Mang Totong 21

1295 Words
"S-sorry..." "Sorry!" "Magkakilala kayo?" ang namamanghang bulong ni Gardo sa akin ng sabay kaming magsalita na naman ni Mang Totong. Malagkit ang tingin nito kay Mang Totong. "Oo." Mahinang bulong ko dito. Bigla na naman ang pagbilis ng pintig ng puso ko ng makita si Mang Totong. Nakasuot ito ng black fitted cotton round neck shirt at faded jeans na tinernunan ng black and white shoes. Naka-bun na naman ng maayos ang buhok nito at mukhang bagong ligo kasi nanunuot sa ilong ko ang gamit nitong after shave. "Ooops, I'm so sorry sa inyong dalawa. Nasaktan ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Mang Totong. Nagpalinga linga muna ito bago tumingin ulit sa amin. "A-ahhh.. o-okay lang kami. 'Di ba Gardo, okay lang t-tayo?!" Peste! Nag-e-stammer na tuloy ako. "Sab, iyong sasakyan mo pala okay na. Pwede mo na iyong kunin sa warehouse bukas. Pero kung gusto mo pwede ko namang ihatid iyon sa--" Naputol ang sasabihin ni Mang Totong ng bumukas ang elevator malapit sa amin. Sabay pa kaming napatingin ng mula roon ay lumabas ang isang may-edad nang babae. Halatang aristokrata ito at sopistikada dahil kung maglakad ito ay animo reyna ito ng building. May nakasunod din dito na isang maskuladong lalaki na nakasuot ng ternong black suit. "An---" "U-uhm... I'm sorry na late ako," biglang naputol ang anumang sasabihin ng may-edad nang babae ng dali-dali itong nilapitan ni Mang Totong. Hindi man lang ito nagpaalam sa amin at basta nalang kaming iniwan ni Gardo. Halos manlaki pa ang mata ko nang hinalikan nito sa pisngi at may binulong bago inakbayan ang may-edad nang babae. Biglang nanikip ang dibdib ko sa nakita. Hindi ko na inantay pa na daanan nila kami basta kaagad na akong pumasok sa CR na nasa kanang bahagi lamang. Pagkapasok ay diretso ako sa cubicle at nagmamadaling umihi. Matapos makaihi ay parang nahimasmasan ako. Bakit ba ako umalis doon kanina nang lumapit si Mang Totong sa may-edad na babae. Baka isipin pa no'n na affected ako. Sabagay, umalis nga 'yon na hindi man lang nagpaalam sa amin eh. Basta na lang kaming iniwan. Bakit ba conscious ako kung ano ang iisipin niya? Peste! Relax! Kinalma ko muna ang aking sarili. Naisip ko lang, hindi naman tinawag na Mama, Mommy, o Tita ni Mang Totong ang may-edad na babae pero parang super close ang dalawa. Hindi kaya Sugar Mommy ni Mang Totong ang may-edad na babae. Tama! Kaya siguro nakarating ito ng US dahil may Sugar Mommy ito. Sa kaisipang iyon ay halo-halo na ang aking naramdaman. Peste! Parang may tumusok sa dibdib ko. Nagsese-- erase.. erase.. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. "Ba't ba 'ko affected sa mokong na 'yon eh hindi ko nga type ang mga matured na lalaki." Parang gusto kong batukan ang sarili ko habang mag-isang kinakausap ang aking sarili sa harap ng salamin. Paglabas ko ng banyo ay nag-aantay na sa akin si Gardo. "Sa stairs na lang tayo dumaan para mabawasan ang lungkot ko dahil hindi ako nanalo." Ang totoo gusto ko lang umiwas sumakay ng elevator dahil baka magsabay pa kami ulit ni Mang Totong kasama ang may-edad na babae na kasama nito kanina. Pagdating sa labas ay pumunta na kami sa parking area at pumasok sa sasakyan ni Gardo. Pinaandar na nito ang sasakyan at tumingin muna sa likod bago umatras para makalabas na kami sa parking. Blag! Biglang nagulat kaming dalawa ni Gardo ng bigla na lamang may lumagabog sa likod ng sasakyan nito. Maya-maya ay may lumabas na babae atsaka pinag-pu-pukpok ang likurang bahagi ng sasakyan ni Gardo. Kitang-kita ko sa rearview mirror ang isang maganda at napaka-seksing babae na dinuduro si Gardo na lumabas ng sasakyan. Kaagad namang lumabas si Gardo. Sumunod na rin ako. "You stup*d, bakit bigla na lamang susulpot 'yang kakarag-karag mong sasakyan dito sa parking area. Look what happened to my beautiful car. You ruined it. I will sue you.. both of you for ruining my car." Nagsisigaw na ang babae at kinuha ang kanyang cellphone. Meron itong tinawagan. "Don't call me stup*d dahil ikaw itong hindi marunong magmaneho. Nakalabas na ang likod ng sasakyan namin, ikaw nga itong bumangga sa amin. Sige idemanda mo kami, tingnan natin kung sino ang mapapahiya--" "Hello, babe! I'm here in the parking area. There are some stup*d people here.. t-they doesn't know how to drive properly---" "Okay, babe. I'll wait here in the parking." Saka nito pinatay ang cellphone. Hinarap kami nito at dinuro-duro. "Kayong dalawang i-s-t-u-p-i-d-o, just you wait here dahil sisguraduhin kong magbabayad kayo sa akin." Sa bugso ng galit ni Gardo ay hindi nito napigilang sipain ang gulong ng sasakyan ng babae. "How dare you-- you barbaric g*y!!!" Nagsisigaw na sabi ng babae atsaka nito pinaghahampas si Gardo. "Stup*d pala ha! Ito ang bagay sa sasakyan mo!" Pagkatapos sipain ay gigil na binali ni Gardo ang side-view mirror ng sasakyan ng babae. "Ooohhh.. noooooo..." Halos mabaliw na ang babae sa kakasigaw nang binali ni Gardo ang side-view mirror nito. "What's happening here?!" Isang pamilyar na boses ang bigla naming narinig na nagsalita. Napatigil kaming tatlo at sabay na lumingon sa lalaki. "Babe, look what happened to my car. These two stup---" Nagulat kami ng bigla na lamang hinawakan ng lalaki ang braso ng babae at hinila sa kabilang side ng parking at parang gigil na kinausap. Hindi namin sila naririnig pero base sa nakikita ko ay magkakilala, hindi lang 'ata basta magkakilala dahil tinawag na 'babe' ng babae ang bagong dating. Ilang minuto din silang nag-uusap. Hinaplos pa ng lalaki ang pisngi ng babae para pakalmahin ito. Kinulong naman ng babae ang mukha ng lalaki at siniil ng halik. Matapos ang ilang segundong halikan ay ang lalaki na ang kumalas sa babae at naglakad na pabalik sa amin. Nakita ko pang nakasimangot ang babae habang naiwang nakatayo lamang sa pwesto nito. "I'm so sorry if nagkagulo kayo. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa nangyari--" "Hindi pasensiya ang kailangan namin. Kailangan niyang pagbayaran ang moral damages ng pang-iinsulto niya sa amin ng kasama ko. Tawagin ba kaming stup*d. Ano tingin niya sa sarili niya, na siya na ang pinakamaganda at pinakaseksing babae dito eh halata namang retokada siya. Kung hindi siya marunong kamo mag-drive, mag-hire siya ng driver niya. Hindi iyong kasalanan niya ay ipapasa niya sa amin. Obvious naman na siya ang nakabangga sa amin kung pagbabasehan ang tama ng sasakyan niya sa sasakyan ko. At kung may cctv man dito, pwede nating ipa-check para magkaalaman na." Mahabang litanya ni Gardo at kahit nasa malayo ang babae ay tinuturo ito ni Gardo. "I'm really sorry. Okay, ganito na lang ang gawin natin. Iwan niyo na lamang ang sasakyan ninyo dito at kakausapin ko ang kaibigan ko na siya na ang magpapaayos ng inyong sasakyan tutal siya naman ang nakabangga sa inyo. You can leave your contact with me para ako na ang tatawag sa inyo kapag ayos na 'to." Paliwanag nito sa amin ni Gardo. "Paano naman kami makakauwi kung iiwan namin ang sasakyan ko dito?" tanong ni Gardo. "I will drop both of you--" "Halika ka na, Gardo. Uwi na tayo. Ito pa ring kotse mo ang gagamitin natin. Ako na ang bahalang magpa-ayos nito." Mabilis akong pumasok sa sasakyan ni Gardo. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Basta, I swear.. I hate this day. "M-miss Sab--- oy!" Wala nang nagawa pa si Gardo kundi ang bumalik na lamang sa driver's seat. "Sure na 'yan ha. Ikaw ang magpapaayos ha?" paniniguro ni Gardo at tumingin sa akin. Tumango lang ako atsaka nagsuot ng seatbelt. "Okay sige, ikaw ang bahala." Ini-start na nito ang sasakyan ulit. Tok! Tok! Pagtingin ko sa bintana ay kumakatok doon ang lalaki. "Sab.. Sab.." Hindi ko na lamang pinansin ang lalaki hanggang sa makaalis na kami sa lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD