Ashley Dave Ysha
Nakaguhit ang matinding pagka mangha sa mukha ni Kara, habang papalapit itong sumalubong sa akin...
Nasa isang bar ang grupo at halatang ako na lamang ang inaantay ng mga itong dumating.. Napatakip pa si Kara sa bibig at namilog ang mga mata ng mapagmasdan na ako ng malapitan...
"Oh my gad Ysha, is that really you?!" ang bulaslas nitong tanong habang sinisipat ang kabuoan ko... Nakita kong napatayo rin ang ibang kaibigan namin na manghang mangha rin sa nakikita ngayon sa kanilang harapan...
"I'm not Ysha anymore, call me Ashley please. How many times i have to tell you guys, i hate that name!" ang may diin at medyo nakasimangot kong sabi.. She just gave me another glance ang chuckled.
"Oh yeah, i'm sorry medyo nasanay lang akong tawagin kang Ysha. But with that look? Ashley is more way better." ang nakatawa parin nitong sabi at kinindatan pa ako..
Nang makalapit na kami ay hindi matatawarang reaksyon ang sumalubong sa akin mula sa mga kaibigan ko..
"Wow halos hindi kita nakilala ah!" ang puno ng pagkamanghang sabi ni Maica habang pinaraanan ang kabuan ko.
"Nice hair." ang nakangising sabi ni Lanie. Simpling tango lang ang sagot ko..
"Ni hindi kona mabakas ang anino ng mahinhin at makalumang image ni Ysha.." ang pang aasar naman sabi ni Jenny. I frowned when i heard that name again..
"I don't want that name guys!. Come on stop calling me with that name!" Ang muling reklamo ko na kinatawa lang nila.
"Ashley guys! Call me Ashely." ang pagdidiin ko pa.
Kasunod ng pag tanggal ko sa pangalan kong Ysha ay ang pagbabago ng sarili ko.. I learned to hate and dislike my name... Ysha is given by Ysiak, my biological father...
Lodi din talaga tong si mommy kung sa pananakit lang ng damdamin ni dad, mukha talagang expert.
Akalain mo yon, pati si Paul Ysiah na kapatid ko nakasunod din ang pangalan sa kabet nya gayong hindi naman yon ang ama.? Aba matindi talaga!
"Wow I like that! Ashley! Mas bagay ngayon sa bago mong image.." ang nakangiting ani Maica.
My long straight dark brown hair was been cut... Pinaputol ko iyon kahapon sa pinaka maikli at pinakulayan iyon ng ibang kulay..
My hair now was short, so short.... sweep on the side, jagged bangs and layers shifted over one eye, black hair dye, red highlights...
At tulad ng iba kong kaibigan ay makapal na eye liner din ang naka guhit sa ibabaw at ilalim ng aking mga mata.. At kung may roon man bagay na hindi ko ginawa na makikita sa mga kaibigan ko, yon ay ang magpabutas ng labi at dila para mag lagay ng piercing..
Hindi man ako really fan ng mga emo pero disedido akong baguhin ang imahe ko.. Ang magpalagay lang ng pierce sa dila at labi ang hindi ko kaya. I'm tired of my maria clara image... I'm tired of being a good girl.. Wala naman nangyari sa pagiging mabuti kong anak at mabuting babae.. Sunod sunod parin na bumabaha ng problema sa buhay ko...
Ilang buwan narin ng tuluyang iwan kami ni mommy at sumama sa tunay kong ama.. Ilang beses din akong pinagtakaang kausapin ni mommy at ng sinasabi nitong tunay kong ama, ngunit umiiwas ako hindi ko sila pinag bigyan.
Galit parin ang namamayani sa aking dibdib.. Kung hindi dahil sa lalaking yon ay buo pa sana ang masaya naming pamilya.. Sana hindi napalayo sa amin ang kapatid ko. Sana hindi ito nag desisyong mamuhay ng mag isa sa malayo.. At sana hindi ngayon magkakaganon si daddy... Because after my mom left? Wala paring nagbago kay daddy, mas lalo pa atang tumindi ang paglalasing nya... Minsan naiinis narin ako kase tatakot ako na baka magkasakit na siya at may mangyaring masama sa kanya... Baka hindi ko kayanin kapag nangyari yon...
Kaya nang minsang umuwi ulit itong duguan ang mukha dahil kung saan nanaman ito bumagsak sa sobrang kalasingan ay hindi kona napigilan pa ang sarili ko... Nasasaktan ako sa nakikita paghihirap nya.. Alam kong masyado siyang nalulungkot at nasaktan sa ginawa ni mommy pero paano naman kaming mga anak nya? Na siyang nagmamahal sa kanya? Paano na lang kaming magkapatid kung may mangyaring masama sa kanya? Parang hindi ko kayang tanggapin kahit isipin man lang na mawawala sa amin si daddy...
"D-dad kung balak mong unti untihing patayin ang sarili mo, aalis nalang ako at iiwan ka. Kesa araw araw akong nasasaktan at makikita kung paano mo pahirapan at patayin ang sarili mo... Dad andito pa kami ni Paul, andito pa kaming mga anak mo. Mahal na mahal ka namin dad..." ang sabi ko rito habang umiiyak sa tabi nya pagkatapos ko nanaman siyang dalhin sa ospital... Tila natauhan naman ito sa mga sinabi ko, napaiyak rin ito at niyakap ako ng mahigpit... Wala siyang ibang sinabi kundi patawad.. Its just one word.. "Patawad"... Paulit ulit nya iyong sinasabi habang humahagulgol...
Pero ng mga sumunod na araw ay nakita ko ang pagbabago sa kanya... Tumigil siya sa pag inom inom... I know how he tried his really best to avoid alcohol..
At alam kong napagtagumpayan nya iyon... Dahil sa paglipas ng mga araw unti unting umaliwalas ang mukha nya...
He started to go to his office again at inasikaso ang medyo napabayaan na naming negosyo... May isang araw din na nilambing ako ng aking ama.. He asking me to promise not to leave him kahit pa anong pamimilit ni mom..
I told him the assurance na kahit pa hindi nito iyon ipakiusap sa akin ay hindi ko ito magagawang iwanan.. Because for me? He's my real dad, by blood and flesh...
At kahit papano mula ng ibalita ko sa kapatid ko ang pagbabago kay dad ay nakahinga ito ng maluwag.. Nangako rin itong bibisita sa amin ni daddy.. At kahit nalaman na namin na hindi kami magkapatid na buo, ay wala parin nagbago sa amin... Dahil hindi noon mababago ang katotohan na pareho kaming lumaki na iisang ama ang kinalakihan, yon ay si daddy...
"Makilala kapa kaya ng ex boyfriend mo sa Pilipinas kapag nakita ang bago mong image?" ani Lanie nakita kong napatingin sa kanya si Maica at Kara, nakangisi naman si Jenny sa akin.
"Hindi siya makikilala because she's more goreously hot than before!" ani Maica at kumindat pa sa akin..
And who cares kung makilala nya ako or hindi? Wala nanaman kami.. Biglang nanikip at parang sinakal ang puso ko sa salitang yon... "Wala nanaman kami" And i'm sure hindi narin siguro magkrukrus pa ang landas namin dahil wala na akong balak pang umuwi ng Pilipinas pagkatapos ng mga sinabi nito sa akin through skype messages.. Siguro nga hanggang doon na lamang kami...
Mag iisang taon rin na panay tawagan at palitan namin ng text messages through skype ni Carl.
Pero isang araw ay naputol nalang iyon at nawalan kami ng komunikasyon ng aksidenteng nawala ko ang cellphone at laptop ko, tumaob ang bangkang kinalululan namin minsan na mag river boat hiking kami sa isang bakasyon, somewhere in California kasama ng mga kaibigan ko at iba pang classmates and school mates sa pinapasukan kong university..
It was just so stupid of me, na sa takot kong mawala ang ang laptop ko sa hotel na tinutuluyan namin ay dinala ko pa ito, mas lalo tuloy iyon nawala sa akin..
Hind ko na narecover ang bagpack ko at hindi ko alam kung natangay ng medyo malakas na agos ng tubig or lumubog ito dahil sa bigat ng laman nun... Hindi rin naman namin magawang sisirin at hanapin dahil may kalaliman ang ilog na iyon at medyo may kalakasan rin ang agos..
Mahalaga sa akin ang cellphone ko bukod sa naroon lahat ng contacts ko sa mga dati kong kakilala at kaibigan sa pilipinas ay puno rin iyon ng mga masasayang larawan namin Carl.
Hanggang isang araw ay tinawagan nalang ako ni Maica isa sa mga kaibigan ko rito sa America at natagpuan na raw ang bagpack ko after more than a half year..
Pinakiusapan nito ang isang kaibagan na kasali sa isang grupo ng mga kalalakihang divers na siyang nag rerecover sa mga nawawalang mga gamit sa katubigan.
Ang naturang grupo ay mga vloggers at layunin nilang makarecover ng ibang ibang mahahalagang bagay na matatagpuan sa mga katubigan.
Tulad ng mga lakes, rivers and sometimes in the sea.. Ang akala ko nga wala ng pag asa pang makita at marecover iyon.. Pero laking tuwa ko ng isang araw ay ibalita nalang nito na natagpuan na nila iyon..
At nagkataon naman na kakilala at kaibigan ni Maica ang isa sa kanila, nagbakasakali lang naman si Maica at laking pasasalamat ko na they are more than willing to do it.. To try to find it and recover it..
Narecovered man ang bagpack ko, pero inabot iyon ng ilang buwan. Akala ko nga ay tuluyan ng nasira ang cellphone ko ngunit laking tuwa ko ng ang naturang grupo na mismo ang nag ayos noon at muli iyong gumana. Ngunit ang laptop ko ay hindi muling naisalba... It was broken for good..
Narecover ko lahat ng mga photos and contacts na siyang pinaka mahalagang laman ng cellphone na iyon. Ngunit laking gulat ko ng makatanggap ako ng maraming messages mula kay Carl.. He was so mad at me...
Sinabi pa nito na huwag na akong bumalik at kalimutan nalang siya... Na may girlfriend na siyang iba.. Naiintindihan ko at alam ko ang pinang gagalingan ng galit nya... Pero gusto ko parin makapag paliwanag..
Kaya sinubukan ko itong tinawagan... Ilang ring palang ay sumagot na ito, ngunit parang nanginig ang kamay at nanlamig ang buong katawan ko ng isang babae ang sumagot sa cellphone nito.. Paosan ang boses ng babae halatang bagong gising..
Sinipat ko oras at alam kung gabi na roon sa Pilipinas... Mukhang nagsasabi nga ito ng totoo, may iba nga itong nobya... At mukhang natulog sila ng magkasama.. I was hurt... At hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako...
Pero sino ba ang dapat kong sisihin? Dapat noon pa ang expected kona na mangyayari rin ito.. Hindi pa kami ganoon magkakilala, dalawang linggo palang kaming nagkasama at then, nagkahiwalay... Hindi sapat siguro ang dalawang linggong yon para masabing malalim at matibay ang pagmamahal na nararamdaman nyo para sa isa't isa..
Kung yong mga magkasintahan na kung ilang taon ng magkasama ay nagbre break parin, kami pa kaya? Na dalawang linggo palang magkakilala at nagkasama?
Pero sumugal ako, umasa at nagtiwala... Nagtiwala ako na tulad ko, ay hindi lamang isang mababaw na damdamin ang nararamdaman ko para sa kanya.. Kundi isang damdamin na matibay at punong puno ng pagmamahal para sa kanya... Punong puno ng pangarap na kasama siya... Punong puno ng pag asang darating din ang araw na magkikita at makakasama ko ulit siya...