Mang Totong 12

1116 Words
Lumabas na ako ng gate ng makapagpaalam na kay Mang Totong. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na Mang Totong ang tawag ni Dianne sa security guard nila. Kung ako kasi ang tatanungin although mukhang matured na si Mang Totong ay hindi pa naman ito aabot ng kwarenta. Sabagay malay ko ba naman. Baka naman lampas kwarenta na talaga ito at maalaga lang sa katawan. Sabi nga ni Mang Danny matandang binata nga daw. Hindi na nakapagtataka dahil halata namang mukhang choosy ito sa hilatsa pa lang ng pagmumukha. Peste! Bakit ko ba pinoproblema na hindi tugma ang pangalan niya sa mukha at edad niya. Pagdating sa parking area ay napansin kong ang tanging ang aking sasakyan at ang Ferrari na lamang ang naroon. Kay Mang Totong ba 'to? Imposible! Baka naman sa may-ari. Pinark lang dito at pinapabantayan kay Mang Totong tutal kasama naman iyon sa kanyang trabaho. Hindi ko na lamang iyon pinansin at ini-start na ang aking sasakyan. Naka-ilang start na ako pero ayaw talaga. Hindi pa naman ako marunong mag-ayos ng sasakyan. Kapag minamalas ka nga naman. Uwing uwi na ako dahil gutom na talaga ako. "Last try na lang. Kapag ayaw mo pa talagang mag-start, kailangan ko nang humingi ng tulong," inis na kausap ko sa aking sasakyan na para bang sasagot ito sa akin. Nagtry pa ulit ako hanggang sa wala, ayaw talaga. "Peste!" naiinis kong bulalas. Isa lang ang pwede kong naisip- ang humingi ng tulong kay Mang Totong. Siguro naman ay matutulungan ako nito. Kahit wala itong alam sa sasakyan ay baka may kakilala itong nag-aayos ng sasakyan. Bumalik ulit ako sa may harap ng gate. Napansin kong nakasara na ang maliit na pintuan na para sa isang tao lamang. "Mang Totong!" Sigaw ko mula sa labas ng gate. Sinasabayan ko pa ito ng pagkalampag para marinig niya sa loob. "Mang Totong!" "Manongggg???" Nakailang tawag na ako sa labas pero wala pa ring nagbubukas mula sa loob. "Peste! Ano na naman kaya ang ginagawa niya sa loob?" baka naman natutulog o 'di kaya ay nanonood ng bold. Bigla ko lang naisip. Bakit ba puro mahahalay ang iniisip. Kasalanan 'to ni Mang Totong eh. Sabagay sino ba naman kasi ang hindi mag-iisip ng mahalay kung katulad ni Mang Totong ang makikilala mo. Kanina noong sinita niya ako ay hindi kaagad ako nakasagot dahil para akong namesmerize sa kanyang kagwapuhan. Sobrang lakas ng appeal ng lalaki. Hindi ko nga ma explain sa aking sarili kung bakit ako napatulala sa kanya eh hindi nga ito ang tipo kong lalaki. Actually ang type ko talaga ay mga mapuputi at clean looking na lalaki pero kanina ay bigla na lamang kumabog ang dibdib ko pagkakita ko kay Mang Totong. Kung hindi nga lang ito matured eh, pagpapantasyahan ko talaga ito kaso ayoko sa matured na lalaki. Ang panghi pa ng pangalan- Mang Totong. Ang awkward kasi parang hindi bagay sa kanya. Natigil ako sa pag-iisip ng mapagtantong puro Mang Totong na ang nasa isip ko. Masamang pangitain 'to. Kailangan ko nang patigilin ang aking sarili sa pag-iisip ng walang katuturan. Buksan ko na nga lang ang maliit na pinto. Baka exag lang ako at hindi naman pala ni-lock ni Mang Totong sa loob. Pagtulak ko sa maliit na pinto ay bumukas nga. "Yes! Bukas nga." Bulong ko. Pagtingin ko sa kanan ay wala ngang nakabantay na naman doon. "Manongggg... Saan na po kayo? Tulungan niyo po ako..." tawag ko pa. Inaantay ko kung may lalabas sa loob ng guardhouse. Dahil walang lumabas ay lumapit ako at sumilip sa loob ng guardhouse. "Hey!" Biglang may tumapik sa balikat ko habang nakasilip ako sa loob ng guardhouse. Dahil sa pagkabigla ay kaagad na umigkas ang aking kamay para manapak.. pero bago pa ito dumapo sa tumapik sa akin ay nahawakan na rin nito ang aking kamay. "D*mn!" kaagad nitong winaksi ang aking kamay dahilan para ma-outbalance ko. Mabuti at nakahawak kaagad ako sa mesa kung hindi ay natumba ako sa lupa. "Ay! Napaka-ungentleman mo naman. Kung natumba ako diyan sa lupa?!" bulyaw ko dito. "It's your fault. And why the heck you're looking inside. Siguro namboboso ka no?" paratang kaagad sa akin ni Mang Totong. "Excuse me! At bakit naman ako mamboboso sa isang may-edad nang lalaki. Hindi ko type ang mga 'manong' na gaya mo. And besides, kaya lang naman ako sumilip diyan sa loob kasi kanina pa ako dito tapos wala na naman kayo sa pwesto niyo. See, pinapasahuran kayo ng kompanya tapos nawawala ka. Kung ako pa ang naging amo mo, sisante ka kaagad sa akin!" gigil na sabi ko dito. Naiinis talaga dahil sa na outbalance ako sa pagwaksi nito sa kamay ko. Bigla namang nandilim ang mukha ni Mang Totong ng marinig ang aking sinabi. "Hey, Miss Mataray! Sorry if sa tuwing pumapasok ka dito ay wala ako. Hindi ba pwedeng nag-iikot lang ako at tinitingnan baka may nakapasok na magnanakaw o sira-ulo dito sa warehouse. My job is to check and make sure na ayos ang warehouse habang naka-duty ako. Do you expect me to just sit still and do what other security guards do na nakaupo lamang sa iisang sulok hanggang matapos ang duty. Ang lakas pa ng loob mo na sabihan ako na sisante kaagad if you were my boss. Well, good luck sa mga staff mo at mukhang nakapa strict mo. Hindi lang strict, judgmental ka pa. Dapat nga ako ang magalit dahil it's past 6pm and you entered our premises without my knowledge. Isn't it you're tresspassing, Miss Mataray?" patuyang sabi ni Mang Totong. Medyo napipilan ako sa sinabi ni Mang Totong. Napahiya ako dahil naging judgmental kaagad ako. "So.. bakit hindi ka na makapagsalita ngayon? Kanina ang tapang mo. Porke ba't security guard lamang ako ay mababa ang tingin mo sa akin. Tingin mo hindi ko ginagawa ang trabaho ko?" patuloy pa rin sa pagsalita si Mang Totong. "I'm sorry." mahinang sabi ko. Nakayuko lamang ako. Dahil sa nahiya ako sa aking sinabi kay Mang Totong ay hindi ko na din itinuloy ang paghingi ng tulong sa kanya. Dali dali na lamang akong lumabas ng gate. Narinig ko pang tinanong ako ni Mang Totong kung bakit pumasok ako pero hindi ko na siya pinansin. Lalabas na lamang ako at maghahanap ng pwedeng mapagtanungan kung saan ko pwedeng ipaayos ang aking sasakyan. Paglabas ko ay bumalik na lamang ako sa loob ng aking sasakyan. "Peste!" minsan kasi taklesa din ako. Hindi ko muna iniisip ang aking sinasabi kaya ngayon ay bumalik tuloy sa akin. Parang ayoko na tuloy bumalik dito dahil sa aking inasal kanina. Kahit pa sabihing humingi na ako ng pasensiya ay medyo naguilty pa rin ako sa aking paratang kay Mang Totong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD