Mang Totong 9

1087 Words
"D*mn..." Nagising ang diwa ko dahil sa tunog ng cellphone. Nang tingnan ko ang orasan sa aking bedside table ay alas nuwebe na pala ng umaga. Maya maya ay tumigil na ang pagtunog sa aking cellphone. Dinampot ko ang aking cellphone sa tabi ng orasan para tingnan kung sino ang tumatawag- si Lito. Baka emergency. Tinawagan ko si Lito. "G-good morning, Lito. Ba't napatawag ka, is there something wrong?" Naghihikab ko pang tanong. "S-sir, pasensiya na po kung nadistorbo ko ang tulog niyo. May problema po kasi. 'Yong tinawagan ko para mag-relieve sa area ni Mang Totong ay hindi makakapasok. Nagcelebrate kasi kagabi kasama ng mga kaibigan dahil may trabaho na.. eh may nakaaway sila sa inuman kaya nireklamo sila sa pulis. Nasa presinto ngayon. Tinawagan namin kanina kasi late na.. ang nakasagot ay ang kalive-in ng lalaki at sinabi ang nangyari. Kawawa ang karelyebo ni Mang Totong kasi 48 hours na po siyang naka-duty. Kapag walang papalit sa kanya ngayong araw, Sir, baka mag 2 days po siyang naka duty. Baka siya naman ang magkasakit-- lalo po tayong kukulangin ng staff." Mabilis na pahayag ni Lito. Nagising bigla ang diwa ko. D*mn! "Just me give 30 minutes. I'll just prepare myself at pupunta na ako ngayon diyan sa office." Mabilis lang akong naligo at kumain saglit. Nadaanan ko pa si Mama sa labas na busy sa pagdidilig sa kanyang mga halaman. "Good morning, Ma. I'll go to the office. May problema. Kailangan ko munang ayusin 'yon. I'll be back later." Humalik ako sa pisngi ni Mama at nagpaalam na. "Take care, son. Love you." pahabol na sigaw ni Mama habang paalis ako. "Cheesy..." balik sigaw ko dito. Nagtawanan lang kaming dalawa. Mabilis ko nang pinaarangkada ang aking sasakyan papuntang main office. Pagdating sa conference room ay nasa loob na si Lito. Pabalik balik ito sa paglalakad at may nakahanda nang kape para sa aming dalawa. Nang mapansin ako ni Lito ay kaagad ako nitong bumati. Nag-umpisa na kaming mag-usap tungkol sa papalit kay Mang Totong. "Lito, wala na ba tayong ibang reliever na pwede munang dumiretso at mag-duty sa Marikina." Kaagad kong sinimsim ang kape. Masarap. "Sir, wala na po. Kung hindi niyo mamasamain, ako na lang po ang magduduty ngayong araw. Gamay ko naman ang trabaho ng security guard dahil ganoon naman talaga ako dati ang trabaho ko. Kanina ay may dalawa akong tinawagan at sumagot naman ang isa sa kanila pero bukas daw siya available kasi nasa ospital ang asawa niya. Bukas ng umaga ay ibe-brief lang siya at doon siya i-aasign sa Marikina." Suhestiyon ni Lito. Nag-isip ako saglit. "Well--" Natigil ang pagsasalita ko nang biglang may kumatok sa conference room. "Come in." "G-good morning , S-sir. G-good morning, Sir Lito." Bati ng aming secretary. "Yes, Cathy?" Tanong ni Lito sa babae. "Sorry po kung nadistorbo ko po ang meeting ninyo..eh kasi S-sir Lito, tumawag po ang Nanay ninyo. Manganganak na 'ata ang asawa po ninyo. Masama daw po ang pakiramdam at dinudugo. Nauna na po silang pumunta ng ospital, puntahan niyo na lang daw po doon." Ang mabilis na sabi ng secretary. "W-what.. eh 7 months pa lang 'ata ang tiyan ni Darlene--" "B-baka p-premature po, Sir Lito. Meron po talagang ganyan." pahayag ng aming secretary sa natatarantang si Lito. "S-sir...." baling nito sa akin. "Pasensiya na po, pwede po ba muna akong um-absent. Pupuntahan ko lang si Misis sa ospital. Baka manganganak na nga siya." Halata sa mukha ni Lito ang pagkataranta. "Go ahead, Lito. Ako na muna ang bahala dito. Don't worry ako na magdu-duty sa Marikina. May spare uniform ba tayo na kakasya sa akin?" Tanong ko na lang dito. "Meron po tayong mga extrang uniform sa stock room, Sir. P-paano po pala ang buhok ninyo. Bawal kasi ang long hair sa atin," biglang naalala ni Lito. "Hayaan mo na. Aayusin ko na lang. Isang araw lang naman at bukas ay darating na ang tinawagan mo. Puntahan mo na ang asawa mo. Saka ka na mag-duty kapag okay na siya." "Salamat, Sir. Sige po mauna na ako." Tinanguan ko lang si Lito pagkaalis nito. "D*mn!" Malas nga naman. No choice ako ngayon. Kailangan kong maging security guard muna dahil ayokong masira ang pangalan ng aming kompanya. Hindi naman ako maselan sa trabaho dahil may sariling g*n shop ako sa US at ako mismo ang nagbabantay. Ang ayoko kasi baka mamaya may sumita sa akin dahil sa aking buhok. Bawal naman talaga kasi iyon ang policy namin tapos ako ang unang unang babali. Ayoko namang pagupitan ang buhok ko dahil may rason ako kung bakit mahaba ito. Dali dali na akong pumunta sa stock room at naghanap ng uniform na kakasya sa akin. Dumaan muna ako sa aming secretary para ihabilin ang ibang bagay dahil wala si Lito. Nanghingi na din ako ng pantali dito. Kaagad ko nang pinaharurot ang aking sasakyan. Mabuti at malapit lang naman sa Main office namin ang warehouse at hindi naman trapik papunta doon. Nang makarating sa warehouse ay nagulat pa ang aming security guard nang makita niya ako. "G-good morning, Sir. Huwag niyo pong sabihin na kayo ang papalit sa akin-- mag straight duty na lang po ulit ako. Nakakahiya ---" "Don't worry. Magpahinga na po kayo. Ako na po ang bahala dito. Mas masama kung hindi ko kayo papalitan. Baka magkasakit din kayo. Ngayon lang naman dahil bukas may darating din na bago."paliwanag ko dito para mapanatag ito. "Naku, sige po. Maraming salamat po, Sir." Bago umalis ang aming security guard ay itinuro lang nito sa akin ang mga dapat gawin. Ipinakilala muna niya ako sa dalawang matandang lalaki na bantay ng warehouse. Nagtaka pa ang dalawa ng makitang mahaba ang buhok ko dahil hindi ko pa naitirintas. Sinabi ko na lamang na bawal magpaputol ng buhok sa tribu namin dahil galing ako ng bundok kaya exempted ako. Hindi na nagsalita ang dalawang matanda dahil maayos namang nakalugay ang buhok ko. Mabuti na lamang at moreno ako at malaki ang built ng katawan kaya mukhang naniwala sila. "Pero teka sandali.. kasi kapag nagsalita ka parang may tono.. Tagalog pero iyong tunog stateside ba 'yon.." nagulat ako sa sinabi ng isang matanda. Napansin niya pala iyon. "Aherm.." kailangang ayusin ko ang pagsasalita baka mabuko ako na hindi naman talaga ako security guard. "S-siguro po ay dahil iba po ang lenggwahe namin kaya may tono po ako kapag nagsalita ng Tagalog." Palusot ko pa. "Sabagay. Sige mauna na kaming pumasok sa loob. Kapag may kailangan at katanungan ka, huwag kang mahihiya sa amin." "Sige po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD