Mang Totong 19

1472 Words
"Good morning, Son. Ang aga mo 'ata ngayon kahit na mag-uumaga ka nang umuwi. Where have you been last night?" Humalik muna ako sa pisngi ni Mama bago umupo sa tabi nito. Nagtaka siguro kung bakit sumabay ako sa breakfast na ganito kaaga. Ang usual ko kasing gising ay 9 or 10am. Si Mama naman ay nagbe-breakfast na alas siyete pa lang ng umaga. "At a friend's house. Medyo nagkayayaan lang, Ma." Sumandok na rin ako ng kanin at ulam sa mesa. "Oh, you seem alive. Mukhang may bago kang bibiktimahin at ganado kang gumising ng maaga. Son, I want to make this clear. Ayusin mo muna ang buhay mo bago ka mambiktima ng mga babae. You don't know what will happen in the future kapag natagpuan mo na ulit ang babaeng iibigin mo. Always remember that karma is just around. Baka kung kailan nagmahal kana ulit na ay saka ka sisingilin ng mga pinaggagawa mo noon, kaya habang maaga pa.. huwag kang manloko dito." Si Mama talaga. Umagang-umaga gustong siraan kaagad ang mood ko. Ang galing niya talaga. Naamoy niyang mukha nga akong may gagawin na kalokohan. "Ma, I'm a good son. Wala akong gagawing kabulastugan kaya ipanatag mo ang iyong loob at huwag ka nang mag-isip ng negative. Don't stress yourself at baka magka-wrinkles ka niyan. Mababawasan ang youthful glow niyo Ma. And, one more thing, Ma, nanganak na pala ang asawa ni Lito. Baka gusto niyong dalawin ang asawa niya sa ospital para makita ang anak nila. I know how you love kids. You also consider Lito as your son kaya alam kong matutuwa ka kapag nakita mo ang anak nila." Pag-iiba ko nang usapan. "I hate you, Son. Kayong dalawa ng kapatid mo. See, naunahan pa kayo ni Lito. Lito was younger than both of you pero may anak na. Kayong dalawa ng kapatid mo did not even bother to produce an heir or an heiress dito sa ating palasyo. Sayang lamang ang ating genes. Sa kapatid mo na lamang ako umaasa na bigyan ako ng matinong apo dahil sa'yo ay malamang malabo. Kung kani-kanino ka pa pumapatol. Baka naman hindi natin alam ay may nabuntis ka na pala sa mga babae mo before. Make sure na wala kang may nabuntis na ibang babae." Pagbabanta pa ni Mama. "I'm 101% sure na wala pa akong nabubuntis ni isa sa kanila, Ma." "Well, that's good. I hope so. Okay, mamaya ay dadalawin ko si Lito at ang asawa nito sa ospital. Umuwi ka mamaya ha at huwag kang makikitulog kung kani-kanino. I know that you're with a sl*t last night. Malakas ang pang-amoy ko, Son." "Okay! Okay! Uuwi ako mamaya, Ma." Sinabi ko na lamang ito kay Mama para matapos na ito sa kakasermun sa akin. Matapos kumain ay pumunta muna ako saglit sa aming mini-library at tinawagan si Lito. Inabisuhan ko na ito na baka puntahan siya ni Mama para makita ang anak nito. Binigyan ko na muna ito ng indifinite leave para makapiling nito ang asawa at anak. "Thank you po talaga, Sir. Ah, Sir, pupunta pala ngayong araw ang bagong tao para pumalit kay Mang Totong sa warehouse sabi sa akin ng secretary." Imporma sa akin ni Lito. "Ah ganoon bah. I'll handle it, Lito. Ako na ang bahala sa bagong staff. Mag-relax ka lang at alagaan mo muna ang pamilya mo. 'Bye." paalam ko dito. Bago umalis ng bahay ay tinawagan ko muna ang secretary para bilinan dito na gawing reliever ang bagong hire na security. Siya na ang mag-brief ng aming company policy. Saka ko na ito kakausapin kapag may time na ako. Sa ngayon ay gusto kong ako muna ang papalit kay Mang Totong sa pagduty sa warehouse. Alam kong hindi araw-araw pumupunta sa warehouse ang babaeng nakilala ko kahapon dahil noong chineck ko ang logbook ay pangalawang beses pa lamang itong bumisita. Ibig sabihin ay bagong customer ito nina Mr. Chin. Malakas ang kutob ko na mapapadalas na ang punta doon ng babae kaya sa ngayon ay mas mabuting gampanan ko muna ang pagiging security guard doon. Sa naisip ay napangisi na naman ulit ako. Kaninang umaga ko lamang ito naisipan habang pauwi ako. Pagkatapos ng mainit naming pagniniig ni Trish ay napagtanto kong hindi nito kayang punan ang init na nararamdaman ko sa katawan. Ibang babae ang hinahanap ko. Hindi ako mapakali hangga't hindi ko natitikman ang babae kahapon. Aalamin ko muna kung may boyfriend ito. Kung meron, baka magbago ang plano ko at hayaan na lamang ito pero kung saka-sakali na wala itong boyfriend ay hindi ko ito titigilan hangga't hindi ko natitikman. Baka kapag natikman ko na ito ay kusa nang mawawala ang pagnanasa ko dito at mabaling na sa iba. Paiibigin ko lamang ito at kapag nagsawa na ako ay saka ko na ito iiwanan. Women wearing sexy clothes and flaunting their bodies are not decent. I mean.. not all, but I know that Sab is one of them. Kaya I shouldn't feel guilty if lolokohin ko lamang siya 'coz she's not pure and innocent. ***************** Ilang araw matapos kong makilala si Mang Totong ay parang gusto ko na namang bumalik sa warehouse nina Mr. Chin para makita lamang ito. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nito sa akin pero kinikilig ako kapag sumasagi sa isip ko ang mukha niya. Lalo na noong sinampal ko ito at hipan sa pisngi. Naalala ko ang aking sasakyan na iniwanan ko doon, iyon sana ang irarason ko kaso nahiya ako. Peste! Mukhang nagkaka-crush na 'ata sa matured na lalaking 'yon. “Sabrina, napapansin ko parang laging wala ka sarili nitong mga nakaraang araw. May problema ka ba dito sa shop?” tanong sa akin ni Aling Tinay. Malapit nang magsiuwian ang mga tao sa shop dahil hapon na. Dumadaan talaga si Alin Tinay sa office para magpaalam bago umalis. “Wala po, Aling Tinay. Nag-iisip lang po ng mga bagong designs para lalong makilala itong shop natin,” pagsisinungaling ko. Ayokong sabihin dito na lalaki ang gumugulo sa isip ko dahil baka kantiyawan ako nito. Nakapagbitiw kasi ako dati na hindi na ako iibig sa lalaki matapos nang nangyari sa amin ni Chris- ang huli kong ex-boyfriend. Ang sabi ko pa dito ay mag-a-adopt na lamang ako ng pamangkin ng isa sa mga malalayo naming kamag-anak sa side ni Mama o ni Papa kapag lumampas na ako ng 30 para naman may maituturing din akong anak. “Naku, baka gusto mong sumali sa bidding. Iyong suki natin na si Gardo, ‘yong laging nagpapatahi sa atin ng PE uniform sa school diyan sa Mabuhay National High School. Member din pala siya ng isang pageant organization ba ‘yon— nakalimutan ko na kung anong organization ba ‘yon. Basta ang sabi niya, naghahanap daw sila ng sponsor sa swimsuit competition. Hindi naman prestigious ang kanilang pageant pero advantage daw sa atin iyon kapag nag-sponsor tayo kasi ia-advertise ba ‘yon—promote pala nila sa kanilang mga social media account lahat ng sponsor nila. Hindi naman daw tayo lugi kasi ini-screen naman nila ang kanilang mga contestant kaya may limit lamang. Mga siguro sampung pares- sampung babae atsaka sampung lalaki. So, sampung swimsuit para sa mga babae at sampung swimming trunks or board shorts naman para sa mga lalaki. Oh, ano.. gusto mo?” mahabang paliwanag ni Aling Tinay sa akin. “Aling Tinay may number ba kayo ni Gardo— bakit hindi niya ako kinakausap tungkol diyan. Willing akong mag-sponsor. Konti lang naman pala ang contestants nila. Kapag tayo ang nakuhang sponsor nila, ibig sabihin maganda ang design at quality ng mga products natin.” Bigla akong nagka-interes sa sinabi ni Aling Tinay. “Alam mo nakita kasi ni Gardo ang mga design mo sa ating showroom. Nagandahan siya kaya sinabihan niya ako. Hindi naman kayo laging nagkikita kasi maaga siyang pumupunta dito. Ikaw naman tanghali na dumarating kasi alam kong puyat ka sa pagdedesign.” may excitement na sa boses ni Aling Tinay. “Wala naman tayong tinahi na swimsuit na gawa ko. Meron akong mga sample design na drawing lang nama—don’t tell me Aling Tinay na nagustuhan niya ang mga drawings na nilagay sa showroom.” Oh my gosh! May nagkagusto sa mga gawa ko kahit na drawing lamang iyon. Mahilig talaga kasi akong mag-sketch kaya minsan kapag gustong-gusto ko ang outcome ay pini-print ko ito o ‘di kaya pinapa-frame at nilalagay lang sa aming showroom. “Napaka-talented mo nga daw eh. Sabi niya niya very elegant daw ng mga design mo. Hindi iyong parang cheapipay at malaswang tingnan.” Proud na sabi ni Aling Tinay. Pati ako ay nakaramdam din ng pagmamalaki dahil may ibang tao na naka-appreciate ng gawa ko. Saglit kong nakalimutan ang tungkol kay Mang Totong. Baka ito na ang inaantay kong big break. Ang makilala sa mundo ng fashion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD