Mang Totong 22

1041 Words
Nang makalayo na kami sa parking ay binasag ni Gardo ang katahimikan. "Bakit ka naman nagvolunteer na magpa-ayos nitong sasakyan ko eh gusto naman nilang bayaran ang damage na ginawa ng retokadang babaeng 'yon?!" gigil na sabi ni Gardo. "Hayaan mo na. Hassle pa kasi ang ganyan kasi ipapa-ayos kuno tapos matagal pa. Kaya mas maganda kung ako na lang ang magpapa-ayos. Dumaan na lang muna tayo sa shop namin at iwanan mo na lamang 'tong sasakyan mo. Ipapadala ko 'to bukas sa isang staff ko para ipaayos sa carshop." Sabi ko na lamang dito. "Pasensiya ka na masama lang talaga ang loob ko kaya ayoko nang makipagbangayan sa bruhildang babaeng 'yon kanina at baka mag-iba pa ang paningin ko at tulungan din kitang sirain ang sasakyan niya. Masira lang ang iniingatan kong image." "Ows??? Mayaman.." Mukhang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. "Oo nga. Bakit ganyan ka makatingin sa akin?" singhal ko kay Gardo. "Miss Sab ha, iba na 'yan. Naku ang sabihin mo, nagseselos ka do'n sa retokadang babae. At hindi lang sa kanya, pati na rin kanina kay Madam Sanders." natatawang sabi nito. "Bakit ako magseselos abir at sino naman 'yang si Madam Sanders na 'yan?" nakadilat ang mata ko kay Gardo. "Weh.. 'Yong hinalikan kanina ni pogi sa may elevator. Siya ang financer namin. VIP 'yan si Madam Sanders. Tatlong beses ko pa lang siyang nakita sa headquarters namin. Ang pagkakaalam ko ay biyuda na siya. Meron siyang anak na lalaki.. at naku ang gwapo din no'n, Miss Sab. Kasing gwapo ni pogi kanina. Ang kaibahan lang nila ay moreno si pogi at mahaba ang buhok-- 'yong tipong hindi na nga maginoo.. bastos pa--- oy.. gusto ko 'yong bastos. Hahaha.." saka tumili pa ng malakas si Gardo na akala mo kinikiliti. Ito talaga si Gardo akala ko dati straight,' yon pala lalaki din ang gusto. Sabagay ngayon lang naman kami medyo naging close dahil nga sa bidding. "Samantalang clean cut, maputi at macho ang anak ni Madam Sanders, ang pagkakaalam ko nga ay single pa 'yon. Naku kung naging babae lang ako, mag-a-apply akong katulong sa bahay nila para makasama ko 'yon. Gagapangin ko talaga ang anak niya. Hahaha.. " "Sira ka talaga. Tumigil ka nga sa kakatili mo diyan. Mamaya niyan madisgrasya pa tayo kasi panay ang tili mo." "Pero don't worry, Miss Sab. Ipapaubaya ko na sa'yo si pogi. Ayoko nang dumagdag pa sa pila niya. Kaya naman pala ang haba ng hair ng lolo mo kasi naman.. mukhang may something sa kanila ni Madam Sanders at doon sa babaeng retokada. Kung pipila ako baka magkasunuran pa tayo. Hahaha.." "Oy! Gardo, hindi ako kasali diyan sa pila sa kanya ha. Ayoko nga sa matured na lalaki," labas sa ilong na sabi ko. "Miss Sab, mas masarap kaya ang matured na lalaki. Magagaling sa kama ang mga 'yan dahil marami nang karanasan. Baka kapag sinisid ka pogi, tirik ang mata mo. Sige ka. Tingin ko nga kay pogi ay ang yummy- yummy at ang galing niya.. Hahaha.." saka na naman ito nagtitili. "Tumigil ka nga, Gardo. Wala akong balak pumatol do'n kay Mang Totong noh. Atsaka ikaw ha, malay ko diyan sa mga pinagsasabi mong kama, wala pa akong karanasan diyan. Birjin as in birjin pa ako noh." nakahalukipkip kong sabi. "Really?! Oh my gosh. Hindi halata na birjin ka pa ha. Paano naman kasi, kung makasuot ka lagi ng damit.. super sexy at litaw ang iyong sexy figure. Kung hindi ko lang natanong ang mga staff mo sa shop ninyo kung ganyan ka na dati ay baka sabihin kong pinaretoke mo 'yang katawan mo. Ang laki kasi ng p***t at balakang mo, tapos ang liit pa ng bewang mo. Inggit kaya ako. Dream body ko 'yang katawan mo. Minsan nga magpalit tayo ng kaluluwa ng maranasan ko ding maging babae." "Huwag na, Gardo. Baka kung sino-sinong lalaki pa ang tikman mo. Pagbalik ko sa katawan ko, buntis na'ko.." tawanan kaming dalawa. "Naku magpapa-devirginize talaga ako kay pogi o 'di kaya sa anak ni Madam Sanders... Pero totoo wala ka pa talagang karanasan sa s*x? Sa ganda mong 'yan! Atsaka 'di ba dati may gwapo ka ring jowa. Ibig sabihin hindi mo man lang pinagbigyan ang mala k-pop na kagwapuhan ng jowa mo dati. 'Asan na pala 'yon?" "Wala na kami. Matagal na. Me and you against the world ang love story naming dalawa. Ayaw ng pamilya niya sa'kin. Nag give-way na ako dahil nagkasakit ang mga parents niya dahil sa relasyon namin. Na-guilty naman ako kaya ni-let go ko na lamang ang relationship namin. Well, ibig sabihin lang no'n na hindi talaga kami itinadhana para sa isa't isa. Saklap no." medyo nalungkot na naman ako sa sinapit ng love story ko dati. Pero ngayon ay kahit papaano ay naikukuwento ko na sa iba, 'di katulad noon. "Malay mo, Miss Sab. Si pogi pala ang forever mo." "'Yong babaerong 'yon. Tingnan mo nga, pumatol sa matanda at retoka--" Napatigil ako ng mapansin kong pinipigilan ni Gardo na mapabunghalit ng tawa. "Sabi ko na, crush mo si pogi eh. Kahit mag-deny ka pa. Huli ka na. Kasabihan nga ng matatanda, 'tulak ng bibig, kabig ng dibdib'," patuloy na pang-aasar nito sa akin. "Hay, naku. Hindi ko type si Mang Totong period." "Kahit sabihin ko pa sa'yong mukhang type ka rin ni pogi." panunudyo nito. "Weeeehh..." "Oo nga. Kanina nang bigla kang pumasok sa banyo ay hinanap ka niya pagkatapos niyang kausapin si Madam Sanders. Meron siyang binulong kay Madam pagkatapos ay nauna nang umalis si Madam. Naiwan si pogi na inaantay ka sa labas ng banyo. Paglabas ko ay nakabantay pa rin siya. Sama nga makatingin sa akin, nagseselos siguro. Baka akala niya straight ako... hahaha.. kaso biglang may lumapit na namang lalaki na naka-black suit at binulungan ito tapos umalis na sila. Pero bago siya umalis ay kinausap pa niya ako at sinabihan na huwag ka daw magselos kay Madam Sanders dahil ikaw naman daw talaga ang type niya." sabay tawa ni Gardo. "Peste! Walanghiya talaga ang lalaking 'yon. Lakas ng tama niya ha. Isasama pa niya ako sa listahan ng mga babae niya." "Hindi mo talaga siya type, Miss Sab?" paulit-ulit na tanong ni Gardo. "Hindi! H-i-n-d-i.." "Sabi mo yan ha. Tatandaan ko 'yan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD