Linggo
2th Floor S&S Tower Building
Timog Avenue, Quezon City
Bitbit ang aking laptop at mga papers para sa proposal sa ginawa kong designs para sa bidding ay pumasok na ako sa building na sinabi sa akin ni Gardo. Andoon na ito sa loob dahil mas maaga dapat ang mga members ng organization. Alas diyes ng umaga mag-uumpisa ang bidding at 9:22am pa lamang sa aking relo. Sa sobrang excitement ko nga ay halos hindi na ako makatulog kagabi pa lamang. Ilang araw ko na ring na-ready ang mga designs na ipapakita ko.
Nasabihan na ako ni Gardo na kapag nakarating na ako sa building ay hindi na niya ako maaasikaso nito kasi busy na siya. Doon na lamang kami magkita sa venue.
Pagdating sa reception ay tinanong ako kung saan ako pupunta. Pinakita ko naman ang invitation letter na in-email sa akin tanda na isa ako sa mga kasali sa bidding. Hindi kasi sila basta nagpapasok lamang. Tanging ang mga taong nakakatanggap ng letter at nag-oorganize ang allowed sa convention room.
Matapos ma-confirmed ng receptionist ang letter na pinakita ko ay tinuro na nito sa akin ang elevator para sa 2nd floor kung saan gaganapin ang bidding. Nang makarating sa 2nd floor ay tinry kong tawagan ulit si Gardo kung sasagot ito tutal 9:31am pa lang. Mabuti naman at pagtawag ko ay sumagot na ito. Nagkita kaming dalawa sa venue at kaagad niya akong pinakilala sa iba din niyang co-members.
Ilang minuto din kaming nag-usap ni Gardo bago ihatid sa harapan na may mahabang mesa at may mga upuan na para pala sa sasali sa bidding. Bali 8 kaming kasali sa bidding. Pang-anim ako na magpe-present. Medyo kinakabahan na ako dahil pansin kong ako lang 'ata ang babaeng kasali, the rest ay halatang mga half-half na kasi naman ang suot ng mga ito ay pambabae kahit naman ang totoo ay lalaki sila.
Liban sa walong upuan na para sa amin ay mayroon pang 3 na nasa dulo ng mesa na may nakalagay na VIP. Siguro para iyon sa president ng organization at board of directors. Ang mga members naman katulad nila Gardo ay nakaupo mga harapan namin. Kumbaga parang audience lang sila. Sa kabilang side naman ng mahabang mesa ay mayroon malaking screen kung saan doon kami magpe-present ng aming proposals.
Ngayon lang tuloy nag-sink in sa utak ko na parang sosyalin naman itong bidding na 'to. Akala ko talaga sa totoo lang ay cheapipay ang sasalihan kong bidding kasi ang alam ko lang na pageant at 'yong prestigous na nakikita sa TV. Ayan, lumabas na naman ang pagiging judgmental ko. Mabuti na lamang talaga kahit na judgmental ako ay lagi naman akong nag-eeffort sa mga gawa ko. Lagi akong ready at 100% na pinag-iisipan ang aking mga designs.
Bago mag-10:00am ay dumating na ang mga VIP's. Tama nga ako ng hula na ang upuan ay para sa President, Vice President at sa Financer ng organization. Nagulat lamang ako sa Financer dahil sobrang bata pa ng babae, parang mas bata pa nga ito sa akin at napaka-simple, yong tipong pang-secretary ang dating. Siguro nakapag-asawa ng mayamang businessman at hilig nito ang pageant kaya pumayag na mag-finance. Ipinilig ko na ang aking ulo, nagiging judmental na naman ako. Ito talaga ang isa sa masama kong ugali.
Saktong 10:00am ay nagsimula na ang bidding. Kaunting program at ipinakilala na ang mga VIP's. Medyo napahiya ako ng marinig na representative lang pala ang babae ng Financer. Dumating na daw ang kanilang Financer kanina pa kaso sumama ang pakiramdam kaya nagpahinga lang muna sa 8th floor kasi naroon ang office ng anak nito. Mamaya ay bababa din ito kapag okay na ang pakiramdam. Humihingi nga ito ng paumanhin dahil sa nangyari. Ayaw naman nitong maantala ang program kaya kahit na wala siya ay the show must go on 'ika nga.
Paisa-isa na kaming tinatawag para mag-present ng aming mga proposal. Nagulat ako ng ang unang nag-present ay nagpakita ng kanyang mga designs.
Peste! Bakit ganoon?
Hindi lamang kasi swimsuit ang prinesent nito kundi mayroong casual dress, swimsuit at sapatos. Ang kasunod dito ay ganoon din. Peste talaga. Bakit hindi ako nasabihan ni Gardo na hindi lamang swimsuit ang kailangang epe-present. Tiningnan ko ng masama si Gardo na nakaupo sa aming harapan. Nakatingin din ito sa akin na parang sinasabing hindi din nito alam na hindi lang pala swimsuit ang kailangang gawan ng design. Nakita ko namang parang totoo nga na wala itong alam kaya naman kinalma ko na lamang ang aking sarili. Siguro ay mayroong naiinggit dito kay Gardo at hindi sinabi ang buong detalye tungkol sa bidding kaya swimsuit lang ang sinabi nito sa akin. Bahala na mamaya. Gagawan ko na lamang ng paraan kung paano ko mape-present ng maayos ang aking mga designs kahit walang dress at sapatos.
Noong tinawag na ang pangalan ko para mag-present ay tumayo na ako at naglakad papunta sa malaking LED screen. Dala ang aking laptop ay may tumulong sa akin na isang staff para ikabit ang ilang wires para makita nila ang aking presentation. Mabuti na lamang mabusisi ako sa ganito. Liban sa aking presentation ay may printed materials din ako at binigay ko iyon sa mga VIP's para mayroon silang hard copy.
Huminga na ako ng malalim at nag-concentrate.
Nagpakilala muna ako sa lahat bago ko ipinakilala ang aming shop. Nakuha ko ang lahat ng atensiyon ng pinakita ko na ang aking designs sa powerpoint presentation. Ang ibang nagpe-present kanina ay tumaas ang kilay pero pansin kong ang mga members ng organization na nakaupo katabi ni Gardo ay manghang-mangha sa aking mga swimsuit designs.
Nang matapos ko na ang aking presentation ay nagtanong ang Vice President kung bakit swimsuit lamang ang pinakita ko at walang casual wear at sapatos. Sinabi ko naman ang totoo na si Gardo ang nag-inform sa akin na mayroon ngang bidding at swimsuit lamang ang sinabi nito sa akin. Sinabi ko din na kung gusto nila ng casual wear ay mayroon naman akong sketches pero nasa shop ko iyon. Hindi ko pa nagagawan ng powerpoint pesentation. Tungkol naman sa sapatos ay hindi talaga ako marunong magdesign no'n kasi damit ang hilig ko. Pinaupo na ako ng Vice President ng marinig ang aking paliwanag.
Nang matapos nang mag-present ang lahat ay nagkaroon muna ng 15 minutes break. Kahit na kanina pa ako naiihi sa kaba ay hindi na ako nagbanyo pa. Aantayin ko na lamang ang result mamaya kung sino ang napili ng mga VIP's na mag-sponsor ng kanilang pageant. Kaagad naman akong nilapitan ni Gardo at nag-sorry ito sa akin. Kahit ito ay hindi nga alam na may casual at sapatos pang presentation kasi noong nag meeting daw sila ay swimsuit lang naman ang sinabi sa kanila ng kanilang President na kung may kakilala silang magaling magdesign at pwedeng mag-sponsor ay pwede nilang sabihan na magpasa ng proposal nga. Hindi ko na ito sinisi kasi kung nagkataon pala na nalaman ko na may casual at sapatos ay baka hindi ako sumali. Nagpasalamat na din ako dito kasi kahit papaano ay nagkaroon ako ng experience sa pag-present ng proposal. First time ko sa ganitong mga event kaya bagong experience din ito sa akin. Nadagdagan ang confidence ko.
Pagkatapos ng 15 minutes break ay bumalik na ang lahat sa loob ng room. Tumayo ang President sa kanyang upuan at in-announce na ang nanalo para mag-sponsor sa kanila.
"Maraming salamat sa lahat ng dumalo at sumali sa bidding at nag-submit ng kanilang mga proposals. Out of 100s na nag-email sa amin, kayong walo ang may pinaka-magagandang designs. We are really glad na gusto niyong mag-sponsor sa aming pageant. So, without further ado, ang napili namin ay walang iba kundi ang design ni--- Jobert Asuncion from Jobert's Design Clothing Boutique." palakpakan ang lahat ng in-announce na ang nanalo.
Tumayo naman ang nanalo at kumaway na sa lahat. Expected ko nang wala akong laban sa ibang kalahok dahil first time ko pa lamang sumali pero iba pala talaga ang iyong mararamdaman kapag natalo ka. Aaminin kong sumama ang loob ko dahil todo effort ako at kung designs lang naman ang pag-uusapan, 'di hamak naman na maganda talaga ang designs ko sa lahat ng naroon kahit swimsuit lang ang pinakita ko.
Nilapitan naman ako ni Gardo at nanggagalaiti ito dahil feeling nito ay sinabotahe ito ng kanyang mga kasamahan. Nagi-guilty ito kasi maling info daw ang nasabi niya sa akin. Sinabihan ko ito na okay lang, charge to exprience na lamang.
Para makabawi ay ito na lamang daw ang maghahatid sa akin sa bahay. Pumayag na ako dahil hindi ko pa nakukuha ang sasakyan ko sa warehouse. Mahal din ang mag-taxi tapos hindi pa ako nanalo.
"Sige, Gardo, ihatid mo na ako. Pero daan muna tayo sa CR ha kasi kanina pa ako naiihi." Aya ko dito.
"Sige ako din. Dito tayo dahil dito ang CR."
Iginiya ako nito sa pakanan sa isang pasilyo.
Saktong pagliko namin ni Gardo ay may bumangga sa aming dalawa.
"D*mn! What th---"
"Mang Totong!"
"Sab?!"