagong tayong hotel sa America ang nag-alok ng trabaho at malaking sweldo sa dalaga kaya ito aalis ng Pilipinas.
“No, tell me this isn't happening” aniyang mahigpit itong niyakap. Nasa loob sila noon ng sasakyan niya kaya hindi siya nagdalawang isip na pakawalan ang kanyang emosyon.
If this is the only way to make you stay, magmamakaawa ako. Huwag mo lang akong iwan.
“Mahal kita, pero mas mahal ko ang pangarap ko. At kung palalampasin ko ang pagkakataong ito, masasabi kong napakalaking tanga ko. Kung tayo talaga Louis, we will end up together. Pero please, huwag mo na akong hanapin. Kung gagawa ka lang ng account sa sss or Twitter just to find me, don't bother. Ayokong masaktan ka pa ng sobra. I'm sorry, I have to go” anitong kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
Ilang sandali pa wala na si Rhiza sa paningin niya. Kasama nitong naglaho sa loob ng sasakyan niya ang amoy ng pabango nito. Pero hindi ang sakit na nasa dibdib niya.
Sinubukan niyang hanapin si Rhiza sa f*******: ilang buwan matapos itong lumipad patungo ng America. Hindi niya pinakinggan ang sinabi nito noon. Gumawa siya ng account dahil, kahit sabihin pa ng ibang napag-iwanan siya sa uso, wala talaga siyang hilig sa social media. At maswerteng nakita naman niya ang account nito. Bagay na labis niyang pinagsisihan nang mapag-alamang ikinasal na pala ito sa isang negosyanteng Amerikano.
Huli na nang aminin sa kaniya ni Rhiza na niloko siya nito. Na bukod sa kaniya ay nobyo rin nito ang Amerikanong iyon na nakilala nito sa internet na siyang nag-alok din ng trabaho sa dalaga.
What you are and what you have aren’t enough for me. Kaya naghanap ako ng mas nakahihigit sayo. Masaya na ako ngayon, sana tigilan mo na ako. I love my husband so much, ayokong saktan ka ng sobra pero siguro tama lang na malaman mong siya ang totoong dahilan kung bakit ako nag-decide na pumunta dito, only to be with him.
Iyon ang sinabi sa kaniya ni Rhiza nang magkausap sila nito sa Skype ilang araw matapos niya itong i-add as friend sa f*******:. Sobrang sakit ang naramdaman niya nang mga sandaling iyon. Hanggang sa puntong pati buhay niya ay nalagay sa peligro.
“KUMUSTA na ang pakiramdam mo?” si Carol nang pasukin siya nito sa loob ng private room sa ospital kung saan siya naka-admit.
Tiningnan lang niya ang ina, pagkatapos ay ngumiti.
“Huwag mo ng uulitin iyon Louis, hindi ko kaya anak. I love you so much, higit kanino man” noon umiiyak siyang niyakap ni Carol.
“I promise Ma, hindi na mauulit ang ganito. Not ever” aniyang hinaplos ang luhaang mukha ng para sa kanya ay nag-iisang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo.
“I'M gonna kiss you in private, is that okay with you?” tanong niya kay Wella, ang kaniyang latest prospect.
He started dating, isang linggo mula nang makalabas siya ng ospital months ago. Pero mas iba sa dating nakagawian niya.
“That's fine with me” sagot ni Wella na nagkibit pa ng balikat.
Noon siya malisyosong ngumiti saka hinila ang dalaga sa mas madilim at tagong bahagi ng SJU.
“I really like you Louis” ang humihingal pang sabi ng babae nang pakawalan niya ang mga labi nito.
“Gusto rin kita, at kung papayag ka, you can be my girl for two months” aniyang nanunukso pang kinagat ang lower lip ng dalaga. “deal?”
Kahit madilim ay nakita niyang tumango ang dalaga. “ Deal” sagot nito.
Natawa siya ng mahina pagkatapos ay muli itong hinalikan.