SOPHIE MARIE P.O.V Pagmulat ng aking mga mata, hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Isang malamig at malagkit na likido ang biglang bumuhos sa'kin, na agad nagpagising sa'kin mula sa pagkaidlip. Napakabilis ng mga pangyayari at bago ko pa man lubos na maunawaan, napaupo ako habang basang-basa ng likidong kulay pula—at ang amoy nito, masangsang, hindi maikakailang amoy ng dugo. Halos hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla nang marinig ko ang sunod-sunod na pag-click ng camera. Nakakabingi ang katahimikan ng lugar, ngunit ang tunog ng kamera ay tila nagpapaalala na may ibang tao sa paligid. Hindi ko na kinailangang lingunin pa ang nagmamay-ari ng camera; kilalang-kilala ko ang ngising iyon. Si Mila, na ngayon ay suot ang buong itim na kasuotan, ang siyang nagpapakita ng malasakit na