THIRD PERSON P.O.V Pagkababa ni Sophie sa eroplano ay agad niyang nasimot ang hangin ng Pilipinas. Matagal din bago siya nakabalik dito. Sa kanyang kanang kamay, mahigpit niyang hinawakan ang maliit na kamay ng kanyang munting prinsesa, si Aliyana Zue. Sa kabila naman ay bitbit niya ang kanyang maleta. Pakiramdam niya ay ibang-iba na siya kumpara noong huli siyang tumapak sa lugar na ito. Naghiwalay na sila ng landas ng kanyang mother-in-law na si Miranda. Sinabi nitong sa likod ng airport ito dadaan dahil may susunduin daw. Hindi na sinabi sa kanya kung sino, kaya nagpatuloy na lamang siya at si Aliyana sa harapan ng airport. Palinga-linga ang anak niya, kitang-kita sa mga mata nito ang excitement. "Mommy, is this really the Philippines?" tanong ni Aliyana habang naglalakad sila. Nakat