Chap3 (Promises)

1935 Words
Ashley Dave Ysha Sinadya kong pumunta ng maaga sa dalampasigan. Pagkatapos ng nakagawian kong gawin tulad ng pagpapakain sa mga alimango ng tinapay ay napagpasyahan kong mag lakad lakad na muna.. Mamimiss ko ang lugar na ito. Kung saan ako pinanganak at nagka isip.. Nakaramdam nanaman ako ng pamimigat ng dibdib nang maalala ang napipinto naming pag alis.. Kasunod nun ay ang pag alala rin sa mga nangyari kahapon, simula ng sabihin ko kay Carl ang papalapit naming pag alis patungong America, ay nawalan na ito ng imik. Kitang kita ko rin ang pag balatay ng kung anong lungkot sa mga mata nya.. "Bata pa tayo Carl, kapag wala na ako rito makakalimutan mo rin ako. Or kung hindi man maybe someday malay mo mag krus ulit ang landas natin?..." ang naalala ko pang sinabi ko pagkatapos ng mahabang sandali na hindi parin siya nagsasalita. Tumingin pa ito ng deritso sa aking mga mata.. Hindi nakaligtas sa akin ang sakit na gumuhit sa kanyang roon kasunod ng pag pisil nito sa aking palad. Hindi ito nag sasalita pero hawak parin ang isang kamay ko at paminsan minsan ay pinipisil saka bubuntong hininga. Naisip kona siguro pagkatapos ng mga nalaman nito ay iiwasan na ako nito or kung hindi man ako iwasan ay hindi na nito gugustuhin pang manligaw sa'kin at maging nobya. At ewan ko nga rin ba sa pasaway kong puso kung bakit nakakaramdam ako ng bahagyang kirot sa dibdib sa isiping tanggap na nito at susuko agad... E, ano ba kasing gusto at inaasahan mo? Ipagpipilitan nya na maging nobya ka kahit aalis kana? Sayo ba kaya mo ba ng ganong set up? Long distance relationship? ang panghahamon na tanong ng bahaging yon ng isip ko.. Kaya ko syempre basta huwag lang siyang titingin sa iba at mangangakong aantayin ako? Babalik ako para sa kanya... Magtatapos lang ako ng pag aaral at babalikan ko siya.. Ang matapang at tila siguradong sigurado nyang sagot sa sarili. "Bakit mo kinakausap ang sarili mo Ysha ko?" halos mapa lundag siya sa gulat ng may magsalita sa kanyang gilid, sa bandang likuran niya.. Hindi nya kailangan pang tanungin kung sino mapangahas na nanbulabog sa naglalakbay nyang diwa.. It was Carl.. Nakangiti ito na nauwi sa ngisi ng magtama ang mga mata nila.. That smirk of him! Bakit ba ang gwapo gwapo nitong lalo sa paningin nya lalo na kapag nakangisi? Nakabusangot siyang hinarap ito ng makabawi sa pagkagulat... "Para ka talagang kabute, basta nalang sumusulpot." ang nakairap kong sabi.. Pero hindi naman ako galit, sa totoo lang kasunod ng pag alon muli ng kaba sa dibdib ko dahil sa kanyang presensya ay ang labis na kasiyahan na nararamdaman ko kase narito itong muli ngayon sa harapan ko. Sa makatuwid, hindi ako nito iiwasan di tulad ng unag hinala ko. Narito ito ngayon sa harapan ko at nakangiti.. Though tila hindi abot sa mata nito ang mga ngiting yon, masaya parin ako't hindi ako nito iniiwasan.. Pwede parin naman kaming maging magkaibigan kung saka sakali.. "Bakit ang aga aga mo atang naparito Ysha ko?" ang malambing nitong sabi.. Kasabay ng pag gagap nito sa aking palad.. He interwined our fingers then looked our hands locked to each other.. Na siyang lalong nagpa sirko sa t***k ng puso ko.. Saglit lang iyon at muling binalik ang kanyang mga mata sa akin.. "Para sa akin talaga ang palad na ito.." he whispered while intently looking straight through my eyes.. Pakiramdam ko dinig na dinig na ata nya ang t***k ng puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito.. Biglang nakaramdaman ako ng panunuyot ng lalamunan sa sobrang sidhi ng titig nito sa akin, kaya naman wala sa sariling napalunok ako ng sunod sunod habang magkalapat parin ang aming mga mata sa isa't isa.. "Bakit ang aga aga mong naparito Ysha ko?" ang ulit nitong muli nitong tanong sa akin.. Tila naman bigla akong natauhan sa tanong nito na hindi ko nagawang sagutin kanina dahil sa pagkaligaw ng buong kamalayan ko.. Tila ang isip ko'y natangay ng mga sensasyon pinaparamdam sa akin ngayon ni Carl.. Kahit sa mga simpling pagpapakita nito ng ka-sweetan sa akin.. "Gusto ko kasing maglakad lakad na muna sa dalampasigan pagkatapos kong asikasuhin ang mga anak anakan ko.. Mamaya kase masakit na sa balat ang sinag ng araw kaya mas maganda pag sa umaga.." ang simpling pagpapaliwanag ko.. Marahan lang itong tumango sa akin... "Eh, ikaw? Bakit andito kana? " ang balik kong tanong.. Ngumiti sa akin ito ng nakakaloko.. Napanguso ako dito dahil alam kong may niluluto nanaman itong kapilyuhang sagot! "Maaga naman talaga akong nagpupunta rito, maglalakad saglit then saka kona aantayin ang pagdating ng girlfriend ko.. " ang masaya nitong sagot na siyang nagpakunot sa aking noo.. Girlfriend? At bago pa ako makapag isip ng kung ano ay muli itong nagsalita na para bang nahulaan nito ang tumatakbo sa isip ko... "You are my girlfriend silly! huwag mo kong pag isipan na may iba akong babae dahil ikaw lang ang girlfriend ko.. My first girlfriend and will be the last.." Naramdaman kong muli ang tila pagsipa ng kung ano sa dibdib ko.. Kasunod noon ay ang pag iinit ng dalawang pisngi ko... What does he mean by that? Hindi pa ba malinaw dito ang mga sinabi ko? Aalis na kami at sa america na kami maninirahan.. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata nito saka tumanaw sa malawak na karagatan.. "Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito Ysha ko... Ngayon lang ako nagmahal ng ganito, at alam ko sa sarili kong mahal na mahal na talaga kita.." Ang mababang boses nitong sabi ngunit punong puno ng emosyon.. Bago muling binalik sa akin ang tingin... Matiim ang mga mata nitong nakatingin deritso sa aking mga mata... Tila ba tumatagos nga ang tingin nyang iyon sa aking kaluluwa.. "Siguro nga pareho pa tayong mga bata at marami pang mangyayari sa pagdaan ng panahon, pero handa akong sumagal.. Mag aantay ako.. Aantayin kita hanggang sa pagbabalik mo Ysha ko.. Kahit na ayaw ko ang idea na maninirahan ka sa malayo, na malayong malayo sa akin, natatakot ako na baka magka boyfriend ka doon ng tisoy at makalimutan mo ako.. Pero kapag nangako ka na babalik ka sa akin at di ka titingin sa kahit kaninong lalake... Na mangangako kang ako lang ang mamahalin mo? Mag aantay ako Ysha ko, hanggang sa bumalik ka sa akin.. " Ang mahaba at madamdamin nitong turan sa akin.. Ang mga mata nitong halo halo ang mababanaag na emosyon.. Tila nakikita ko sa mga matang yon ang pagiging totoo nito at katapatan sa lahat ng kanyang mga sinabi..And the same time, mababanaag mo rin sa mga matang iyon ang pakikiusap, pagmamakaawa... Parang hinaplos ng kung anong init ang puso ko... Kitang kita ko ang pakikiusap at lungkot sa mga mata nya.. "Makangako ka Ysha ko.." ang muling ulit nito habang nakikiusap ang mga matang nakatitig lamang sa akin.. Naramdaman ko naman ang panunubig ng aking mga mata... I was Suddenly affected by thought of us parting ways so soon.. Dahil sa matinding emosyon kong nararamdan ay hindi na ako nakapagsalita kaagad... Natatakot ako na baka pag nagsalita ako ay garalgal na tinig ang lumabas sa bibig ko.. Marahan akong tumango at mahigpit ko siyang niyakap sa kanyang baywang... He suddenly stiffend then after a while ay ginantihan rin nya ako ng mas mahigpit na yakap... "P-pangako m-mo rin na hindi ka m-manliligaw sa iba? At hindi ka t-titingin sa iba?" Ang medyo paputol putol kong sabi... Nanginginig pa ang labi ko ng sabihin iyon habang nakatingin sa kanyang mga mata.. Hindi ko talaga mapigilan ang aking emosyon.. At napatunayan ko sa sarili ko sa mga sandaling iyon na sa ikli ng panahon na pagkakakilala namin ay minahal kona ito... At ang emosyong ito ang patunay na mabigat sa loob ko at ramdam ko rin ang matinding kalungkutan sa isiping malapit na kaming maghiwalay nito.. Marahan nyang tinuyo ang mga luha ko... "Nangangako ako Ysha ko.... Ikaw lang ang Una at huli Ysha ko... Basta mangako ka rin na hindi magpapaligaw doon at hindi titingin sa ibang lalake? And more thing ayaw ko na may lumalapit sa iyon iba... Seloso ako.." ang nakalabi nitong sabi na marahan kong kinatawa.. Bilang sagot muli ko itong niyakap ng mahigpit ganon rin ang kanyang ginawa... At nang araw na iyon napag pasyahan namin na sulitin ang bawat araw, oras , minuto at segundo na magkasama pa kami.. Naging saksi ang karagatan sa pangakong binitawan namin para sa isa't isa.. Si Carl pa lamang ang unang lalaking minahal ko at marahin ay pang habang buhay ko ng mamahalin...At masaya ako sa isiping ako lang din ang una nyang naging nobya... At hinihiling at pinagdarasal ko na sana ay ako na nga siyang pang huli, at pang habang buhay nya... " Ang daya mo! hindi mo man lang ako niligawan!" ang kuwari inis kong sabi habang sinasabuyan siya ng tubig... Kanina pa kaming dalawa naghahabulan, nagtatawanan at nag sasabuyan ng tubig... Pareho na nga kaming basang basa ang damit.. Napatili ako ng akmang dadakmain ako nito kaya tumabo ulit ako palayo rito.. Mabilis naman nya akong nahabol at walang atubiling hinapit sa aking baywang palapit sa kanyang katawan... "Simula ngayon sa mga natitirang araw na kasama kita liligawan at ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.. At pagbalik mo araw araw kitang ede-date.. Bibigyan ng bulaklak at chocolates.. I'm so sorry Ysha ko kung naging girlfriend kita muna bago ang ligaw.. Ayaw ko kase na may lumalapit at humahawak sayong iba bukod sa akin.. Lalo na yong Xian na yon. Ayaw ko siyang lumalapit at hinahawakan ka.." Ang nakanguso nitong sabi.. Kita ko rin ang pagkulimlim ng mata nito ng matapos nitong banggitin ang pangalan ni Xian.. Kaya ba parang madilim at galit ang mukha nito noon habang nakatingin sa amin, dahil akbay ako ni Xian? Natawa ako ng mahina at pinisil ko ang ilong nito... Hindi ako makapaniwalang nagselos nga ito noon sa may court ng makita nya kami ni Xian.. "Bestfriend ko si Xian ano kaba! Parang kuya lang ang turing ko roon! Isa pa hindi siya nanliligaw sa akin, malapit lang talaga kami sa isa't isa kase nga we're bestfriends!" ang pagpapaliwanag ko sa kanya.. He frowned.. Salubong rin ang makapal nitong kilay... "Ysha ko, lalake ako..Alam ko kung may gusto siya sayo or wala. And i know higit pa sa pagkakaibigan ang turing nya sayo.. Kitang kita ko yon! Ayaw kong magkadikit kayo, huwag mo siyang hahayaang hawakan ka... Nagseselos ako... " ang nakalabi na nitong sabi... Para itong batang natatampo... So, i softly cupped his face and stared straight on his eyes.. "Di ba nga girlfriend mona ako? So kahit ano pang pag lapit nila sa akin hindi ko sila papansin at bibigyan ng atensyon tulad ng binibigay ko sayo. Kase..." bigla akong napahinto sa pagsasalita... Napalunok ako... Lalo na ng matitigan ko ang mga mata nitong tila nag aantay sa iba ko pang sasabihin... Nag iinit ang magkabilang pisngi ko... "Kase?..." ang ulit nito sa huli kong sinabi... "K-kase..... I-ikaw ang m-mahal ko.." ang putol putol at nahihiya kong sabi...Kitang kita ko ang pagliwanag ng buong mukha nya... At mabilis pa sa alas kwatrong dumampi ang mga labi nito sa ibabaw ng aking labi.. Mabilis lang iyon pero para ang tinulos at natulala... Muling kinuha nito ang aking kamay at pinagsaklob.. "Mahal na mahal kita Ysha ko!" ang sigaw nito habang nakaharap kami sa karagatan...Malawak ang ngiti kong nakatingin rito... "Mahal na mahal din kita Carl ko!" Ang sigaw ko rin.. We both laughed and hugged habang nakatingin parin sa malawak na karagatan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD