“OPPS, careful” ang tanging nasabi niya nang biglang bumagsak sa kandungan niya si Jade. Natigilan pa siya nang mapunang sa halip na baywang ay ang kaliwang dibdib ng dalaga ang nasalo niya kaya mabilis niyang inalis ang kamay doon. Sa sandaling oras ay kay dali niyang nawala sa sarili. Hindi ang dibdib ni Jade ang unang dibdib na nahawakan niya. Sa katunayan mas higit pa doon ang nagagawa niya sa mga pasts girlfriends niya, pero parang may kakaibang init siyang naramdaman kanina. Hindi iyon pagnanasa dahil kaya naman niyang tukuyin ang kaibahan niyon sa naramdaman niya. At kababawan mang sabihin pero hindi niya maintindihan kung bakit big deal sa kaniya na sumakto ang laki ng dibdib ni Jade sa kamay niya. Mabilis niyang iwinala sa isipan niya ang isiping iyon at sa halip ay hinarap