Matapos ang malaswang kaganapan na napanood ko ay bumaba na ako sa toilet seat cover. Dali dali akong lumabas sa CR at pumunta sa showroom. Wala na ang babaeng nakita ko sa likod kanina pati na ang asawa nito. Baka tapos nang mamili. Si Mang Danny na naman ulit ang umasikaso sa akin.
Nawala na sa isip ko ang tungkol sa nakita ko noong nag-umpisa na akong mamili ng tela. Asikasong asikaso na ako ng dalawang matanda dahil ako na lamang 'ata ang kanilang natitirang customer.
Dahil ako ang last customer ay ako din ang huling umuwi. Paglabas ko pa lang ng warehouse ay kita ko nang wala na namang security ang nakabantay para mag-log ako.
"Hindi na lamang ako magla-log. Tutal wala naman akong makitang security guard," bulong ko sa aking sarili.
Dire-diretso lamang ang lakad ko papunta sa gate. Ilang dipa na lamang ang layo ko at makakalabas na ako ng gate ng may marinig akong malakas na boses.
"Hey! Hey! Excuse me.. Miss, you need to log first before going out. I didn't saw you before," lumabas sa maliit na guardhouse ang security guard. Mabilis itong lumapit sa akin.
Shucks! Ito ba kanina ang security guard sa likod?
Hindi ako makapaniwala ng makita ng malapitan ang lalaki. Para akong nabatubalani. Lalaking lalaki ang dating nito. Sobrang tangkad pala nito sa malapitan. Namumutok ang mga muscles sa suot nitong uniform. Ginala ko pa ang aking paningin sa kanyang buong kabuuan---
"Do you like what you see?" nakangising sabi ng security guard.
Nagtama ang aming mata.
"Ahhmm.." Peste! nawala ako sa huwisyo. Inayos ko muna ang aking sarili bago sumagot. Tatarayan ko talaga 'to. Ang lakas ng loob manita eh siya nga 'tong nawawala kanina pa.
"Excuse me! Hindi ko gusto ang aking nakikita! Atsaka kaninang pumasok ako dito, wala ka sa pwesto mo. Tapos ngayon na namang paalis na ako, wala ka pa din. Bakit diyan ka sa loob ng guardhouse tumatambay eh alam mo namang may customer pa sa loob ng warehouse niyo. Saka ka na lamang sana pumasok kapag sure kang wala na talagang tao." Mahabang litanya ko.
"I'm so sorry, Miss Mataray. I need to use the bathroom that's why wala ako kaninang umaga dito sa pwesto ko. And ngayon naman ay tumawag ang office namin. Nasa loob ang aming radyo kaya kailangan kong pumasok sa loob ng guardhouse." paliwanag nito.
Tiningnan ko ang nameplate nito. TEOFISTO 'TOTONG' DIMARANAN.
Ah so ito pala si Mang Totong. Bakit parang hindi naman ito matanda?
Kaya naman pala ang lakas ng loob magliwaliw dahil ito siguro ang regular na security guard nila Dianne dito.
"Excuse me, may pangalan ako. Hindi Miss Mataray ang pangalan ko, Sabrina po, Mang Totong!" Nakataas ang kilay na sabi ko.
"W-what did you call me?"
"Mang Totong!"
"My name is not Totong! My name is--"
"Naku! Don't deny that your name is not Totong. Nasa nase nameplate mo na nga. Atsaka kaya Mang Totong din ang tawag ko sa'yo dahil iyon din ang sabi ni Dianne sa akin, ang secretary ninyo." magdedeny pa 'tong lalaking 'to eh may nameplate na ngang naka-pin sa uniform niya. Nahihiya ba siya sa pangalan niya at gusto niyang itanggi.
"Look, Miss Mataray---"
"I told you already my name, it's Sab! Sab!" gigil na sabi ko.
"Okay, Miss Sabrina. I'm not Mang Totong, 'kay!"
"Sinungaling--"
Biglang naputol ang iba pang sasabihin ko dahil may bumusina sa aming dalawa.
Tumabi muna ako saglit dahil dadaan ang sinasakyan ng dalawang matanda. Buti pa ang dalawang matanda, mauuna pang umuwi sa akin. Samantalang ako ay nakikipagbangayan pa sa security guard nila. Alert naman ang security guard dahil kaagad nitong binuksan ang malaking gate.
"Ma'am, ba't 'andito pa po kayo?" tanong ni Mang Danny.
"Eh kasi po 'yang si Mang Totong, 'yong security guard ninyo, hinarang ako." sumbong ko sa dalawang matanda. "Tinatanggi pa nga niya na Mang Totong daw ang pangalan niya eh 'yan naman ang nakalagay sa nameplate niya."
Biglang tumawa ng malakas ang dalawang matanda. Nagkatinginan atsaka sinenyasan ang security guard na lumapit sa aming pwesto.
"Totong, huwag mo namang hinaharang si Ma'am Sabrina. Bagong customer natin 'yan. Ngayon nga lang tayo nagkaroon ng bata at magandang customer. Kapag inaway mo 'yan baka hindi na 'yan bumalik."
"B-but-- hindi nga Mang Totong ang pangalan--"
Biglang pinutol ni Mang Danny ang iba pang sasabihin ng security guard.
"Pasensiya ka na, Ma'am. Nahihiya lang si Totong. Matandang binata na kasi kaya siyempre naiilang siya kapag tinatawag na Mang Totong lalo na kapag maganda ang kaharap. Sige mauna na kami sa inyong dalawa. Totong ha, ingatan mo 'yan si Ma'am." saka sumaludo ang dalawang matanda at umalis na.
Kaagad na sinara ng security guard ang gate at naiinis na umupo sa may plastic stool chair. Lumapit na din ako doon.
"Please show me your ID." walang ngiting sabi nito. Mukhang nabadtrip sa sinabi ni Mang Danny kanina na matandang binata na daw ito.
Kinuha ko na lamang ang aking ID at binigay dito. Tiningnan muna nito ang aking ID atsaka tiningnan din ako kung kamukha ko ba ang nasa picture. Maya maya ay nagsulat na ito sa logbook. Nang matapos ay ibinalik na nito sa akin ang aking ID.
"Please sign here." inilapit nito sa akin ang ballpen at logbook.
"Thank you." binalik ko na dito ang ballpen at logbook.
"By the way kung hindi Mang Totong ang name mo, anong pangalan mo?" naisipan ko lang itanong.
"You heard them right, my name is Totong." matigas na sabi nito.
Tumahimik ako. May pumasok na namang tanong sa isip ko.
"And.. napansin ko, bakit panay ang English mo. Infairness ha, ngayon lang ako nakasalamuha ng security guard na Englisero." pang-aasar ko pa.
Tumikhim naman ito.
"I lived in the US for 10 years. Noong bumalik ako dito dahil sa kapatid ko ay nasanay ako sa English kaya naman may halo na kapag nagsasalita ako ng tagalog." paliwanag nito.
Ah kaya pala.
"Eh bakit naging security guard ka dito? Mukhang mas bagay ka sa call center dahil magaling kang magsalita."
"I don't like the environment. Mas gusto ko dito dahil tahimik at laid back lang. Chill."
Parang hindi pa rin kapani-paniwala.
"Eh paano ka naman napasok dito?" ewan ko ba bakit gusto kong malaman. Kanina lang ang nanggigil ako dito pero ngayon gusto ko nang saliksikin ang buhay nito.
"A-actually.. pinsan ko ang personal assistant ng may-ari nitong security agency. Natiyempuhang nang bumalik ako dito ay may hiring sila kaya tinry kong mag-apply. Babalik din naman ako ng US kapag nagsawa na ako sa pagiging security guard dito."
"Ah.." kaya pala. Siguro trip trip lang nito ang magtrabaho bilang security guard. Kapag nagsawa ay magre-resign din. Merong mga ganyang tao eh. Hindi nila alam kung anong trabaho talaga ang gusto nila.
Biglang tumunog ang cellphone nito. May tumatawag.
"Sige po, Mang Totong. Mauna na din po ako. Salamat po." paalam ko dito.
Napatigil ito ng nagpaalam ako. Saglit lang iyon at tumango na din ito saka pumasok sa guardhouse para sagutin ang taong tumawag dito.
Peste! Napaka misteryoso naman ng security guard na 'to. Sana hindi siya magsawa sa kanyang trabaho dito para makita ko pa siya lagi. Pilyang bulong ng isip ko.