DARIOUS P.O.V. Naka-upo kami nina Kiefer at Erickson sa malambot na sofa, tahimik na binabantayan sina Draven at Sophie na parehong nakahiga sa kanilang mga kama. Halos walang kibo ang lahat, tanging ang tunog ng mga makina at ang marahang paghinga ng dalawa ang naririnig sa loob ng kwarto. Ang bigat ng nangyari ay ramdam na ramdam namin, lalo na’t alam namin kung gaano kasakit ang naranasan ni Draven. Alam ko kung gaano kahalaga si Sophie sa kanya, at ang ideyang nasaktan niya ito ng ganito katindi ay parang isang bangungot na hindi namin alam kung paano siya gigising. Habang nakaupo kami, tahimik na nagdarasal na magising na si Draven at maging maayos si Sophie, biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Agad kaming napatayo nina Kiefer at Erickson, handang salubungin ang kung sino man ang