Prologue
A/N: it might confuse you from chap 1 to chap 10 that's because of the twist. Just be aware the diffeences of first person Pov and thirdperson pov. Para masundan nyo ang kewnto. But I guarantee you that this story is worth to read.
~thank you.
Third Person POV
"Oh Ysha, ikaw na ang bahala dito ha? Baka gabihin na rin kami ng Daddy mo mamaya. Pagkatapos ng laro sa plaza pauwiin mona ang kapatid mo. Huwag kayong magpapagabi mas'yado sa labas! Dapat pagbalik namin mamaya narito na rin kayo, maliwanag ba?"
Ang mahabang bilin ng kan'yang ina, habang nakaharap ito sa vanity mirror at sinisipat ang ayos ng sarili.
May dadaluhang pagtitipon ang mga ito. Ang dinig n'ya ay reunion daw nilang magkakaklase noong high school at college.
Nagkataon rin naman na fiesta sa bayan ng Morong kung saan naninirahan ang pamilya.
Mamayang hapon lamang, ay mag-uumpisa na ang paliga sa plaza.
At natural, hindi papalagpasin ni Ysha ang laro, dahil kasama sa maglalaro mamaya ay ang kapatid niyang si Paul Ysiah at ang matalik n'yang kaibigan na si Xian Jake Montelibano.
"Yes mom, noted po! " ang masigla n'yang sagot. Mayamaya pa'y lumabas na rin ang Daddy n'ya na gwapong-gwapo sa suot nitong light blue polo na tinupi hanggang siko, na pinarisan ng suot nitong pantalon na jeans.
"Ikaw Ysha, huwag mong kalilimutan ang bilin ng mommy mo. Pasamahan na rin kayo kay Xian mamaya, dahil baka gabing-gabi na kami makauwi." Ang dagdag na bilin ng Daddy n'ya.
Kamakailan lamang ay umalis na ang dalawang katulong na siyang kasa-kasama nila sa kanilang tahanan.
Dalawang linggo na rin lamang kase ang ilalagi nila sa tahanang ito, na minana pa ng kanyang Ama sa nasira nitong Ina. Pagkatapos ng dalawang linggo, ay lilipad na rin ang buong pamilya patungong America, para doon manirahan.
Napagpasyahan ng kan'yang mga magulang na sumunod na rin sa mga ibang kamag- anak, na nakatira sa America. And since some of their businesses are in the state, napagpasyaan nga ng kanyang mga magulang na doon na rin sila manirahan.
Nangangailangan din kase ng sapat na atensyon ang lumalawak na nilang negosyo roon, bukod sa mas gusto ng kan'yang Ama na mamuhay nang malapit sa mga kamag- anak nila.
Sa America na rin naninirahan ang lolo n'ya dahil sa atensyong medical na kailangan nito, na sa America nito makukuha.
Nang makaalis ang mga magulang, ay nag umpisa na rin siyang gumayak.
Dala ang paper bag na naglalaman ng mga sea shells bracelet na ginawa nya, para kay Koring at Pablo upang ibinta.
Dali-dali siyang nagtungo sa kanilang tagpuan, sa tabing dagat ilang kilo metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan.
Hilig na n'ya ang gumawa ng mga bracelet at necklace na gawa sa iba't ibang uri ng sea shell.
Nagdala rin siya ng ilang pirasong tinapay para ipakain sa mga alaga n'yang alimango na minsang naliligaw sa dalampasigan.
Pagdating roon ay marahan siyang naglakad-lakad, at nang may mamataang crabbies ay agad n'yang binasa ang slice bread n'yang dala at pinakain ang mga ito.
Tuwang-tuwa n'yang pinagmasdan ang mga may kaliitin pang mga alimango habang dinudumog ang tinapay na nilapag niya sa gilid.
“Oh segi na alis na kayo baka maabutan pa kayo ng mga matatakaw ng alimango, mailuto nila kayo ng wala sa oras!" ang kausap nito sa mga mga alimango at binugaw na ang mga iyon papunta sa tubig.
"Sige na mga little crabbies. naku! ang titigas ng mga ulo n'yo, mauulam kayo ng wala sa oras 'pag nagpulot na ang mga manginginom!" ang muling bugaw nito sa mga alimango na para bang maiintindihan siya ng mga ito.
Sa may 'di kalayuan naman ay natatawang pinagmasdan ni Carl ang isang dalagita na kumakausap sa mga alimango.
Nawe-weirdo-han n'ya itong pinagmasdan sa 'di kalayuan at hindi n'ya mapigilan ang mapangiti habang kinakausap nito ang mga iyon, pagkatapos niyang bigyan ng tinapay.
Para ba itong isang ina na pinapagalitan ang mga anak nito. Panay sermon nito habang binubugaw ang mga alimango papuntang dagat, ngunit sa tuwing bubugawin n'ya ang mga iyon papunta sa tubig ay pumupunta naman ang mga iyon sa ibang deriksyon.
"Naku! Ang titigas talaga ng mga kokote n'yo bakit hindi kayo nagmana sa'kin, na masunurin?"
Pigil na pigil ni Carl ang matawa.
"Baliw.. Magandang baliw.” ang bulong niya sa sarili habang aliw na aliw pa rin ito na panoorin ang dalagita.
Maaga siyang nagising kanina at pagkatapos makapag-almusal ay nagpas'ya siyang tumambay na muna sa may daungan.
Gusto sana n'yang yayain ang isang pinsan niya,na si Matthew pero tulog mantika pa ang gagu.
Kasalukuyan silang nagkabakasyon ngayon sa hacienda ng kan'yang Lola at Lolo, dito sa Bataan.
"Ba-bye crabbies umuwi na kayo at huwag na kayong pagala-gala para malayo kayo sa kawali." ang sigaw pa nito ng sa wakas ay napunta na sa tubig ang mga alimango.
Carl softly chuckled. At mukhang narinig naman ni Ysha ang mahina n'yang pagtawa, dahil awtomatikong naglanding ang mga mata nito sa kinaroroonan n'ya.
Agad na nagtama ang kanilang mga mata.
Namumula ang magkabilang pisngi na umiwas agad ng tingin si Ysha. Nang makita ang isang binata na nakaupo sa isa sa mga nakadaong na bangka, hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan.
May nakakalokong ngiti sa labi itong nakatingin sa kan'ya.
Siguro, tulad ng iba, ay nawe- weirdo- han rin ito sa kan'ya at iniisip na may sapak siya sa kokote.
Nakakahiya talaga at nakita nito at narinig kung paano n'ya kausapin ang mga alimango.
Parang gusto n'ya tuloy batokan ang sarili n'ya ngayon.
Maya-maya lamang ay dumating na rin si Koring at Pablo.Tumatakbo ang dalawa palapit sa kan'yang kinaroroonan.
Masaya n'yang binati ang dalawang bagong dating at iniabot ang mga pinagpuyatan n'yang bracelet nang ilang gabi.
"Naku ate, ang gaganda naman! Tiyak maraming bibili nito at baka maaga itong maubos mamaya!" ang palatak ni Pablo.
Siya ang gumagawa ng mga bracelet sa pamamagitan ng mga maliliit na sea shells na napupulot ng dalawa.
At kung minsan rin, ay tinutulungan niya rin ang mga ito sa pamumulot ng mga iyon.
Naging libangan na n'ya ang ipaggawa ang mga ito ng bracelet na ibibinta sa mga turista sa kanilang lugar.
Laging nauubos ang mga gawa n'ya at minsan ay nakakarami talaga si Koring at Pablo ng binta lalo na kapag marami siyang nagawang bracelet at necklace.
Patay na ang ama ng dalawang bata. At isa namang labandera ang kanilang ina. Hirap ang mga ito sa buhay kaya sa murang edad ng mga ito, ay natuto na ang mga ito para tumulong sa kanilang ina upang maghanap buhay.
Saksi naman si Ysha kung gaano kahirap ang nararanasan ng dalawa kaya kahit sa maliit na paraan lamang na ito, ay gusto n'yang matulungan si Koring at Pablo.
Ngunit bigla ang lungkot n'yang naramdaman nang maalala na dalawang linggo na lang ay aalis na sila. Maiiwan na niya ang mga ito.
"Ate Ysha, pag umalis ka na mamimiss ka namin. Sino na ang gagawa sa mga mapupulot namin mga sea shells? Pag umalis ka sigurado halos wala na kaming kikitain sa pagbibinta dahil bukod sa aangkatin na namin ang mga bracelet na ibibinta namin e, hindi pa maganda ang pagkakagawa. Mahirap ibinta ang gawa ng iba. " Ang malungkot na boses, na turan ni Koring.
May awa siyang naramdaman para sa dalawang paslit. Siguradong malaki ang magiging epekto ng pag- alis n'ya sa hanap buhay ng mga ito.
Tama nga naman ang mga ito, wala silang mas'yadong kikitain kapag inangkat nila ang mga bracelet na ibibinta.
"Huwag kayong mag-alala, ipunin n'yo lang ang mga sea shells n'yo at pag nagbakasyon ako? Gagawin kong lahat iyon! O, di kaya, sasabihan ko si Xian na maghanap ng magaling na siyang gagawa sa bracelet na ibibinta n'yo." Ang pilit na pinapasayang boses n'ya, para pasiglahin ang mga awra ng dalawang paslit na bigla na lang nalungkot ang mga mukha.
"Oh segi na, kailangan ko ng umuwi mag-iingat kayo ha? Manunuod kasi ako ng paliga mamaya at maglalaro si Paul at Xian." Ang paalam at masigla n'yang pagbabalita.
Naging masigla na rin ang mukha ng dalawang paslit kahit paano. Naging maaliwalas ang mga mukha nila, nang magpaalam na sila sa kan'ya.
Pinagmasdan pa n'ya ang mga ito sa paglalakad palayo.
Napakunot ang noo n'ya, nang makita niyang harangin at tawagin sila, no'ng gwapong lalake na nakaupo sa bangka.
Pakiwari n'ya ay bakasyonista ang lalake dahil 'yon pa lamang n'ya ito nakita sa kanilang lugar.
Nakatayo lamang siya habang nakamasid sa mga ito. Narinig pa n'ya nang magtanong ang lalake kung magkano ang binta nila sa mga bracelet.
Nakita pa n'ya na marahang tumango-tango ito sa sagot ni Pablo. Pumili ito ng dalawa at saka naghugot ng papel na pera sa kan'yang petaka.
"Naku Kuya, wala pa kaming binta e. Ikaw pa lang ang buena mano namin. Wala pa po kaming pamalit sa pera mo," ang malumanay at magalang na paliwanag ni Koring. Nagkibit ito ng balikat.
"Ok lang, sa inyo na sukli." Ang tila wala lang na sabi nito.
Hindi makapaniwalang nagkatinginan ang dalawalang bata at maaliwalas ang mukha ng mga itong bumaling sa aking kinaroroonan.
"Ate, may buena mano na kami, keep the change daw sabi ni Kuya Pogi!" ang sigaw ni Pablo, habang winawagayway ang isang libo.
Nakangiti naman siyang tumango sa dalawang paslit.
"Ang galante n'yo kuya, maraming salamat po!" ang masigla rin sabi ni Coring.
"Wala 'yon, pero pwedi ba akong humingi ng pabor?" ang dinig niyang anang lalake.
"Pwede n'yo ba akong ipakilala kay Miss Beautiful?" anito at tinapunan ng tingin ang dalagita habang nakaguhit ang matamis na ngiti sa mga labi nito.
Agad namang namula ang pisngi ni Ysha pagkarinig sa sinabing iyon ng gwapong binata.
"Ate Ysha, pwedi daw bang makipagkilala si Kuya Pogi sa'yo?" ang nakangiting tanong ni Pablo.
Ngumiti lang siya ng tipid at marahan naglakad palapit sa kinaroroonan ng tatlo.
"Oo naman, makikipagkilala lang naman pala eh." Ang turan n'ya sa kanila habang papalapit. Tila pinagkaguluhan namang gulpihin ni liver at lungs ang puso n'ya sa sobrang kabog na nararamdam n'ya sa kan'yang dibdib.
Makikipagkilala lang naman diba? Isa pa naisip n'ya, baka kasi pag humindi siya, bigla na lang bawiin nito ang sukli. Kawawa naman ang dalawang bata.
Ang mangungbinsi n'ya sa sarili. Halata at sigurado naman siya na bakasyonista nga ang binata at siya naman ay aalis na rin papuntang America.
In short, hindi na sila magkikita pa! Magkakahiwalay rin sila ng landas.
Lihim n'yang kinalma ang sarili at pilit n'yang pinakiharapan ito ng normal. Kahit pa parang gusto nang magsirko-sirko ang puso n'ya, dahil sa tingin na ipinupukol nito para sa kanya.
Idagdag pa ang kaba at ang t***k ng puso n'yang hindi na mapirmi sa normal na ritmo nito.
"Dayo ka no? " ang simple n'yang tanong nang tuluyan na siyang makalapit rito.
"Oo, pwedi rin bang dumayo sa puso mo? O, mag-apply kaya?" ang pasakalye nito habang titig na titig sa kanyang mukha.
Alam niya at ramdam n'ya ang pamumula ng magkabila n'yang pisngi, dahil sa tinuran nito.
Pero ewan ba n'ya, at gusto n'yang sakyan din ang trip nito.
Kitang-kita pa n'ya kung gaano katiim tumitig ang mga mata ng binata sa kan'yang mukha, ni ayaw ata nitong kumurap man lang!
Nailang siya ng konte, pero sinakyan pa rin n'ya ang gustong trip nito.
"Drop by ka muna sa isip ko, doon ang main office." Ang nakangiti n'yang sagot.
" Ayiiiiii! " ang sabay na tukso ni Koring at Pablo.
Nagpakilala nga ang dalawa sa isa't-isa.
Nagpalitan pa ng cellphone number, kalaunan.
Mayamaya pa'y natawag ang pansin nila, nang isa pang paparating na binata.
Lakad takbo itong lumapit sa kinaroroonan nila.
"Hey, Ysha baby! Bakit magkasama kayo ng pinsan ko?" ang tanong nitong may nakapaskil na pilyong ngiti sa labi. Kitang-kita sa ngisi nito ang pagiginglikas na pagkapilyo.
"Alam mo Matthew, noong isang taon mukhang babaero ka! Pero in fairness, mukhang taon-taon kang upgraded." Umirap siya rito. Nagpaskil ng hilaw na ngiti sa labi.
Naiinis talaga siya sa kahanginan ng bagong dating na binata.
"Talaga? e, 'di papasa na ako ngayon n'yan sa'yo?" ang nakakalokong tanong ng binata at kumindat pa sa kan'ya na lihim n'yang kinangiwi.
"Hindi pa rin! kase, kung mukhang babaero ka noon, mukhang manyakis ka na ngayon!" ang mataray n'yang sabi.
Nakilala n'ya si Matthew last year at talagang naiinis siya sa kapreskuhan at kamanyakan nito.
Well, hindi lang naman siya ang pinopormahan ng gagung ‘to e. Kun’di, marami pa!
Nakita nga n'ya itong walang habas na nakikipaglaplapan at nakipag-make out sa tabing dagat noon.
So, magpinsan pala sila? Sana naman hindi babaero at manyakis itong si Carl James? Pero bakit nga ba n'ya nasabi iyon?
Pakialam naman n'ya hindi na rin naman sila magkikita pang muli.
"Segi Carl ha, nice to meet you." Paalam n'ya habang may ngiti sa labi para sa binata.
"Salamat ulit. Huwag kang tutulad d'yan sa pinsan mong abnormal! " ang pahabol pa niyang sabi, at tinapunan ng nakakamatay na irap si Matthew. Si Matthew na napapakamot na lang sa batok.
"Nice to meet you too, Ysha. Text kita mamaya ha?" ang nakangiting ani Carl.
Two weeks lang naman at pagkatapos n'on, kahit anong text nito hindi na n'ya matatanggap pa.
Dahil malamang nasa America na sila n'on.
Bakit tila bumigat ang dibdib n'ya sa isiping iyon? Ang akala n'ya naihanda na n'ya ang sarili sa kanilang napipintong pag-alis?
Pero hindi pa pala, nakakaramdaman pa rin siya ng kalungkutan sa isiping maiiwanan na n'ya ang bayan kung saan siya pinanganak at nagkaisip.
Samantala, hindi naman makapaniwala si Matthew nang malamang nakuha nga ni Carl ang numero ni Ysha.
"Talaga binigay sayo?" ang gulat pa at hindi makapaniwalang tanong nito.
"Ang bilis naman! Samantalang ako, last year ko pa 'yan pinopormahan e, hindi ako pinapansin. At kung papansinin naman ako e, parang bubuga naman ng apoy sa kasungitan!" ang reklamo nitong kwento.
Habang napapakamot pa rin sa batok.
"Bigay mo rin sa'kin ah?" anitong hirit kay Carl. Bahagya naman siyang tinulak ni Carl habang natatawa.
"Gagu, No way! Akin siya! " ang natatawa n'yang sabi sa pinsan.
**
Kinahapunan ay nagtungo si Carl at Matthew kasama pa ang isang pinsan sa plaza, para manood ng paliga.
Narinig kase n'ya kanina si Ysha, na pupunta rin ito.
Marami na ang mga taong manunood, pagdating nila roon. Siksikan na nga ang mga tao at halos maubusan na sila ng bakanting upuan. Buti na lang e, may nakita pa sila na bakante.
Kakaupo pa lamanng nila ay rinig na nila ang bulungan ng mga kababaihan na nakapalid sa kanila.
Agaw pansin kasi ang kanilang gayak at pustura. Nakakaangat sa karamihan ang kanilang ayos at itsura.
Dahil parang mga modelo o, artista ang mga ito sa kakisigan. Tila pa nga parang naligaw lamang ang mga ito roon.
Samantala, nag-umpisa na ang laro ng dalawang kupunan.
May mga grupo ng kababaihan ang tumitili at sinisigaw ang isang pangalan.
"Xian! Xian! Xian!" ang sabaysabay nilang sigaw.
"I love you Xian!" ang malakas na tili pa ng isa.
Lalong nagwala at nagtitili ang grupo nang makapuntos 'yong matangkad at gwapo ring lalake na tinatawag nilang Xian.
Pagka-shoot na pagka-shoot ng bola sa ring, ay tinaas pa nito ang kamay, sabay turo nito sa isang babae. Tila ba sinasabi nitong, para sa'yo 'yon.
Naghiyawan at nagtilian ang karamihan sa ginawing iyon ng lalake.
"Naku, nag-aaksaya lang kayo ng laway d'yan hindi kayo papansin n'yan no! E, kay Ysha lang umiikot ang mundo n'yan!" ang dinig nilang sabi ng isang dalaga.
Mababakas sa mukha nito ang inis dahil sa tilian ng mga ilang kababaihan sa kan'yang tabi.
Sa tuwing papasok ang bola sa basket ring ay talagang tinuturo nito ang babaeng nakaupo, di kalayuan sa mismong court.
Hindi naman n'ya makita ang mukha ng babae dahil medyo nakatalikod ito sa kanila.
Maliban na lang kung lilingon ito sa side kung saan sila malapit e, baka maaninag pa n'ya ang mukha nito.
At narinig nga yata ang hiling n'ya, dahil napalingon nga sa gilid malapit sa kanilang deriksyon ang babae at nasiguro n'yang ito nga si Ysha.
Ang babaeng nagpapagulo sa isipan n'ya mula pa kaninang umaga. Nang makita ito at makilala sa may dalampasigan.
"Sino 'yong Xian na 'yon?" ang wala sa loob na tanong ni Carl kay Luicke, ang pinsan nilang nakatira mismo sa bayan ng Morong.
"Ah si Xian? Panganay na anak ni Mayor. Hindi kaila kasi ang pagiging malapit nila ni Ysha. ‘Yong magandang babae roon na nakaupo." Turo pa nito sa kinauupuan ni Ysha.
"Si Ysha baby ko?" ang gulat na tanong ni Matthew.
"Huwag na huwag mong tatawagin ng ganyan si Ysha. Lalo na 'pag nand'yan si Xian, dahil malaking gulo 'pag nagkataon."Ang babala nito at seryosong tinignan si Matthew.
"Maraming lalake rito ang nagkakagusto kay Ysha. Pero, matagal ng binabakuran 'yan ni Xian. Kaya walang nagtatangkang manligaw. Bantay sarado 'yan si Ysha kay Xian, kahit pa ang dinig ko wala naman gusto si Ysha sa kan'ya at parang kuya nga lang turing n'ya kay Xian. Pero si Xian, halata naman at alam naman ng lahat kung gaano ito nahuhumaling kay Ysha. Well, 'di naman nakakapagtaka. Ang ganda- ganda kaya n'ya, at sobrang bait pa! " ang mahabang kwento ni Luicke. Habang makikita rin ang paghanga sa mga mata nito para kay Ysha.
"Nako Carl, higpit pala ng karibal mo. Tsk! tsk!
Good luck!" ani Matthew na tinapik-tapik pa ang balikat n'ya.
Natawa lang siya rito. Kanina ay nakikipag-agawan pa ito sa kanya. Pero ngayon, mukhang buong puso na nitong pinaubaya ang pakikipagbuno para masungkit ang puso ni Ysha.
Walang karapatan ang Xian na iyon na ariin si Ysha na parang kanya. Makikipagbuno siya kung kinakailangan e, wala siyang pakialam.
Ngayon lamang siya nagka-gusto sa isang babae. At nasisigurado n'yang hindi lang simpleng damdamin ang nararamdaman n'ya para sa dalagita.
Wala sa loob na naikuyom n'ya ang dalawang palad ng makitang inakbayan ng Xian na iyon si Ysha.
Hindi niya namalayan na tapos na pala ang laro. Ngunit nanatili lamang siya sa kan'yang kinauupuan. Habang hindi pa rin n'ya maihiwalay ang mga mata kay Ysha at sa lalaking 'yon.
Tila naramdaman naman ni Ysha ang mainit na titig ni Carl sa kan'ya. Dahil biglang napaangat ang tingin nito sa mismong kinaroroonan ng binata.
Saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Isang simpling ngiti lamang ang iginawad ng dalaga para kay Carl.
At agad din s'yang nag-iwas ng tingin at binaling ang pansin kay Xian, na masayang nakwekwento. Ewan ba n'ya pero iba ang pagkakatingin ni Carl sa kanilang dalawa.
Madilim at tila galit itong nakatingin lamang sa kanila ni Xian.
"Ano kaya ang problema ng isang 'yon? " ang naitanong niya sa isip.