She's very clever. Ang nasa isip ng lalaki. Alam nitong nagdadrama lang ang Mama niya at alam din nito ang paraan kung paano siya mapapasunod.
Simula't sapul ng bata pa sila ay ginagamitan sila ng emotional blackmail ng kanilang Mama kapag may hihilingin ito sa kanilang magkapatid lalo na sa lalaki. Kahit kasi kilala itong suwail sa kanilang magkapatid ay gagawa at gagawa ito ng paraan para mapagbigyan ang kanilang Mama. Ugh!
Kinuha nito ang kanyang cellphone at may tinawagan na naman.
---------------------------------
Kinabukasan sa hapagkainan ay hindi pinapansin ng kanyang Mama ang lalaki. Ang lalaki din ang unang bumasag ng katahimikan sa kanilang dalawa. Huminga ito ng malalim at nagsalita.
"Okay, Ma. You win. Ako muna ang mamamahala ng agency habang wala pa ang kapatid ko. But-- oras na makita na natin siya ay babalik din kaagad ako ng US. Do we have a deal?" kailangan nitong maging mautak dahil baka maisahan ito ng kanyang Mama.
Sa tuwa ay tumayo pa ang Mama nito at niyapos ang anak kahit na kumakain sila.
"Thank you, son. I know na hindi mo ako matitiis. Of course, I know that you love your Mama so so much," hinalikan nito ang anak atsaka bumalik sa kanyang inuupuan at nagpatuloy sa pagkain.
"Cut that, Ma. Your being cheesy--"
"What's wrong with being cheesy. Your Papa fall in-love with me dahil I'm different and unique--"
"And a clever woman!" kontra ng lalaki.
"Hahaha... Oh, well.. yes I am. I'm the queen of this house.. hahaha.." sumaya na ang Mama ng lalaki dahil nakuha na nito ang gustong mangyari.
Matapos silang kumain ay dumiretso na sila sa kanilang main branch sa Timog Avenue, Diliman.
Ang pamilya ng lalaki ang nagmamay-ari ng isa sa top 3 leading security and private investigation agency sa bansa. Mayroon pa silang tatlong branch na nagkalat sa Luzon. Kinilala ang kanilang agency dahil sa mahusay na pamamahala ng Papa ng lalaki noong nabubuhay pa ito at lalo itong napalago ng kapatid nito noong namatay na ang kanilang ama. Marami silang kliyente na bigtime na mga tao- mga kilala sa lipunan katulad ng mga pulitiko, negosyante o private citizen man, at mga kilalang kompanya.
Ang kapatid nitong lalaki ang siyang namamahala sa operation at ang lalaki naman ay parang adviser lang. Ang totoo niyan ay bago tanggapin ng kanyang kapatid ang kanilang mga tauhan ay ito ang final interviewer pero isinasagawa nila iyon online. Mas bihasa siya sa pagkilatis ng tamang tao sa kanilang agency na magiging security at private investigators nila. Kaya nga medyo mahal din ang kanilang serbisyo dahil sinisiguro nilang magaling ang kanilang nakukuha. At para mas lalong maging mataas ang standard ng kanilang agency ay gumagawa din ang lalaki ng mga video demonstration na natutunan nito sa US at pinapakita sa kanilang mga tauhan. Ang pag-attend sa mga trainings ay ito din ang nag-suggest sa kanyang kapatid. Pinipili ng kanyang kapatid ang kanilang mga top employees at iyon ang sinasama nito at pagkatapos ay ituturo din ng mga ito ang kanilang natutunan sa kanilang mga kasamahan nang sa gano'n ay hindi puro tayo at lakad lang ang kanilang gagawin habang naka duty.
Lingid ito sa kaalaman ng kanilang Mama na magkatulong ang magkapatid na pagpapalago ng agency. Baka kasi magdrama na naman ito at hilingin na tumira na lamang sa Pilipinas.
Kahit na mahal niya ang kanilang kompanya na minana pa nila sa kanilang ama ay may dahilan siya kaya nanatili siya sa US. Iyon ay dahil sa pag-ibig. Pag-ibig na akala niya ay wagas pero niloko lamang pala siya. Kaya imbis na iwan ang US at bumalik ng Pilipinas ay pinangatawan na nito ang pagtira doon para na rin inisin ang babaeng tanging minahal niya- noon. Mayroon itong bagay na hinihiling sa kanya pero hindi nito ibibigay, ito ang parusa niya sa pagtataksil nito sa kanya.
Pagdating sa kanilang main branch ay halos matulala naman ang kanilang mga tauhan. Saglit lamang ang kanilang pagkatulala at ng mapansin nilang ibang tao ang kanilang nakikita ay saka lang nila naalala ang nangyari sa kanilang amo. Pinatawag ni Lito ang kanilang mga staff sa conference room at ipinakilala ang lalaki na siyang pansamantalang magte-take over ng agency habang wala pa ang kanilang amo.
Kahit ngayon lang nila nakita ang lalaki ay malaki na ang takot at respeto nila dito dahil ito ang nag-final interview sa kanila bago tanggapin ng may-ari ng agency. Hindi maiwasang pagkumparahin ng mga tao ang lalaking nakikita kesa sa kanilang kinikilalang amo. Mas mukhang matured ang lalaking hahalili sa kapatid nito. Mas nakakatakot din itong tingnan dahil sa tangkad na lampas 6 foot ay batak na batak din ang katawan nito, mas macho itong tingnan kesa sa kapatid nito. Simple lang ang suot nitong short sleeve plain black fitted shirt at black jogger na pinarisan ng CAT black steel work shoe pero ang aurang nilalabas nito ay pumupuno sa buong conference room. Moreno ito samantalang ang kapatid nito ay maputi. Ang isa pa sa talagang agaw pansin dito ay ang mahaba nitong buhok. Hindi ito tinirintas ng lalaki at hinayaang nakalugay ang mahaba at itim na buhok kaya nagmukha din itong brusko at playboy. Ito ang tipo ng amo na hindi mo pwedeng linlangin dahil gagawin mo pa lang, alam na nito.
Mainam na nakikinig ang kanilang mga tauhan habang nagsasalita ang lalaki. Nagpakilala lamang ito at hiningi ang mga files ng lahat ng mga staff sa agency. Kailangan nito iyon upang makilala ang kanilang mga tauhan. Ang ibang files naman na hiningi nito kay Lito ay titingnan na lamang nito sa susunod na araw para malaman kung paano papatakbuhin ang agency habang wala pa ang kapatid nito. Matapos iyon ay pinabalik na nito sa kani-kanilang pwesto ang kanilang mga tauhan. Naiwan ang lalaki, ang Mama nito at si Lito sa conference room.
Sinabi ng lalaki ang balak nito na puntahan muna ang lugar kung saan nalaglag ang sinasakyan ng kanyang kapatid at ng mga kasama nito. Gusto nitong malaman kung mayroon na silang bagong updates para alam nito ang susunod na gagawin at pagkatapos ay saka ito babalik ulit ng Manila para asikasuhin ang kanilang agency.
Matapos sabihin ang kanyang mga plano ay nagpaalam na din sila kay Lito. Kasama ang Mama nito ay umuwi na sila dala dala ang mga files. Doon na nito pag-aaralan ang mga papeles sa kanilang mini-library.
Kailangan nitong asikasuhin ang mga gamit at damit na dadalhin sa paghahanap sa kanyang kapatid. Kung isang buwan na itong nawawala at hindi naman nakita ang sasakyan ng mga ito o kahit ang kanilang mga katawan, malakas ang kutob nito na buhay sila. Mayroon lang sigurong nangyari sa mga ito kaya hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Para makumpirma ang hinala ng lalaki ay mas mabuting ito mismo ang pupunta sa lugar na kinabagsakan ng kanilang sasakyan para mapanatag ito.