SSA - Main Office
"Good afternoon, Sir!" bati ni Lito ng pumasok ito sa conference room.
Mas gusto kong dito kami mag-usap kesa sa loob ng opisina ng kapatid ko kasi hindi ako at ease doon. Teritoryo iyon ng kapatid ko kaya dito ako sa conference room.
"Good afternoon. Explain to me what's going on right now?" seryosong sabi ko kay Lito.
"Sir, lima pong staff natin ang may sakit. Apat po sa kanila ay pagaling na, isa na lamang sa kanila ang hindi namin alam kung kailan babalik kasi po medyo may katandaan na kasi si Mang Totong." paliwanag ni Lito.
Kumunot ang noo niya. Wala siyang may maalalang na-interview na Mang Totong ang pangalan or close to that.
"How old is he?"
"Matanda na, Sir. Magse-sixty na po--"
"Who hired him? Wala akong maalalang in-interview na matanda. My brother knows the age limit that we're looking for."
"Sir, 'yong kapatid po ninyo ang direktang nag-hire. Hindi po niya ipinaalam sa inyo. Ang pagkakaalam ko po kasi minsang nag-iikot ang kapatid ninyo para e-check ang mga staff natin ay napunta siya ng Marikina. May sira ang sasakyan ng kapatid niyo noong time na 'yon at nasagi niya si Mang Totong habang naglalako ito ng panindang taho. Ipinagamot naman ito ng inyong kapatid at kinausap ang matanda. Naawa siguro sa kalagayan ng matanda kasi mayroon daw itong dalawang lalaking apo na pinapaaral kaya kahit matanda na ay todo kayod pa rin sa paglalako. Silang tatlo na lamang ang magkakasama sa buhay kasi ang nanay ng mga bata ay namatay noong pinanganak ang bunso samantalang ang anak nitong lalaki ay nagpakamatay noong namatay ang asawa nito kaya naiwan sa kanyang pangangalaga ang dalawang apo. Noong malaman iyon ng inyong kapatid ay hi-nire siya kahit na matanda na para makatulong sa maglolo. Apat na taon na rin po sa atin si Mang Totong at ni minsan ay hindi po 'yan um-absent. Nalaman lamang po namin na maysakit siya noong hindi pumasok noong nakaraang linggo. Pinuntahan siya ng kanyang karelyebo sa kanilang bahay matapos naming magpadala ng reliever. Nakita niyang nakahiga ito sa kanilang papag at inaapoy ng lagnat. Ang nag-aalaga dito ay ang panganay na apo samantalang nag-aaral naman ang bunso. May pambili naman sila ng gamot dahil may sahod naman si Mang Totong-- ang problema namin ang papalit sa kanya, Sir."
Medyo naawa ako sa kwento ni Lito tungkol sa matanda.
"Give me his records."
Ibinigay sa akin ni Lito ang kanyang records. Tiningnan ko iyon. Tama nga si Lito, maganda ang records ng matanda at wala itong absent sa loob ng apat na taon ng pagiging security nito sa amin. Nakaduty ito sa isang textile warehouse sa Marikina. Kaya doon siguro siya nilagay ng aking kapatid ay dahil malapit sa tirahan ng matanda.
"Give me the files of Chin Wu Textile."
Iniabot ni Lito ang files na hiningi ko. Pinasadahan ko ng tingin ang company profile ng aming kliyente. Hindi ito masyadong kalakihan pero okay din naman ang kanilang track record. Hindi pa pumalya sa pagbayad sa aming service. Hindi din mabigat ang trabaho ng security na ina-assign doon kaya siguro doon nilagay ng aking kapatid ang matanda.
"How 'bout our newly hired securities, bakit walang in-assign doon?"
"Actually may bago tayong client na dalawang supermarket chain sa labas ng Manila. Doon ko po sila in-assign. Pati po ang tatlo nating reliever ay in-assign ko din po doon sa location ng apat nating staff na may sakit din. Bali ang area kung saan naka-assign si Mang Totong at isang pang restaurant sa Makati ang kulang po tayo."
Pffftt... Sumakit bigla ang ulo ko. Ayoko nang mag-hire ng iba pang tao dahil kapag bumalik ang kapatid ko at ang iba pa naming nawawalang staff ay baka ma-overstaff naman kami.
"Okay. Just post a partime job for security-- we're looking for 2. Isa para doon sa restaurant and isa para sa Marikina area. Just clarify with them na it's indefinite at kapag bumalik na ang ating mga regular staff ay bibigyan lang natin sila ng 1 month notice and tapos na ang trabaho nila sa atin."
"Actually I have these files na hindi pumasa sa inyong interview pero nasa waiting list lang para j-just in c-case.. just in case lang po katulad nito na kulang tayo ng staff. We can check again kung sino ang okay and contact them today. Pwede kong papuntahin around 5pm para ma-briefing regarding sa kanilang magiging trabaho. I-if.. k-kung okay lang po sa inyo ang suggestion ko.." medyo naaalangang sabi ni Lito.
"Okay.. shoot. Do it."
"Thank you, Sir."
"Thanks to you, din. Maaasahan ka talaga Lito. I'm going home na. I'm sure Mama would be surprise to see me. Ikaw na ang bahala sa lahat. Just contact me if anything else. Mauna na ako."
"Sige po, Sir."
Pagkatapos kung makipag-usap kay Lito ay umuwi na ako ng bahay. Kaninang dumating ako ng hapon ay wala pa si Mama kaya dumiretso ako ng Main Office. Malamang hindi nito alam na nakauwi na ako. Siguradong matutuwa ito kapag nakita niya ako mamaya sa dinner.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang number na naka register. Hindi iyon naka-register sa aking phonebook at mukhang galing sa labas ng Pilipinas. Baka mga scammer. Hindi ko sana sasagutin pero na-curious lang ako kung sino ang tumatawag. Kapag scammer 'to papatulan ko talaga. Tingnan ko lang kung sino sa amin ang magaling mang-scam. Napangisi ako sa naisip.
I feel it comin', I feel it comin', babe
I feel it comin', I feel it comin', babe
I feel it comin', I feel it comin---
"Surprise!" boses babae ang nasa kanilang linya.
"Who's this please?" Nagulat pa ako dahil boses babae ang nasa kabilang linya.
"Ouch! Babe, it's been a week lang na hindi tayo nagkita and you forgot my voice over the phone na.." maarteng sabi ng babae.
Nag-isip muna ako. Actally marami akong babaeng iniwan sa US. Sino naman kaya sa kanila ang grabe ang magaling magbayad para lang makuha ang number ko dito sa Pilipinas.
"Babe, it's me Trish.." may tampo sa boses nito.
"Pfft.. I'm so sorry, Trish. You know that nag-iiba ang timbre ng boses ng tao kapag nasa phone kaya hindi kita na recognize." paliwanag ko dito. "So what's up? Ba't ka napatawag."
"I miss, you babe.." lambing nito.
"I miss you too." totoo naman iyon. Namiss ko ang galing nito sa kama.
"Good news. I'm coming home next week. My lolo called my Dad to handle our businesses kasi he's old na. My lolo wants to retire. My Dad agreed na uuwi ng Pilipinas to settle down together with Mom, so I'm thinking 'why not go for a vacation'. I ask for an indefinite leave sa aming company. I really miss you kaya napagpasyahan kong sumama muna kina Mom and Dad sa pag-uwi diyan." masayang pahayag nito.
"Well good then. We'll see each other here." napangisi na naman ako. Sa lahat kasi ng babaeng natikman ko sa US ay si Trish lang ang nag stick sa akin. Hindi din ako lugi sa kanya kasi she's pretty, sexy, intelligent and super galing sa kama. It's just that.. wala akong espesyal na nararamdaman sa kanya. Just pure l**t.
"See yah babe. Muah!"
Pinatay na nito ang tawag.
Napangiti ako. At least hindi na ako malulungkot dito dahil paparating na si Trish. She will spice up my bed. Pumasok na ako sa aking kwarto at nagpahinga. Aantayin ko na lamang na dumating si Mama at sabay na kaming kakain.