Mang Totong 1
Malapit na naman ang pasukan. Pihado busy na naman ang aking shop sa pagtatahi ng mga uniform ng mga bata dahil dagsaan ang magpapagawa ng school uniform. May mga order din sa aming shop katulad ng basketball uniform, PE uniform at iyong iba ay mga uniform ng mga iba't ibang clubs o organization.
Kailangan kong maghanap ng bagong supplier ng tela dahil biglang nagmahal ang dati naming pinagkukunan. Okay sana kung mga 5% lang ang itinaas kaso halos 40% ang itinaas na presyo ng tela na binigay sa amin. Lugi ako doon. Kapag ganoon, mahal din ang sisingilin ko sa aming customer. Baka ako naman ang mawalan ng kita.
"Makapaghanap nga sa online ng mga textile warehouse. Mas mabuti sa warehouse dahil makakapili ako at makakamura pa." bulong ko sa aking sarili habang mag-isang nakaupo sa loob ng aking maliit na opisina.
Nag-search na ako at inilista ang mga detalye ng mga kompanyang pwede kong tawagan.
- Chin Wu Textile Warehouse
- Andromeda Warehouse Company
- Anna and Pete House of Textile
- Elissa Textile Company
- Gomez- Santos Warehouse International Company
- Gomez Textile Warehouse
- Zamora Linen and Clothes Warehouse
- Sun, Moon, Stars Mixed Textile
- Diamond House Textile Warehouse
- Sampaguita Clothing Warehouse
Hay!
"Tama na 'tong sampu muna. Matawagan at ma-check nga."
Isa isa ko nang tinawagan ang mga kompanyang sinulat ko sa aking notebook.
Kringgggg!
Kring-
"Hello!"
"Hello, good morning is this...."
"Hello, good ...."
"Hel-"
Busy Tone.
"Hello! Hello! Bakit biglang na wala?"
"Hello.... A-ano po wrong number?!"
Busy Tone.
Operator: The number you have dialed is out of coverage area. Please try again later.
"Yes, po. Opo. Opo. W-wwhha-a-t??! Ang mahal naman po. Salamat na lang po."
Operator: The number you have dialed is out of coverage area. Please try again later.
Operator: The number you have dialed is out of coverage area. Please try again later.
"Thank you. I will think about it. I will call again if I change my mind. 'Bye"
"Peste! Ang hirap pala maghanap ng bagong supplier."
Natapos ko nang tawagan lahat ng nasa listahan ko. May mga sumagot. Meron ding busy ang linya. Meron pa akong natawagan na wrong number. May dalawa na mukhang okay naman kaso mahal pa din. Meron namang out of coverage area. Tapos 'yong iba ang sungit sungit sa telepono. Peste! Meron naman na hindi kami magkaintindihan sa telepono. Wala talaga. Nagugutom na ako. Makakain nga muna at nagrereklamo na ang mga alaga ko sa tiyan. Bukas ko na naman ulit ipagpapatuloy ang paghahanap ng supplier ng tela.
Habang kumakain ng pananghalian sa loob ng aking maliit na opisina ay tinitingnan ko ang aking mga mananahi sa cctv.
Ako si Sabrina Escueta. Bente otso anyos at dalaga pa. Nakatira sa Marikina. Ulila na akong lubos dahil namatay sa car accident ang aking mga magulang kasama ng aking dalawang kapatid noong ako ay nasa high school pa lamang. Sinundo ng aking Papa at mga kapatid si Mama sa aming Tailoring Shop. Papunta na sila sa aking paaralan para ako naman ang susunduin nang isang rumaragasang SUV ang sumalpok sa kanilang sasakyan. Dead on arrival ang aking pamilya samantalang dead on the spot naman ang driver ng SUV. Ayon sa imbestigasyon na nagkaroon ng heart attack ang driver ng SUV dahilan para mawalan ito ng preno at sumalpok sa sasakyan ng aking pamilya at kasabay nito ay namatay din ang driver.
Nagdadalamhati ako noon dahil bigla bigla ay naulila ako. Pero wala din akong magagawa dahil isa itong aksidente. Wala din kaming hahabulin dahil namatay din ang nakabangga.
Ilang taon din bago ako nakarecover sa tulong ni Aling Tinay, ang katiwala ni Mama sa aming Tailoring Shop. Sa pagdaan ng taon ay unti unting bumalik ang aking pananampalataya sa Diyos na nawala dahil sa trahedya. Mabuti na lamang at kahit papaano ay ginagabayan ako ni Aling Tinay. Isa siyang single mom na nabuntis ng kanyang nobyo noon at iniwanan ng malamang nagdadalang tao dahil takot sa responsibilidad. Dahil sa pagbubuntis ay pinalayas ito ng sariling magulang. Nang lumapit sa kanyang mga kaibigan ay hindi din siya tinulungan kaya nagpalaboy laboy sa lansangan hanggang makarating sa amin sa Marikina.
Nakita siya ng Mama ko na natutulog sa labas ng aming shop kaya kinausap niya ito. Matulungin talaga kasi ang Mama ko. Ang ginawa ng Mama ko ay kinupkop at pinag-aral ng Vocational Course sa Dressmaking si Aling Tinay at nang makatapos ay doon din siya sa amin nagtrabaho. Gusto sana ni Mama na sa amin manirahan si Aling Tinay kaso nahihiya siya sa sobrang dami ng naitulong ni Mama sa kanya. Nangupahan na lamang ito ng isang kwarto kasama ng kanyang anak na si Biboy.
Si Aling Tinay ang nagturo sa akin kung paano palakarin ang tailoring shop ni Mama noon. Ginabayan niya ako kung paano ang pananahi para kahit papaano ay may alam din ako. Kumuha ako ng kursong Business Management at Dressmaking para sa naiwang Tailoring Shop ni Mama. Napagtagumpayan ko naman na mapalago ito kahit sa murang edad. Ang dating Tailoring Shop namin na may limang tao, ngayon ay may dalawampu na kaming mananahi.
Kringgggg.....
Kringgggg...
Natigil ang aking pagbabalik tanaw dahil tumunog ang aking telepono.
"Hello, good afternoon. This is from Sabrina Fashion House, Sab speaking. How may I help you?" magalang kong sagot sa telepono.
"Hello po, Ma'am Sab. This is from Chin Wu Textile Warehouse. I'm Dianne po Ma'am. Kayo po ba ang tumawag kanina?" tanong nang Dianne sa kabilang linya.
"Yes, po. Mag e-inquire po sana ako sa inyong Quotations ng mga tela. Gusto ko sana ng good price." sagot ko.
"Don't worry po Ma'am, we will give you a good price." sumaya ang boses ni Dianne.
Nagpatuloy ang usapan namin ni Dianne pagkatapos noon. Kinausap muna nito ang amo na si Mr. Chin na sa warehouse nila ako sa Marikina mamimili. Tapos kung may magugustuhan ako, ibigay ko lang sa kanilang tauhan na nandoon ang aking order slip. Dalawa ang tauhan nila na nagbabantay doon. Hanapin ko lang daw si Mang Danny o 'di kaya si Mang Dodoy. Sila ang mag-aassist sa akin sa loob ng warehouse dahil sila ang nakakaalam ng presyo at klase ng tela. Ang mga napili kong tela ay isesend din kaagad kay Dianne para sa Invoicing at saka naman esesend sa akin para sa confirmation kung tama ang order. Pag nag confirm ay saka ako magbabayad sa kanilang account. Pag na received na nila ang confirmation ng aking bayad ay idedeliver nila kinabukasan sa aming shop ang in-order kong tela. Bago pa ako makarating sa loob ay kailangan ko raw munang dumaan sa guardhouse para mag log sa kanilang Logbook. Si Mang Totong naman daw ang bahala sa akin. Siya naman ang pinagkakatiwalaan nilang security guard. Open ang kanilang warehouse ng 9:00am hanggang 5:00pm. Kapag Linggo ay sarado dahil off kaya mas maganda na huwag daw akong pumunta dahil walang tao.
"Puro lalaki pala ang kanilang mga tauhan," saloob loob ko.
Napagpasyahan ko na sa susunod na Sabado na ako pupunta sa warehouse dahil alanganin ngayong darating na Sabado. Ang Sabado lang kasi ang pinakamaluwag sa aking schedule dahil ang kasunod na araw ay Linggo, day-off din ng aking mga tauhan at sarado ang shop.