"Aling Tinay may pupuntahan po pala ako bukas. Titingnan ko ang mga tela ng isang supplier na nakausap ko. Kayo na po ang bahala sa shop ha." paalam ko kay Aling Tinay.
Busy na naman kami ngayong araw kaya gabi na kami nakapagsara ni Aling Tinay. Ang aking mga mananahi ay nakauwi na kanina pang mga alas sais ng hapon. Inabot kami ng alas diyes ng gabi ni Aling Tinay dahil gumawa pa ako ng design na ipapakita ko sa isang club organization na gustong magpagawa ng kanilang uniform sa amin. Liban kasi sa pananahi ay nag-o-offer din kami ng sublimation printing. Matapos ang ilang design na ipapakita ko sa president ng organization next week ay inayos ko na din ang aking notebook kung saan ko sinulat ang mga klase ng tela na gusto kong bilhin at kung magkano ang budget ko. Sabay na kaming umalis ni Aling Tinay sa shop at hinatid ko na rin ito pauwi sa kanilang tinutuluyan.
Hay! Nakakapagod ang maging businesswoman. Minsan naisip ko na kung hindi maagang nawala ang aking pamilya ay may katuwang ako sa pamamalakad ng shop. Pero sa kabilang banda ay naisip ko din na kaya din siguro nangyari ang ganito ay alam ng nasa Itaas na kaya ko 'to. Natuto akong maging independent. Kaya nga dahil sa pagiging independent ko ay medyo ilag din ang mga lalaki sa akin sahil ang taray ko daw. Maliban pa sa mataray ako ay istrikto din at matalas din minsan ang dila ko lalo na sa mga tamad. Ako kasi, lahat ng naabot ko ngayon ay pinaghirapan ko kaya nga ayaw ko sa tatamad tamad eh.
Pero hindi naman ibig sabihin na puro work work lang ako. Umibig din naman ako. Sa katunayan ay kamuntik ko na nga maibigay sa aking ex ang aking pinakaiingatang V-card kundi lang kami sinundan ng babaeng gusto ng pamilya nito.
Noong bente singko ako ay may isa akong supplier na may anak na lalaki na lumaki sa ibang bansa. Dahil nagkasakit ang supplier ko ay umuwi ang anak nito na galing sa ibang bansa para pansamantalang mag-manage muna sa kanilang textile business. Iyon ang nag assist sa akin noong pumunta ako sa kanila. Nagandahan sa akin ang aking ex dahil sexy naman talaga ako at maganda kaya naman kahit unang araw pa lang ay nagpakita na ito ng interes sa akin. Type ko din naman siya dahil maputi, mabango, katamtaman ang tangkad at tsinito ito. Nagkagustuhan kaming dalawa at sinagot ko ito ng niligawan niya ako. Iyon na siguro ang masasabi kong ilan sa masasayang sandali ng buhay ko.
Halos isang taon na din kaming mag-boyfriend-girlfriend ng mag-aya ito sa akin ng kasal. Pumayag naman ako dahil iyon naman talaga ang hinahanap ko lalo at sabik ako sa pagmamahal ng isang pamilya. Kabado ako nang dalhin ni ex sa kanilang pamamahay para ipakilala sa kanilang pamilya. Sa loob kasi ng halos isang taon naming relasyon ni ex ay hindi namin ipinaalam sa kanyang magulang ang aming relasyon ayon na rin sa kahilingan nito na sinang-ayunan ko din dahil nahihiya din ako kasi nga magkakilala na kami ng parents niya. Kaya ganoon na lamang ang gulat ng mga ito ng ipakilala ako ng kanilang anak bilang mapapangasawa.
Akala ko ay matutuwa sila pero tahasan nilang sinabi sa akin na hindi ako ang nararapat sa kanilang anak. Mayroon na silang napiling babaeng nagugustuhan para sa anak nila. Isa pa wala daw akong dugong Chinese kaya naman hindi pa rin nila ako matatanggap.
Sa negosyo, okay pa rin naman na sa kanila ako kumuha ng supply ng tela kasi good payer naman daw ako, pero pagdating sa mapapangasawa ng anak nila ay gagawin nila ang lahat masunod lamang ang kanilang gusto.
Nang araw ding iyon ay parang nawalan ako ng pamilya sa pangalawang pagkakataon ng hindi man lang ako magawang ipaglaban ng ex ko. Naghiwalay kami pagkatapos noon pero matapos ang ilang buwan ay sinuyo ako ulit ng aking ex. Sinabi nitong kung ayaw ng pamilya niya sa akin ay magtatanan na lamang daw kaming dalawa tutal ay may sarili naman siyang pera. Nakipagbalikan ako dito at sumamang makipagtanan kahit na may sariling bahay naman ako. Pumasok kami sa isang motel dahil nga ang sabi sa akin ng aking ex na kapag umuwi kami sa aming bahay ay baka matunton kami ng mga tauhang hinire ng Daddy at Mommy nito. Sinabi nito na tumakas lamang siya sa kanilang bahay dahil nga pinapabantayan daw siya ng kanyang Mommy. Bukas daw ng gabi ay magkakaroon ng engagement party sa bahay ng mga ito at doon ay i-aanounce ang engagement nilang dalawa ng anak ng kasosyo ng Daddy nito. Ayaw nito sa babae kahit na maganda din ito dahil ako nga ang mahal niya. Kaya nga ang gagawin namin ay matutulog ngayong gabi sa motel at bukas ay magpapakasal kami sa civil para wala ng magagawa ang kanyang Mommy at Daddy kapag kasal na kaming dalawa.
Pikit mata naman akong nagpaubaya sa gustong mangyari ng ex ko. Nauna na itong naligo kasunod ako. Nang lumabas ako ng banyo ay nakatuwalya na lamang ako. Kaagad na tinanggal ng aking ex ang tuwalyang nakabalot sa aking katawan. Kaagad ko namang tinakpan ang aking katawan ng tumambad ito sa paningin ng aking ex. Habang nasa loob ng motel ay nagpakasasa kaming dalawa sa pag-explore ng katawan ng bawat isa. Gigil na gigil siya sa paghaplos at paghalik sa buo kong katawan. Dati na kaming nagmemake out pero hindi talaga all the way kahit na anong ungot nito sa akin dahil akala ko noon ay hindi kami tatagal. Siyempre ang iniisip ko noon ay baka magaya ako kay Aling Tinay na baka buntisin lang ng lalaki tapos hindi pangatawanan kaya kawawa naman ang magiging baby ko bandang huli. Kaya nga kahit ang mga naging ex ko dati ay iniiwanan din ako dahil hindi ko din sila pinagbigyan sa kanilang kahilingan na ibigay ang aking puri. Hindi naman sila lugi sa akin dahil kahit naman papaano ay pinapaligaya ko din sila. Natuto tuloy akong maglollipop dahil iyon ang hiniling ng isa ko pang ex para daw kahit paano ay hindi sumakit ang kanyang puson kapag nagmemake out kami. Nang maghiwalay kami noon dahil na fall out love kami sa isa't isa ay sumunod na itong si ex ko na. Sa kanya ko in-apply ang natutunan kong paglollipop doon sa isa kaya naman lalo akong gumaling. Kung hindi lang nito sinabi sa akin na magpapakasal kami bukas, hindi rin naman ako papayag na mag all the way ngayon. Kumbaga nag advance honeymoon lang kaming dalawa.
Matapos ang halos kalahating oras na romansahan naming dalawa ay dahan dahan na ako nitong hiniga sa kama. Pumuwesto na din ito sa aking itaas. Binuka ang aking hita at pinagmasdang mabuti ang pinakaiingatan kong hiyas. Halos tumulo pa ang laway ng aking ex sa aking pinakakaingatang hiyas. Umakma na itong itatarak ang kanyang sandata sa akin kaya napapikit na lamang ako.
Tok!
Tok!
Tok!
Tok!