Ashley Dave Ysha
Pag bukas ko palang ng pintuan papasok ng bahay namin ay sumalubong na agad sa akin ang malakas na samyo ng alak...
Medyo madilim din ang buong paligid ng kabahayan at tanging maliit lamang na lamp shade sa sala ang nagsisilbing liwanag..
Napabuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob..Alam kong naglalasing nanaman si dad.. Halos araw araw na itong naglalasing ngayon.. Kailan kaya ito titigil sa pag inom, kapag sunog na ang atay nito?
Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng kalabog. Ang tila malakas na pagbagsak ng kung ano sa sahig.. Napapikit ako ng mariin..
Normal na senaryo na ito sa tuwing iinom ito ng alak at magpapakalunod.. Noong nakaraan nga e, dinala ko pa ito sa ospital dahil sa sobrang kalasingan ay hindi nanaman nito nagawang kontrolin ang sarili't bumagsak at tumama sa kanto ng lamesa ang noo nito.. Nagkasugat ito at talagang marami ang dugong lumalabas sa sugat nito, at sa pagka taranta ay sinugod ko ito sa ospital.. Tinawagan ko noon si mommy pero wala itong pakialam. Ni hindi ito nagpakita ng pagka interesado..
At kahit pa halos araw araw ko ng nasasaksihan ang ganitong senaryo ay naalarma parin ako ng marinig ko ang pag ungol ni Dad sa sakit.
At tama nga ang hinala ko, nakahandusay nanaman ito sa sahig. Malamang sa sobrang kalasingan nanaman ay hindi na nito kayang dalhin pa ang sariling katawan..
Dali dali ko itong dinaluhan at inalalayan si daddy.. Muli itong dumaing sa sakit... Nakaramdam nanaman ako ng galit sa aking ina, at pagkahabag naman para sa aking ama...
Isang taon ng ganito ang daddy. Tila naging agahan, tanghalian at hapunan na nito ang alak. Natatakot na nga ako baka magkasakit na ito ng tuluyan sa kakainom.
Noong una naman ay ok at masaya naman ang takbo ng pamumuhay namin dito sa America.
Naging sa successful ang lahat ng negosyong pinasok ni dad... Sa tingin ko nga maihahalintulad ang pamilya namin sa isang perpektong pamilya.. Mula pagkabata ay namulatan ko na ang pagiging mapagmahal at responsabling magulang nila mom and dad..
Isang mapag mahal na ina at butihing asawa si mommy, at si daddy naman ay isang responsabling ama at mapagmahal na asawa kay mommy...
Ngunit isang araw ay napansin ko nalang ang madalas na paglalasing ni Daddy at ang laging pag alis ni mommy.
Noong una ay hindi namin pinapansin iyon na magkapatid, maybe it was normal for our mom, to might be go out with friends sometimes.
And it was maybe normal too to see our dad, being drunk also sometimes... Pero ang sometimes na yon ay naging madalas.. Madalas narin silang mag away at mag sigawan. Hanggang nga sa halos araw araw nalang... Pinili rin ng kapatid kong si Paul na umalis ng aming tahanan at mamuhay sa malayo.. At kung hindi lang ako naawa kay dad ay baka umalis na rin ako at bumalik ng Pilipinas... Galit din ang buong pamilya ni daddy kay mommy..
Hindi ko rin naman sila masisi kahit nga ako na sarili nyang anak ay hindi galit na galit sa kanya..
Noong una ay hindi ako nagpapaniwala sa mga naririnig kong usap usapan at bulong bulong mula sa mga taong nakakakilala sa aming pamilya.. Hanggang sa isang araw mismong sarili kong mga mata ang nakasaksi sa kataksilan ng aming ina... She's having an affair sa dati nitong kasintahan. How i hate her, hindi na siya nahiya at madalas pa siya talagang magpahatid sa mimong aming tahanan...
Hindi ko maiwasan ng puso ko na mapuno iyon ng galit at pagkamuhi para sa sarili kong ina. I took a deep breath before i gathered all my strenght and lifted the all weight of my dad down to the sofa..
Pagkatapos kong buhatin si dad at pahigain sa sofa ay hingal akong napasalampak sa kabilang sofa.. Nang makabawi ako ng lakas ay tumayo na ako para kumuha ng planganita at bimpo..
Kinaumagahan ay hindi kona nada'tnan si daddy sa sofa kung saan ko iniwanan itong nakahiga..
Marahin ay umakyat na ito sa kanilang silid.. And usual hindi umuwi ang magaling kong ina.. Naghahanda na ako ng almusal ng makarinig ako ng ugong ng sasakyan sa tapat ng aming tahanan..
Pamilyar sa akin ang tunog ng sasakyan, hinatid nanaman ito ng kanyang lalake.. Alam kong masama ang magsalita ng masama sa magulang pero takte talaga... Pang alpha kapal mukz talaga ang aking ina..
Hindi ko alam kung ano bang nangyari rito at parang wala na sa sariling pag iisip at ang mas mahalaga na lamang rito ay ang kanyang kalaguyo.. Ni hindi nito nagawang mag alala man lang ng piliin ng kapatid ko ang lumayo at mamuhay ng mag isa.
Kitang kita ko ang saya sa kanyang mukha pagkapasok palang sa loob ng aming tahanan.. Napawi lamang iyon ng makita nyang masama akong nakatingin sa kanya..
"Ano nanaman ba ang problema mo Ysha. Please not now pagod ako?" ang tila hindi apektadong sabi nito.. I gritted my teeth in anger! Pano nito nagagawang kumilos na parang baliwala na ang lahat sa paligid nito...
Ang asawa nitong labis labis na nasasaktan sa mga pinaggagawa niya at kami na mga anak nya na lubos lubos rin na apektado...
"Ikaw anong problema mo?" ang galit kong tanong. Ayaw ko sanang pagtaasan ito ng boses lalo na't hindi kami lumaki na walang respeto sa kanilang dalawa ni dad.. Pero labis labis na akong nasasaktan para kay daddy... At para sa pamilyang ito... Alam ko at saksi ako kung gaano kamahal ng aking ama ang aking ina... Lahat ng hiling ng aking ina ay walang atubiling binibigay ng aming ama.. He's a very responsible husband and a father to us..
"Nakakahiya naman sayo na nakakaabala pa kami sa napakasaya mong pamumuhay kasama ng kabet mo! Bakit hindi ka nalang sumama ng tuluyan sa kanya at huwag kana ditong bumalik?" ang matalas kong sabi. Ngunit kasunod noon ay ang pagbalasik ng kanyang mukha at ang pagdapo ng kamay nito sa aking pisngi..
Napatabingi ang aking pisngi at ramdam ko agad ang pag hapdi nun... Sigurado akong pulang pula na ngayon ang bahaging yon kung saan dumapo ang mabigat nitong kamay.. Nag umpisang manubig ang mga mata ko.. Bigla rin sumakit ang dibdib ko sa sama ng loob... Mariin ang kagat sa aking labi bago ko ito hinarap na muli... Kita ko naman ang gulat din sa kanyang mukha.. Marahil ay nagulat rin ito sa nagawa nitong pananampal sa akin... Kahit kailan ay hindi pa kami napagbubuhatan ng kamay nila mom ang dad.. At kahit kailan din ay hindi pa ako nag taas ng boses o nakipag away kina mommy at daddy...
Ito pa lamang ang unang pagkakataon... Marahil ay napuno na ako at napag isip isip ko rin na i need to voice out my ang anger and frustrations para rito.. Baka sakaling masaling ang kanyang konsensya at mapag isip isip nito na mali ang mga pinaggagawa niya.. Napahawak ako sinampal nitong pisngi ko habang patuloy parin sa aking pag luha. Akma naman itong lalapit sana sa akin para hawakan ako pero umatras ako..
"Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa'yo. Lahat naman ginawa ni dad para maging masaya ang pamilyang to.. Ni hindi naman siya masamang asawa sayo! lahat nga ng hiling mo binibigay nya sayo hindi ba? Lahat ng gusto mo sinusunod nya, hindi ba? Pero bakit parang ang dali dali sayong ipag palit ang pamilyang to nang dahil lang sa isang lalake?" ang masamang masamang loob kong tanong sa kanya... Habang parang bukal parin sa pag agos ang aking mga luha sa magkabila kong pisngi...
Nakita ko ang medyo pag lambot ng mukha ni mommy.. Nag umpisa rin manubig ang kanyang mga mata...
"Wala kang alam Ysha.." ang naiiling pa nitong sabi... Nagbabadya narin ang luha sa kanyang mga mata ngunit mas pinili nitong patigasin ang sarili at muling bumalasik ang mukha nito...
"Sa simula palang alam na ni Asher na hindi ko siya mahal. Si Ysiak ang mahal ko..But Asher tricked me.. Ang sabi nya may ibang babae si Ysiak at iniwanan nya na ako.. Malapit kong kaibigan si Asher at pinagkatiwalaan ko siya...Hindi na ako tumanggi ng alokin nya ako ng kasal... Dahil alam kong maari akong itakwil ni mama at papa pag nalaman nila ang pagiging disgrasyada ko.. Isinalba man nya ako sa kahihiyan at pagiging disgrasyada ko, ay hindi parin yon mabubura ang katotohanan si Ysiak parin ang mahal ko" Naguguluhan akong napatingin sa kanya... Ang mga mata kong may pagtatanong ay napako lamang sa kanya..Ano ang ibig sabihin nito na isinalba lang siya ni daddy sa kahihiyan at pagiging disgrasyada nito?
"Anak ka namin ni Ysiak, Ysha... Ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin.." Naiiyak nitong pagtatapat sa akin...
Tila bigla naman nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa batok. Ramdam na ramdam ko rin ang panlalamig ng aking mga kamay...
Lalong nanubig ang aking mga mata, tila ayaw tanggapin ng aking sistema ang lahat ng rebelasyon na sinambulat ng aking ina sa aking harapan..
Parang hindi ko kayang tanggapin na iba ang aking ama, na magkaiba kami ng ama ng kapatid ko.. Kahit na kailan at kahit na minsan hindi ko naramdaman na itinuring akong iba ni daddy... I was even spoiled by him... Ni minsan hindi ko naramdaman na tinuring ako nitong hindi anak...
Napahagulgol na ako ng tuluyan dahil sa sobrang emosyon... No way! Hindi ko matatanggap... Si Asher Mendez ang daddy ko at kahit kailan ay hindi yon magbabago!
"Ysha... Si Ysiak ang daddy mo anak... Kaya kita pinangalanan na Ysha dahil yon ang gusto ng daddy mo kung sakaling magkaanak kami ng babae." Ang mababa at nang aarok nitong boses.. Nagtangka ulit itong lumapit at hawakan ako ngunit maagap akong humakbang paatras..Napailing iling ako sa kanya habang parang bukal parin ang paglandas ng aking mga luha...
"Bumalik na sa atin ang daddy mo Ysha... Sasama na tayo sa kanya anak at mamumuhay ng masaya.. " Ang anitong muli, hindi nakaligtas ang sa akin ang tila excitement sa boses nito..
"Hindi sasama sayo ang anak ko! Umalis ka kung gusto mo! Sumama ka kay Ysiak saang man lupalop ng mundo pero hinding hindi ako papayag na isama mo ang anak ko.." Ang galit na boses ni daddy mula sa itaas ng aming hagdanan... Pagak naman na napatawa si mommy.. Tila may pang uuyam itong hinarap si daddy na nakababa na mula sa hagdan at nakalapit na sa amin... Galit rin ang naka rehestro sa mukha ni daddy..
"Come on Asher.. Alam natin pareho na hindi mo anak si Ysha, anak namin siya ni Ysiak. Maiiwan sayo si Paul pero isasama ko si Ysha.." ang matigas nitong sabi.. Pano nito nagagawa pumili ng gaanoon kadali sa pagitan namin ni Paul? Pareho nya kaming anak for pete sake! Paano nito nagagawa na umaktong tila mang iiwan lamang ito ng simpling bagay sa isang lugar?
"Ganyan mo ba ako kinamumuhian? Na pati si Paul ay kaya mong bitawan at talikuran ng ganon ganon nalang?" ang puno ng pagdaramdaman na boses ni daddy. Bahagya pang gumaralgal ang boses nito na alam kong konte nalang ay maiiyak na ang aking ama... Bago pa kami mauwi ni daddy sa pagiging parehong luhaan... Nag ipon ako ng lakas ng loob para muling harapin si mommy, hindi ako papayag sa gusto nito... Hindi ko magagawang iwan si daddy...
"Hindi ako sasama sayo.. Kahit anong mangyari hindi ko iiwan si daddy..." matigas kong sabi..
"Ysha he's not your-"
"Daddy ko siya! siya ang daddy ko at hindi yon magbabago! Hangga't hindi siya ang sumusuko sa pagiging ama sa'kin.. Ay siya parin ang daddy ko! At wala akong pakialam kung hindi nya ako kadugo!" I almost shouted at mom.. Natahimik siya she look bothered... Nanunubig ang mga mata nitong tumingin sa akin at tila nag mamakaawa... Ngunit buo na ang aking desisyon... hindi ko iiwanan si daddy... dahil kung hindi man nya ako tunay na kadugo? Para sa akin siya parin ang ama ko na siyang nag mahal at kasamang nag aruga sa amin...
I just can't understand mom... Marahil nga ay may kasalanan si daddy... Pero alam kong nagawa lamang nito iyon marahil sa labis na pagmamahal kay mommy... At isa tanong ang umuukilkil sa akin... Bakit sa haba ng panahon na bumalik si Ysiak, ang sinasabi ni mom na totoo kong ama... Bakit sa haba at tagal ng panahon, bakit ngayon lamang ito muling nag balik? .......