"D*mn!" Bigla akong naalimpungatan ng biglang nag-brake si Mang Totong.
"Peste! Anong nangyari?!"
"I'm sorry. Nagising ka tuloy. Biglang nag brake ang nasa unahan ko kaya napa-brake na din ako. Are you hurt?" masuyong tanong nito sa akin.
"O-okay lang ako. Naalimpungatan lang ako." nahihiyang sabi ko.
Omg! tinulugan ko si Mang Totong habang nasa biyahe kaming dalawa. Baka sabihin pa niya feel na feel kung sumakay sa kotse ni Mr. Chin. Sabagay first time ko ding makasakay sa isang sports car. Feeling rich tuloy ang pakiramdam ko. Ibang iba sa second na sasakyan na nabili ko na ilang beses na akong itinirik sa gitna ng kalsada. Mabuti nga ngayon at sa parking area ito nagloko, kung nasa daanan ulit ito nagloko ay mas lalong nakakahiya.
"Okay lang ako. Pasensiya ka na kung nakatulog ako. Masarap palang sumakay sa isang mamahaling sports car." Nakangiting sabi ko dito.
Nakatunganga lang din sa akin si Mang Totong habang nagsasalita ako.
"Hoy! Mang Totong! Bakit parang natulala na 'ata kayo." Untag ko dito.
"You look like an angel. You look pretty kapag bagong gising ka pala. I can't stop staring at you." Biglang namutawi sa labi nito habang nakatitig pa din sa akin.
Medyo napipilan ako sa sinabi ni Mang Totong. Nagkatitigan kaming dalawa pero ako din ang unang umiwas dahil hindi ko matagalan ang nanunuot niyang titig sa akin.
"Mang Totong ha.. b-baka matunaw ako sa tingin niyo. Atsaka hindi ako pumapatol sa matured na lalaki noh!"
"Bakit, ilang taon ka na ba?"
"28."
"I'm turning 39 this year. And, don't worry hindi din ako pumapatol sa matataray at judgmental na babae. My women beg me to love them and I think it's not in your characteristics to beg a man to love you. So rest assured na hindi kita isasali sa mga babae ko." Pagmamayabang pa nito.
"Wow! Yabang. Hindi mo talaga itinago na babae ang naghahabol sa'yo. Mabuti at mukhang magaling kang magbasa ng characteristics ng tao-- at tama ka, count me out dahil hindi ako sasali sa members ng fans club mo. May pa-beg beg ka pang nalalaman." Iwan ko pero bigla din akong nainis na maraming babae ang naghahabol dito. At pinangalandakan pa talaga niya.
"Bakit parang naiinis ka. Nagsasabi lang ako ng totoo." Parang lalo pa ako nitong ininis.
"Hindi noh. Ano naman ang karapatan kung mainis eh ngayon nga lang tayo nagkakilala." Defensive na sabi ko.
"Don't worry kasi considerate din naman ako minsan. Nag-iiba ang preference ko sa babae depende na rin kung type ko siya. Like you-- I can.. a-aherm.. I can like you even if you're way younger than me. I believe you're still single. Same here." Pinakita pa nito ang kamay na walang ngang singsing. Patunay na single ito.
"Mang Totong ha, mukhang nakikipag-flirt na kayo sa akin ha. Masama 'yan. Sabi niyo ihahatid niyo lang ako." humaba ang leeg ko sa kakatingin kung ano ang nangyayari sa labas ng sasakyan. "Bakit ba trapik? Parang kanina pa tayo nakatambay dito. Kung saan saan na tuloy napupunta ang usapan natin," biglang liko ko sa usapan namin. Itong si Mang Totong pasimpleng naglalandi eh.
"Oh yeah! Napansin ko din."
Nagpalinga-linga kami sa labas kasi nakatigil din ang mga sasakyan sa unahan.
"Parang may aksidente 'ata. May nakikita akong mga police at ambulance sa unahan." Simpleng sabi ni Mang Totong.
Sa pagkarinig sa sinabi ni Mang Totong ay medyo nanigas ang katawan ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang paninigas ng katawan ko sa tuwing may nakikita o naririnig akong aksidente sa kalsada. Naalala ko na naman ang aking pamilya. Mabuti nga at kahit papaano ay nakokontrol ko na ang aking paninigas. Dati tumitigil ako sa gitna ng kalsada at ilang minutong nakahawak lamang sa aking manibela. Kung hindi pa ako bubusinaan o aawayin ng mga kasunod ko ay saka lamang ako magigising.
Ilang segundo na akong nakatingin sa kawalan ng mapansin ni Mang Totong ang biglang pananahimik ko.
"Sab??"
"Sab??"
"Sab!"
"Huh! I'm sorry.. medyo natigilan lang ako. Takot kasi ako sa mga aksidente." Paliwanag ko dito.
"Did you got into an accident before?" Concern na tanong nito.
Umiling ako. Ayokong kinukwento ang buhay ko sa ibang tao kaya hangga't maaari ay iniiwasan ko ang paksa tungkol sa aking pamilya.
"Naaawa lang ako sa mga taong naaksidente." Paliwanag ko dito.
Maya maya lang ay nagsimula nang lumuwag ang trapik. Tama nga si Mang Totong na may aksidente dahil may nadaanan kaming dalawang sasakyan na iniimbistigahan ng mga pulis. Ang nasa likuran na sasakyan ay yupi ang hood samantalang gasgas lamang ang tinamo ng nasa unahang sasakyan. Pagdaan namin doon ay medyo natigilan na naman ako.
"Sab?"
"Ay! Pasensiya ka na ha. Nawala na naman ako sa aking sarili."
"Namumutla ka. Do you want us to stop by for a moment?"
"Huwag na, Mang Totong. Malapit na ang bahay namin. Mga limang barangay na lang."
Tumahimik na lamang ito at hindi na ito nagpumilit pa.
Mga ilang minuto pa ay pumarada na ang aming sinasakyan sa harap ng aming bahay.
"Baba lang ako. Bubuksan ko lang ang garahe para maipasok mo muna ang iyong sasakyan. Kumain ka muna dahil kakatapos lang ng duty mo--"
"No, it's okay. Ihahatid ko pa 'tong sasakyan sa bahay ni Mr. Chin." Tanggi ni Mang Totong.
"Sige ka, kapag hindi mo ako pinaunlakan hindi kita babatiin kapag napunta ako sa inyong warehouse. Atsaka para makabayad naman ako sa sinabi ko kanina. Peace offering ko sa'yo, Manong." Panghihikayat ko pa dito.
"Sige na nga. Siguraduhin mong masarap kang magluto ha. Malakas akong kumain. Malay mo kapag sinarapan mo ang pagkakaluto ay ma-inlab ako sa'yo." Ngisi ni Mang Totong.
"Hahaha!" Tabingi ang aking ngiti. Bigla akong kinabahan. Ang totoo niyan hindi ako magaling magluto, mga simpleng prito lang ang alam ko. Meron akong biniling ulam kaninang umaga at nasa loob iyon ng ref. Plano kong initin lamang iyon. "Ah.. hindi naman m-masarap.. t-tama lang."
Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan ang aming garahe para maipasok na ito ni Mang Totong sa loob. Mahirap nang mapagtripan ito sa labas, baka magbayad pa ako kapag nagasgasan ang Ferrari. Kitang kita ko naman ang namamanghang tingin ng aming mga kapitbahay dahil nga akala siguro ng mga ito ay sa akin ang Ferrari. Kahit naman may mga kaya din sa buhay ang aming mga kapitbahay ay wala ni isa sa mga ito ang may sports car.
Pagkapasok sa loob ng aming bahay ay pinaupo ko muna si Mang Totong sa living area. Binuksan ko na din ang TV para manood siya ng palabas at hindi ma-bored.
"Feel at home. Magpapalit lang ako para maini--makapagluto na ako ng makakain mo."
"Sure. Take your time. Sarapan mo ang luto mo ha," pahabol pa ni Mang Totong.
Kung alam lang nito ang gagawin ko. Baka bawiin nito ang sinabi na maiinlab siya sa akin.