DARIOUS P.O.V Napahigpit pa lalo ang hawak ko sa manibela habang sinusundan ang kotse nina Draven at kanyang ina. Alam kong lagot na lagot ako kapag nalaman ni Draven ang totoo. Hindi ko maiwasang maalala ang araw na nagsinungaling ako sa kanya. Pag-amin ko, malaki ang kasalanan ko. “Lagot ka talaga, Darious!” pang-aasar ni Kiefer na nakaupo sa passenger seat. “Si madam ay mukhang kasama si Sophie na umuwi rito sa pinas . Sigurado ka bang makakauwi ka pa ng buo?” Napalingon ako kay Kiefer, na nagpipigil ng tawa habang tinitingnan ako na para bang siya pa ang walang kasalanan. “Mga gago! Nakakalimutan niyong kasama ko kayong nagsinungaling kay Draven!” sigaw ko, ramdam ko ang panginginig ng boses ko, kahit pilit kong itago ang kaba. “Pero ikaw ang may mas malaking kasalanan, Darious,” s