Mang Totong 14

1395 Words
"Mang T-totong!!" Siya ang aking knight in shining armour. Gulat na gulat ako dahil ang layo ng hitsura nito kanina noong nakasuot pa ito ng uniform. Ang nakaagaw talaga ng pansin ko ang buhok nito. Ibig sabihin mahaba ang buhok nito. Hindi ko iyon nahalata kasi may suot itong cap. Okay lang pala ang mahaba ang buhok sa security guard? Ang lakas talaga ni Mang Totong sa management. "You can't believe na ako ang tumulong sa'yo?" untag sa akin ni Mang Totong. "Ah.. ahh.. k-kasi you look different. M-mahaba p-pala ang buhok mo." turo ko sa naka-bun niyang buhok. Mas nahigit ko ang aking hininga ng malapit na ito sa akin. Nakasuot na ito ng faded jeans at gray cotton short sleeve na fit na fit sa kanyang maskuladong katawan. Mas bumata siya ngayon sa tingin ko at bagay sa kanya ang naka-bun na buhok. Ano ba! Bakit pati ang pag-bun sa kanyang buhok ay naaapreciate ko na. "Thank you nga pala ulit. B-by the way.. s-sorry nga pala kanina. M-minsan kasi nagiging taklesa talaga ako. I'm really sorry!" bukal sa loob na sabi ko. Nakatingin lamang ako sa lupa. Hindi ako makatitig dito ng diretso sa mata. Hindi dahil sa guilty ako, kundi hindi ko matagalan ang nakakapasong titig nito sa akin. "So, why are you looking down? Parang hindi sincere tuloy ang paghingi mo ng sorry sa akin." hindi ako sure pero nahimigan ko ang amusement sa boses ni Mang Totong. Huminga muna ako ng malalim atsaka pinilit na pinakalma ang aking sarili. "I'm sorry, Mang Totong.. a-and thank you din sa pagtulong ngayon," magbibilang ako ng 5 seconds atsaka ko ibaba ang tingin ko. 1 second.. 2 seconds.. 3 seconds.. 4 seconds.. 5 seconds.. 1 minute.. "Excuse po Ma'am... Sir..." Naputol ang pagtititigan namin ni Mang Totong. Tumingin ako sa aking relo. Lampas 1 minute na pala akong nakikipagtitigan sa lalaking 'to. Kung hindi pa kami ginambala ay baka hanggang ngayon ay nagtititigan pa kami. "Mawalang galang na po. Ako po ang Kapitan dito sa lugar na ito. Pasensiya na po kung ginulo kayo ng mga taong 'to. Kung nais po ninyong magreklamo ay pumunta po tayo sa Barangay Hall para masampolan po sila." sabi ng may-edad na lalaki. Sabi ng lalaking nagpakilalang barangay captain, may kasama din itong mga tanod. "Do you want to sue them or bring them to the barangay hall?" tanong sa akin ni Mang Totong. Nakatingin ako sa tatlong lalaking masarap ang higa sa lupa. Tulog pa rin ang mga ito. Kinausap ko na lamang ang barangay captain sa sila na ang bahala sa tatlo. Tutal ay nasampolan na sila ni Mang Totong kaya hindi na siguro uulit ang tatlong 'yon. Kinuha na ng mga tanod ang tatlong lalaki at sinakay sa kanilang patrol at dinala sa barangay hall. Ang mga taong nakikiusyuso ay isa isa nang nagsialisan hanggang sa kami na lamang ni Mang Totong ang natira sa parking area. "It seems na may problema ang sasakyan mo kaya hindi ka pa umaalis," basag ni Mang Totong sa katahimikan na namamagitan sa aming dalawa. "A-ah.. o-oo.." bakit pa nag-e-stammer ako kapag si Mang Totong ang kausap ko. Peste! "Actually kaya ako pumasok kaninang hapon kasi nasiraan po ako. Wala naman akong kakilala dito kasi second time ko palang pumunta dito. Matagal naman po kayong nagtatrabaho dito kaya naisip ko pong humingi ng tulong sa inyo. Baka alam niyo pong mag-ayos ng sasakyan o 'di kaya ay may kakilala kayo na nag-aayos ng sasakyan. Eh, kanina pa kasi ako nagugutom kaya medyo sumama din ang tabas ng dila ko. Pasensiya na po talaga, Mang Totong. Hindi na po mauulit." nakatingin na naman ako sa lupa. Ayoko ko nang tumingin sa mata nito at baka mamaya ay mahypnotize ulit ako. Para kasing may kakaiba kapag tumingin ito sa akin. "Can you please drop the 'po'? Okay na sa akin na tawagin mo akong Mang Totong or Manong if that's what you want. Feeling ko kasi lalo akong tumatanda kapag may kasamang 'po' ang bawat salita mo sa akin," seryosong sabi nito. Napatingin ako dito at ngumiti. "Ah, okay. Sige po---ay sorry. Okay.. okay.." lumawak ang ngiti ko. Napangiti na din ito sa akin. "Apology accepted. Sorry din kanina sa inasal ko. Mabilis lang talaga ang reflexes ko kaya na-outbalance ka. Hindi din kaagad kita nasalo kasi nagulat din ako sa aking reaction." maaliwalas na ang mukha ni Mang Totong. "May kilala ba kayong mekaniko dito? Kasi sira kasi ang kotse ko at ayaw mag-start. Naka-ilang try na ako pero ayaw talaga. Wala naman akong alam sa pagkukumpuni kaya nga nafru-frustrate na ako." lumabi na ako sa harap nito. "Okay. I'll see what I can do." Lumapit ito sa aking sasakyan. Hiniram ang aking susi at ini-start ang aking sasakyan. Hindi ito gumana. Lumabas ito atsaka binuksan ang hood ng aking sasakyan. May mga binutingting itong mga makina sa harap atsaka papasok ulit sa sasakyan para e-start ang aking sasakyan. Makalipas ang halos kalahating oras ay ayaw pa ring mag-start ng aking sasakyan. Lumabas na ito at kinausap ako. "I think there's a problem in your car's battery and ignition switch. Ako na ang bahala diyan. You can leave your car here and pagsasabihan ko lang ang aking karelyebo na maghanap ng magaling na mekaniko para dalhin 'tong sasakyan mo sa talyer. You can come back here after 3-4 days para kunin ang sasakyan mo." paliwanag nito. "Ah okay.. thank you.. thank you talaga, Mang Totong. Um. okay sige mauna na ako sa inyo. Magtataxi na lang ako. At least alam ko namang safe ang sasakyan ko dito sa lugar ninyo." akma na akong maglalakad para maghanap ng taxi ng hawakan nito ang braso ko. Sa hindi malamang dahilan ay parang nakuryente ako sa dampi ng kamay nito at sabay din kaming napapiksi. "Sorry. K-kung gusto mo hatid na kita sa inyo? Hindi na safe sa isang katulad mo ang sumakay ng taxi lalo pa at 'yan ang suot mo. Baka pagtripan ka na naman ng mga lalaki." nguso nito sa suot ko. Tiningnan ko ang aking suot. Naka suot ako ng printed red t-shirt, micro black skirt at black sandal. "Anong masama sa suot ko? Ito naman ang usual na sinusuot ko at wala namang may nangyayari sa akin kahit sumakay ako ng taxi kahit dati pa." sa tinagal tagal ko nang nagsusuot ng mga sexy at maiikling damit ay ngayon lang may pumuna sa akin. "I insist. Baka may mangyari pa sa iyong hindi maganda ay kargo de konsensiya ko pa. I'll drive you home." pinal na sabi nito. "Ikaw Mang Totong ha. Saan naman tayo sasakay--" Napipilan ako ng binuksan nito ang ferrari. "Sa'yo ba 'yan? Imposible?!" "Nope. Ang mahal nito at magkano lang ang sahod ko as a security guard. Alam ko namang hindi ka rin maniniwala kapag sinabi kong sa akin 'to. Sa may-ari ito ng warehouse. Medyo close kami ng may-ari kasi wala siyang anak na lalaki. Ako lang kasi ang pinakabatang empleyado dito kaya gustong gusto niya ako. Actually he likes me for his daughter, kaso hindi ko type ang anak ni Mr Chin. Minsan ay pumupunta 'yan dito at iniiwanan ang kanyang sasakyan at magpapasundo sa kanilang family driver. Gusto niyang ako ang magbalik sa kanilang bahay para mag-usap kami ng kanyang anak. Well ngayon ay may reason na ako na gamitin ito. Ihahatid kita sa inyo and-- I will take 'no' for an answer." Lumigid ito sa may passenger side at binuksan ang pinto. Gentleman na siya ngayon. Talagang pinagbuksan pa ako. Makakahindi pa ba ako. May point naman si Mang Totong. Parang ayoko nga munang sumakay ng taxi dahil sa naranasan ko sa tatlong goons na 'yon. Nang makapasok sa kanyang sasakyan ay nagpaalam muna itong kakausapin saglit ang kanyang kasama sa loob para ihabilin ang sasakyan. Mabilis din itong nakabalik at umupo na sa driver's seat. Mukhang at home na at home si Mang Totong sa sasakyan at hindi halatang hindi kanya kasi gamay na niya ang paggamit. Smooth nitong ini-start ang sasakyan atsaka alalay lang ang pagtakbo. Akala ko nga ay hindi ito magaling magmaneho pero mukhang mas bihasa pa ito sa akin. Sinabi ko na dito ang address ng aming bahay para alam niya kung saan ako ihahatid. Sa sobrang smooth ng biyahe ay hindi ko napansin na nakatulog na pala ako sa loob ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD