Ilang segundo lang akong nakatunganga sa aking kausap ng tumawa ito.
"Maybe you're still shock sa nangyari awhile ago or maybe... dahil sa hitsura ko. I know that people always gets intimidated sa tuwing nakakaharap ako kaya nga minsan parang gusto ko nang ipabago ang mukha ko." Atsaka tumawa ang kaharap. Pati pagtawa nito ay sosyalin din.
Bigla akong natauhan.
"Oh, I'm so sorry, Mrs. Agatha, if nawala ako sa sarili ko." Tumayo ako at inabot ang kamay nito. So what kung sugar mommy 'to ni Mang Totong. Mukhang man itong istrikta at intimidating ang dating ay himalang magaan ang loob ko dito. Atsaka professional ako kaya dapat lang na labas ang personal feelings pagdating sa business. Business is business 'ika nga.
Teka bakit nasama ang personal feelings? Business lang dapat, period.
"Nice meeting you, Ma'am. Pasensiya na po kayo kung naabutan niyo akong umiiyak. Nakakahiya naman." Ngumiti ako dito.
"No need to explain yourself dahil kanina pa ako dito at nakita ko ang buong pangyayari. I think hindi naman bobo ang mga tao dito at alam nila na hindi mo kasalanan ang nangyari. As a matter of fact, I really applaud your braveness na ipaubaya sa ibang tao ang iyong mahal dahil lamang sa magulang nito. Let's have a seat first." Nauna na itong naupo kaya naupo na din ako.
Mabilis namang lumapit sa amin ang waiter at kinuha ang aming order. Nang umalis na ang waiter ay nagpatuloy na si Mrs. Agatha.
"You know, Sabrina, I like you. Kung 'andito lang sana ang isa kong anak, irereto kita sa kanya. He's workaholic and matandang binata na siya. Wala nga akong may naririnig na girlfriends, flings or whatsoever do'n sa anak ko na 'yon. Okay lang sana sa akin kung inamin niyang he's g*y para hindi na ako umasa, but I know na he's not. Sayang naman kasi ang aming lahi. Kaya lang ay nawawala siya ngayon at hindi namin alam kung nasaan na ito. I'm sure na kapag ipinakilala kita sa kanya ay magugustuhan ka rin niya. He has a twin brother na pinakiusapan ko munang umuwi dahil walang may magma-manage ng mga businesses namin dito. But, let's not talk about him dahil committed na siya sa iba. Masyadong complicated ang lovelife no'n at baka paglaruan ka lang. I hope that he straighten up at ayusin muna ang sarili niya." Akala ko ay business ay pag-uusapan namin pero bakit napunta sa love na naman.
Habang patuloy kaming nag-uusap ni Mrs. Agatha ay hindi ko maiwasang mapahanga sa kanya. She's charming pala sa kabila ng kanyang mataray na mukha. Totoo nga ang sabi nito na intimidating ito, siguro dahil prangka lang itong magsalita.
Matapos ang aming personal meeting ay gusto pa sana akong ipahatid ni Mrs. Agatha sa kanyang driver pero nahiya na ako. Kahit ilang beses nitong sinabi na gusto niya ako lalo na para sa anak niya ay nangingiti na lamang ako. Ngayon pa nga lang kami nagkakilala tapos papayag kaagad akong magpahatid, baka mam'ya tinitest lang pala ako ni Mrs. Agatha. Sa susunod na lang.
Nagbabantay na ako ng taxi sa baba ng isang black Lamborghini ang tumigil sa harap ko. Wow! Mayaman siguro ang may-ari nito.
Dahil baka mamaya mapagkamalan akong callgirl ay umusog ako ng kaunti para mapalayo sa sasakyan.
Sumunod pa rin ang sasakyan sa akin. Iba na ang kutob ko dito. Kapag umusog pa ulit ako at sumunod sa akin 'to babatuhin ko talaga ang sasakyan nito.
Akmang uusog ulit ako ng bumukas ang driver's seat at lumabas ang lalaking ilang gabi na ring laman ng panaginip ko.
"Sab, what a coincidence. I thought namamalikmata lang ako kanina kaya sinundan talaga kita. You look.. uhm.. awesome. You're so d*mn hot in that dress. Kahit ano pa 'ata ang isuot mo, bagay sa'yo." Papuri ni Mang Totong na sobrang lagkit ang tingin sa akin.
Bigla naman akong namula sa papuri nito. Buti nga at ito ang naunang nagsalita dahil kahit ako ay na-startruck din sa kanyang suot. Naka black suit ito at very neat ang pagkaka-bun sa kanyang buhok. Amoy ko ang mamahaling pabango nito. Sino ang mag-aakalang security guard ito sa isang warehouse sa San Mateo.
He exudes an aura full of authority and confidence.
"B-bakit mo naman ako sinusundan?" Kunyari ay tinarayan ko siya para maitago ang kabang aking nadarama. Peste! Bakit ba lagi kaming nagkikita nito. Iniwasan ko na nga siyang makita ng ilang araw dahil gabi-gabi na ako nitong hindi pinapatulog.
"Eh kasi, I told you before na maayos na ang sasaktan mo but hindi ka pa rin pumupunta ng warehouse para kunin 'yon. Gusto ko na ngang ihatid ang sasakyan mo sa bahay ninyo kaso baka magalit ka."
"Eh ano naman ngayon kung hindi ko pa kinukuha do'n. Hindi mo na problema 'yon."
"Because I want to see you. I mean.. I miss you!"
Hindi ako makapagsalita. Tama ba ang narinig ko. Hindi ko na tuloy alam kong ano ang isasagot ko.
Ito talaga si Mang Totong pa-fall din eh. Ako naman si g*g*, kahit alam kong may sugar mommy at retokadang babae itong nakahalikan ay hindi rin maiwasang kiligin. Peste! Saglit kong nakalimutan tuloy ang sama ng loob dito.
Nang makabawi ako sa pagkabigla nasabi ko tuloy sa kanya ang sama ng loob ko.
"Miss you, miss you, ka pang nalalaman eh may sugar mommy ka naman. Tapos kahalikan mo pa nga iyong babaeng bumangga sa sasakyan ng kaibigan ko! Hmp!"
"Wait.. are jealous?"
"Whaaaat?! Meee?! B-bakit naman ako magseselos?" halos umusok ang ilong ko sa sinabi nito. Peste! Ang lakas talaga ng tama ng lalaking 'to. Hampasin ko kaya 'to ng dala kong purse ng matauhan.
"Yes, you are! Siguro type mo ako kaya ka nagseselos. Don't deny it dahil type din naman kita."
Wow ha, ang kapal ha!
"Okay, thank you so much dahil type mo pala ako-- pero no way highway. Hindi ako pumapatol sa lalaking may sugar mommy na, may kalandiang retokadang babae pa. Hindi kita kayang bigyan ng Lamborghini!" gigil na sabi ko dito.
"Who told you na may sugar mommy ako?" kita ko ang kalituhan sa mukha nito.
"Ah, basta."
"If you mean the lady that you saw in the elevator, she's my-- she's..."
"Sugar Mommy!"
"Sab, no it's not."
"Eh, kung hindi mo siya sugar mommy. Ano? Mommy mo siya? Are you joking? So, bakit ka nagtatrabaho sa warehouse? Trip mo lang. Well, that means you're a liar."
"It's difficult to explain, but--"
I feel it comin', I feel it comin', babe
I feel it comin', I feel it comin', babe
I feel it comin', I feel it comin', babe
Biglang natigil ito sa pagsasalita ng tumunog ang cellphone nito. Tiningnan nito ang screen atsaka sumenyas na sasagutin lang saglit ang tumatawag dito at naglakad na palayo.
"Hello, Trish..."
Peste talaga. Tingnan mo ang walanghiyang lalaking 'to. Kahit sa malayo ay narinig ko pa ang pangalan ng babaeng binanggit nito. Tapos ngayon sasabihin niyang type niya ako. Tingin niya 'ata sa akin pumapatol sa lalaking may sabit. Kung gusto niya talaga ako, hiwalayan niya muna si Mrs. Agatha at 'yang Trish na 'yan. Baka sakali at magbago pa ang desisyon ko na hindi ako papatol sa lalaking matured.
Nagpupuyos pa rin ako sa galit sa hindi malamang dahilan kaya naman mas lalo akong nanggigil kung bakit wala pa ring taxi. Nang makita kong pabalik na sa pwesto ko si Mang Totong ay hindi na ako mapakali.
"Saan na ang mga taxi ngayon?" bulong ko sa hangin.
Ilang metro na lamang ang layo nito sa akin ng isang Rolls Royce naman ang tumigil sa harap ko. Bumaba ang bintana at nakita ko si Mrs. Agatha na tinatawag ako. Lumapit naman ako kaagad dito.
"Sabrina, mukhang hindi ka pa nakakasakay ng taxi. Mukhang mahirap makahanap ng taxi ngayon. Sumakay ka na." nakangiting paanyaya ni Mrs. Agatha.
Tumingin ako sa direksiyon kanina ni Mang Totong at sa isang iglap ay bigla itong nawala. Nasaan kaya 'yon nagpunta?
'Yan ba ang sinasabi niyang hindi niya sugar mommy si Mrs. Agatha. Siguro ay nakilala nito ang sasakyan ng babae kaya para hindi siya mahuli na kinakausap ako ay nagtago bigla. Hindi na rin siguro ako magtataka kong ang Lamborghini na gamit nito ngayon ay bigay din ni Mrs. Agatha sa kanya. Sinungaling talaga.
Sa kaisipang pinagtataguan ni Mang Totong si Mrs. Agatha ay sumakay na lamang ako sa huli. Mahihirapan na talaga akong makahanap ng taxi dahil gabi at rush hour pa. Mas okay na na dito ako sumakay kesa kay Mang Totong na alam kong may agenda sa akin kahit dala-dalawa na ang babae nito.
Pagdating sa aming bahay ay inanyayahan ko pa si Mrs. Agatha na pumasok pero uuwi na daw ito dahil hinahanap na ito ng anak. Nagkasalisi sila sa Shih Ling Palace kanina dahil ito dapat ang susundo sa kanya kaso na-late sa sobrang traffic kaya naunahan pa ito ng kanilang family driver.
Nagpasalamat na lamang ako dito. Habang tinitingnan ko papalayo ang sasakyan nito ay hindi ko maisawang manibugho. Iba na talaga kapag marami kang pera. Kahit may edad ka na ay pwede ka pang makahanap ng batang lalaking papatol sa'yo.