Napatigil si ex sa tangkang pagbayo sa akin sa sobrang lakas ng katok sa aming pinto.
"Peste!" sino naman kayang hinayupak ang grabe makakatok sa aming pinto. Ito na 'yong moment namin eh. Mahina kong sabi.
"Sh*t! Sino 'yan?!" nanggagalaiting sigaw ni ex.
Sige pa rin ang katok sa aming pinto. Walang may sumasagot sa labas.
Sa sobrang yamot ni ex ay bumaba ito sa kama. Nagtapis ito ng tuwalya. Tinakpan ko naman ng kumot ang aking katawan.
"Kapag hindi 'to emergency, mapapatay ko talaga ang kumakatok---"
Natigil ang pagsasalita ni ex pagkabukas ng pinto.
"J-jenna!? W-what are you doing here?" narinig kong sabi ni ex sa kaharap nito sa labas.
"Chris.. you need to come with me--"
"I told you na hindi kita mahal 'di bah! Ba't ka ba sunod ng sunod sa akin. Hindi ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan. Tandaan mo 'yan." gigil na sabi ni ex sa kausap nito.
Nahihinuha kong ito ang babaeng gusto ng mga magulang ni ex para sa kanya. Bumangon na lamang ako at nagbihis dahil nakaramdam ako ng hiya. Masarap sa pakiramdam na ako ang pinili ni ex pero baka makita ako ng babae sa loob na walang saplot ay baka isipin nito na pakawala ako. Lumapit ako sa likod ni ex at sinipat ang babaeng kausap nito. Petite ito at tsinita. Ang cute nga nitong tingnan at babyface pa. Kung pagtatabihin ito at si ex ay mukhang mas bagay nga sila dahil pareho silang singkit.
"Chris it's not about you and me. Kailangan mong umuwi dahil nasa ospital ang Mommy mo!" bulalas na sabi ng babae.
Napansin kong saglit ding natigilan si ex.
"Stop making lies, Jenna. Kahapon pag-alis ko ay malakas pa si Mommy---"
"Sa tingin mo ba ay mag-aaksaya ako ng panahon para lang hagilapin ka para magsinungaling sa'yo. You're their only son. Mabuti sana kung may iba pa silang anak para sabihan ko at may mag-alaga sa Mommy mo." medyo tumalim na din ang salita ng babae.
Hindi nakapagsalita si ex. Siguro ay iniisip niya rin ako dahil nga kung aalis ito kasama ng babae ay paano naman ako lalo at ito ang nag-ayang magtanan kaming dalawa.
Napansin kong parang bumigat ang paghinga ni ex. Nahihirapan siguro itong magdesisyon kasi nga involve ang Mommy nito.
"Umm.. C-chris.." tawag ko dito.
Nagulat pa ito sa pagtawag ko. Hindi napansin na nasa likuran na niya ako- at may suot nang damit.
"Nasa ospital daw ang Mommy mo. Huwag mo akong alalahanin. Puntahan mo na siya." tanging nasabi ko.
Bumuntung hininga ito.
"Okay sige." sagot nito at humarap ulit sa babaeng nasa labas. "Ibigay mo sa akin ang address at pupunta ako doon. Susunod na lang kami sa'yo."
Napansin kong napatigil ang babae at biglang tumingin sa akin. Ang mata nitong singkit ay lalong lumiit sa pagsipat sa akin. Pasimple ako nitong tiningnan ng mula ulo hanggang paa. Aba at akala ko kanina ay cute 'yon pala ay may attitude din ang babaeng 'to. Masampolan nga.
"Uhmmm.. Chris, bakit hindi nalang tayo sumabay sa kanya. It's an emergency dahil buhay ng Mommy mo ang nakataya dito. Ako na lang ang babalik dito mamaya para kunin ang sasakyan mo at dalhin sa ospital. Mas importante ang Mommy mo." yapos ko dito mula sa likod.
Bumalatay ang sakit sa mukha ng babae nang kumambiyo si ex sa akin at hinalikan ako sa harap nito.
"Thanks a lot. Kaya mahal kita kasi napakabuti mo."
"Ano ba ka ba.. huwag kang ganyan, nakakahiya dahil dito pa tayo naglalampungan.. tanungin mo muna siya kung payag siyang sumabay tayo sa kanya?" malanding sabi ko.
Bumaling si ex sa babaeng nasa labas.
"Is it okay if sumabay na lang kami sa'yo? Magbibihis lang ako saglit." tanong ni ex.
Parang napipilitan itong napatango sa sinabi ni ex. Kagya't din na nagbihis si ex at sabay na kaming bumaba kasunod ng babae. Habang nasa loob ng sasakyan ay sinadya kong magkatabi kaming dalawa ni ex sa likod at harutin ito para lalong inisin ang babae. Napansin kong hindi ito masyadong makapag drive ng maayos dahil ilang beses na binusinahan ito ng ilan naming kasunod na sasakyan. Gusto ko na tuloy matawa. Kung hindi sana ako nito tiningnan ng masama kanina baka pinasabay ko sa kanya si ex ng mag-isa.
Nang makarating na kami sa ospital ay dali dali kaming dumiretso sa private room ng Mommy ni ex. Habang papalapit sa kwarto ng Mommy ni ex ay napansin ko ang dalawang matandang lalaki na nakaupo sa labas.
Binati ito ni ex at nagsalita ang isa sa mga ito.
"Siya ba ang dahilan kung bakit naospital ang Mommy mo. Hindi siya nababagay sa pamilya natin. Tingnan mo ang nangyari sa Mommy mo. Ipagpapalit mo ba ang Mommy mo sa babaeng 'yan hindi natin kauri." kahit na si ex ang kausap nito ay sa akin nakatingin ang matanda.
"Mahal ko po siya and I'm going to marry her--"
"Pakakasalan mo pa ba 'yan kapag nalaman mong pati ang Daddy mo ay sumama din ang pakiramdam dahil sa nangyari sa Mommy mo. Mabuti na lang at bumisita kami sa bahay niyo kaya naagapan ang Daddy mo. Nagpapahinga lang siya sa bahay niyo dahil hindi naman malala ang nangyari sa kanya hindi katulad sa Mommy mo." mahabang litanya ng matanda.
Medyo napatda si ex sa narinig. Ako naman ay nakaramdam ng guilt dahil kami pala ang dahilan kaya nagkasakit ang parents ni ex.
"Sa tingin mo matatanggap namin 'yang babaeng 'yan sa pamilya natin." sabi naman ng isa sa matandang lalaki at tumayo ito.
"Tito, siya ang mahal ko. Hindi naman kayo ang makikisama sa kanya kundi ako." galit na sabat ni ex.
"Kaya ba ng konsensiya mo na ipagpalit 'yan sa Mommy at Daddy mo na nagkasakit dahil sa pinaggagawa mo. Kung 'yan ang gusto mo, sige. Pero huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa amin. Alam mo ang tradisyon ng pamilya natin. Kung ayaw mong tanggapin 'yon, umalis ka na at hindi ka na namin kikilalanin na parte ng aming pamilya. Ako na ang bahala sa aking kapatid." matigas na pahayag ng matanda saka ito pumasok ng kwarto kasabay ng isa pang lalaki.
Naiwan kaming tatlo sa labas ng kwarto.
Humugo't ako ng napakalalim. Ngayon ko na-realized na minsan sa buhay ng tao ay kailangan mo pala talagang magparaya.
"C-chris.. p-pumasok ka na," medyo pumiyok ang boses ko. "I guess hanggang dito na lang talaga tayo. Hindi kaya ng konsensiya ko na ako ang dahilan ng pagkakasakit ng mga magulang mo. S-siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa. I'm.. b-breaking up with you. S-sa-lamat sa.. s-sa pagmamahal." tuluyan nang umagos ang aking luha. Kasabay noon ay naglakad na ako palayo. Hindi ko na kaya pang tingnan si Chris.
Hinabol ako nito pero iwinaksi ko ang kanyang kamay.
"Stop it, Chris! We're over. Mahal kita, mahal na mahal. Alam kong mahal mo rin ako, ramdam ko 'yon.. pero we're not meant to be." sigaw ko sa kanya. Napatingin na ang taong naroon malapit sa amin. "You know na mag-isa na lang ako at nawalan ng mahal sa buhay. And, ayoko kong mawalan ka ng pamilya ng dahil sa akin. Kahit na gusto kong magkaroon ng sariling pamilya hindi ko pinangarap sa ganitong paraan. Kaya please.. bumalik ka na." pinahiran ko na ang aking mukha. Kasabay noon ay tumakbo na ako palabas ng ospital.
Sumakay ako ng taxi pabalik sa motel dahil may mga gamit pa ako doon. Pag-uwi ng bahay ay doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko. Isang Linggo din akong nagmukmok at naglasing dahil sa sugatan kong puso. Tumatawag pa rin sa akin si ex sa akin pero tinigasan ko talaga ang aking puso. Nagpalit ako ng aking personal number para hindi na niya ako ma-contact. Pumupunta din ito sa bahay pero hindi ko ito pinagbubuksan hanggang magsawa na ito at hindi na nagpakita pa. Nag-iba na rin ako ng supplier. Lahat ng may kinalaman kay ex ay kinalimutan ko na.
Nang medyo maka move on na ako ng ilang buwan ay nag pagupit ako ng buhok. Marami ang nagsabing mas bagay sa akin ang short hair kaya naman hindi ko na pinahaba pa ang aking buhok. Mula ng maghiwalay kami ni ex ay hindi na muna ako pumasok sa relasyon. Medyo natrauma ako at baka hindi na naman ako tanggapin ng pamilya ng lalaki. Marami din naman ang umaaligid pa rin pero hindi ko sila type kaya naman mas gusto ko munang pagtuunan ng pansin ang aking shop.