Mang Totong 24

1282 Words
"C-chris?!" "Akala ko kanina ay nananaginip lang ako ng marinig ko ang boses mo. I miss you so much, Sab.. I still love you!" dama ko na mahal pa rin niya ako. Lumapit ito sa akin pero pinigilan ko ito. "Good to see you here. It's been a long time na hindi tayo nagkita." pinapakiramdaman ko ang aking sarili kung meron pa ba akong pag-ibig sa lalaking 'to. Wala na. Hindi na kumakabog ang dibdib ko habang nakatingin ako sa kanya. Hindi na bumibilis ang t***k ng puso ko. Wala na ang spark at pagka-miss ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Confirmed- nakamove on na nga 'ko. "Ikaw ang ayaw akong makita, Sab. Hindi mo ipinaglaban ang pagmamahalan natin." Totoo naman ang sinabi nito. Sa part na 'yon ay guilty ako. "That's true, Chris, duwag ako. Hindi ko nga pinaglaban ang pagmamahalan natin noon. And, siguro kahit tanungin mo pa ako ngayon, gano'n pa rin ang magiging sagot ko. I will still choose to break-up with you." "But why, Sab?! We love each other." pagsusumamo nito. "Ngayon ko na-realize na love is simple. But, at the same time very complicated, Chris. Simple in a sense na I fell in-love with you before and that was it. Dumarating din minsan na nagiging complicated na siya dahil bawat isa sa atin ay iba-iba ang approach kung paano natin iso-solve kapag may problema tayo sa pag-ibig. You know, I thought before that if two people love each other, okay na ang lahat. Na magiging masaya ang dalawang tao na nagmamahalan. But I was wrong, our love was the perfect example of that. Dati, kapag may kakilala akong mag-jowa na nagbe-break kahit na mahal nila ang isa't isa ay nagtataka ako kung bakit pinili nilang maghiwalay or isa sa kanila ang nag-give up pero now I know why. Maybe for you or for other people, napaka-babaw ng reason kung bakit hiniwalayan kita dahil ayaw sa akin ng parents mo. Pero hindi niyo lang alam kung gaano kasakit para sa akin na ayawan ka ng magulang ng taong mahal mo at ikaw ang dahilan kapag may nangyaring masama sa kanila. Akala ko nga very cliche na sa pelikula lang nangyayari na ayaw ng magulang sa mahal ng anak nila pero nangyayari pala talaga 'yon sa totoong buhay. Maybe if other girls would be in my situation, they would choose love over family. Pero I'm different. I'd rather sacrifice my happiness than seeing someone's family crumble because of love. I may look life a tough girl pero aaminin ko na I have a softer side when it comes to family matters. And that's my weakness, Chris. Sana naman ay matanggap mo na rin sa sarili mo na hindi ako ang babaeng para sa'yo. Ngayon na nagkita ulit tayo at nasabi ko na sa'yo ang matagal ko nang kinikimkim, I felt relieved. Salamat sa pagmamahal... Just move on, Chris, we're already over! Mahalin mo na lamang ang babaeng gusto ng mga magulang mo para sa'yo dahil para na rin 'yon sa kapakanan mo." Ngayon na sinasabi ko na ang mga bagay na 'to kay Chris ay parang kay gaan ng loob ko. Malungkot ako sa kinahinatnan ng pag-iibigan namin pero napagtanto kong hindi nga si Chris ang lalaking para sa akin. "No, Sab!" Galit na sabi ni Chris sabay hawak sa braso ko. "Makikipaghiwalay ako kay Jenna dahil hindi ko siya mahal. I'm sure na matatanggap ka rin--" "Sinasabi ko na nga ba. Walanghiya ka, Chris. Even after all these years, siya pa rin ang mahal mo. Manloloko ka." nagulat kami ng bigla na lamang dumating ang babaeng ipinagkasundo ng mga magulang ni Chris para sa kanya. Pinagsasampal nito si Chris at hindi ko rin napaghandaan ang sunod nitong ginawa. Pak! Biglang bumiling ang mukha ko ng dumapo ang isang sampal sa aking pisngi. "Malandi kang babae ka. Hindi mo ba alam na malapit na kaming ikasal ni Chris tapos ngayon ay magpapakita ka sa kanya. Para ano! Para agawin siya---" Pak! Pak! Natigil ito sa kakasigaw ng mag-asawang sampal ang ginawad ko sa pisngi niya. "Hoy, babaeng singkit. Kung hindi lang ganito ang suot ko ngayon, talagang paduduguin ko 'yang bunganga mo. Huwag kang assuming na aagawin ko sa'yo si Chris dahil kung gugustuhin ko lamang ay talagang ako ang pipiliin niya. Pero dahil iniisip ko pa rin ang pamilya niya kaya nga ipinapaubaya ko na siya sa'yo." "Sinungaling! Ang sabihin mo, plano mong agawin sa akin si Chris!" Kasabay noon ay bigla na naman ako nitong sinugod. Pero bago pa ako nito maabot ulit ay pumagitna na si Chris. Sa kakasalag ni Chris sa mga hampas at sampal ng babae ay bigla niya itong natabig. "Huwag mong sasaktan si Sab!" Galit na sigaw ni Chris. Nagulat ang lahat ng naroon dahil natumba ang babae. "Ouch! I hate you, Chris. Kahit na piliin mo 'yang babaeng 'yan hindi pa rin ako makikipaghiwalay sa'yo." Sigaw nito na pilit tumayo. Tinulungan ito ng kasama din nitong isang maliit na babae, baka ito ang Mommy niya dahil narinig ko kaninang susunduin niya ito sa baba. "Jenna, enough of this. I didn't know na hindi ka pala mahal ni Chris. Kung alam ko lang na iba ang mahal ni Chris, sana hindi na kami pumayag na ipagkasundo kayo. You're life will be miserable kung hindi ka niya mahal--" "No, Mommy! Mahal ko si Chris at hindi ko kayang mawala siya sa akin." At nagsimula nang humagulgol ang babae. Maya-maya ay nagulat kami ng bigla na lamang itong tumili. "Oh my God, M-mommy! B-bakit may dugo sa binti ko?" Nangangatal na sabi ng babae. Nahindik kami ng makita nga naming may umaagos na dugo sa binti nito. Siguro dahil na rin sa takot ng babae ay hinimatay ito. "Chris, dalhin mo sa ospital ang nobya mo." Untag ko kay Chris dahil bigla itong namutla. Kaagad namang dinaluhan ni Chris ang hinimatay na babae. Pak! Isang matinding sampal ang inabot nito sa Mommy ng babae ng makalapit ito sa babae. Hindi naman pumalag si Chris dahil guilty ito. Ito ang may kasalanan kung bakit nangyari ito ngayon sa nobya. "Kapag may nangyaring masama sa anak ko, tandaan mo 'to Chris. Magbabayad ka sa amin." Humarap ang maliit na babae sa akin at dinuro ako. "Ikaw din babae, kasalanan ninyong dalawa ni Chris ang lahat ng 'to. Kapag may nangyaring masama sa anak ko ay isusumpa kita." Kasabay noon ay sumunod na ito kay Chris na buhat ang walang malay na babae palabas ng restaurant. Bigla akong nanlumo sa nangyari. Bakit lagi na lamang ako nasisisi? Ako na nga ang nagparaya ako pa ang may kasalanan. Sa sobrang sama ng loob ay naiyak na lamang ako sa table na pina-reserve ni Mrs. Agatha. Hindi ko alintana ang tingin ng ibang customer sa loob ng restaurant. Siguro naman ay nakita nila ang nangyari at alam nilang hindi ako may kasalanan. Walang namang may gusto ng ganoong pangyayari. Sumisinghot pa ako ng may marinig akong boses ng isang babae. "Love is pain, right?" Inangat ko ang aking paningin sa taong nakatayo sa aking harapan. Hindi ako nakapagsalita ng mapagsino ang babae. Umawang pa nga 'ata ang labi ko sa shock. "I believe you're Miss Sabrina Escueta. By the way, I'm Mrs. Agatha Soliman-Sanders." Inilahad ng kaharap ko ang kanyang kamay para makipag shake hands. Hindi pa rin bumabalik sa wisyo ang aking katinuan. Hindi ko alam kung totoo ba ang nangyayari ngayon or isang joke. Masakit na nga ang loob ko dahil sa nangyari sa nobya ni Chris tapos dumagdag pa 'to dahil ang ka-meeting ko ngayon ay walang iba kundi ang sugar mommy ni Mang Totong. Si Madam Sanders at Mrs. Agatha Soliman-Sanders ay iisa. Peste!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD