Mang Totong 7

1128 Words
Sabado Bigla akong napabalikwas sa tunog ng busina ng mga sasakyan. Nasa gilid ng kalsada ang aming bahay kaya naman kapag tanghali na ay sobrang ingay. Hindi ko na kailangan pang mag-alarm para magising dahil sa ingay pa lang ay alam kong hindi na rin ako makakatulog pa ulit. Ngayon ang araw kung saan pupunta ako sa warehouse na sinasabi ni Dianne para mamili ng mga tela. Ewan ko ba pero ang bigat ng katawan ko. Alam kong nanaginip ako ng masama kagabi pero hindi ko talaga maalala kung ano ang napanaginipan ko. Kahit na naligo na ako at kumain ay pilit ko pa ring inaalala kung ano 'yon. Ewan ko din ba kung bakit gusto kong maalala eh sa dami ng napapaniginipan ko dati na hindi ko maalala ay wala lang sa akin iyon. Ngayon lang na nacurious ako sa aking panaginip. Peste! Sumakit na tuloy ang ulo ko. Matapos mananghalian ay bumiyahe na ako. Ilang minuto lang nakarating na ako sa may warehouse na sinasabi ni Dianne. Nagpark na ako sa katabi ng dalawang sasakyan na nakaparada din sa may parking area. Marami din pala silang suki na talagang pumupunta sa warehouse para personal na mamili ng tela doon. Pagdating sa may gate ay nakita kong nakabukas ang isang maliit na parte na pang-isang katao na pinto kaya pumasok na ako doon. Pagkapasok sa loob ay kaagad na may bumati sa akin. "Magandang tanghali po, Ma'am. Ano pong sa atin?" Tawag ng isang boses sa akin. Galing iyon sa isang may-edad na lalaki. Nakaupo ito sa isang plastic stool chair sa kanang bahagi ng gate. May isang mesa kung saan may logbook. Baka ito si Mang Totong, 'yong sinasabi ni Dianne kaya lumapit ako dito. "Magandang tanghali din. Kayo po ba si Mang Totong?" tanong ko dito nang makalapit sa pwesto ng lalaki. "Ay, hindi po, Ma'am. May sakit po si Mang Totong kaya ako po muna ang naka-duty dito. Reliever lang po ako." Paliwanag ng lalaki. "Ah, okay. Sabi po kasi ni Dianne na kailangan kong mag-log bago pumasok sa loob ng warehouse." "Yes, Ma'am. Protocol po namin. Patingin lang po ng ID, Ma'am." Sabi ng lalaki. Binigay ko ang aking ID sa lalaki. Tiningnan niya muna ang aking ID atsaka ako sinipat. Nang masigurong ako nga ang nasa ID ay nagsulat na ito sa logbook at pagkatapos ay binalik din sa akin ang aking ID at pinapirma na. "Okay na po, Ma'am. Pwede na po kayong pumasok sa loob. Doon po ang entrance." Turo nito ng daan. "Salamat po, Ma'am." "Salamat din po." Pagpasok ko sa loob ay may isang may-edad na lalaki ang kaagad na lumapit at nag-asikaso sa akin. Ito pala si Mang Danny. Lahat ng mga tanong ko ay sinagot nito. Nagbibigay din ito ng tips sa mga magagandang klaseng tela. Binigyan din ako nito ng additional discount para daw bumalik ulit ako. Nang okay na lahat ng order ko ay nagpasalamat na ako dito. Katulad ng usapan namin ni Dianne ay magbabayad ako sa kanilang account at kapag na confirm na nila ang p*****t ko ay idedeliver na nila ang tela sa aming shop. Matapos ang lahat ay lumabas na ako ng warehouse. Kumain lang ako sa labas at umuwi na. Hindi na ako dumaan sa shop dahil halos dalawang oras din ako sa warehouse. Mabusisi talaga kasi ako sa pagpili tapos minsan ay may iba ding customer na pumupunta at 'yon muna ang aasikasuhin nila dahil parang nahalata nilang matatagalan pa ako. Pagdating ng Martes ay dineliver na ang in-order kong mga tela. So far ay maganda naman ang feedback ni Aling Tinay sa aking mga piniling tela. Kapag meron na naman kaming panibagong order ay saka na ako babalik doon sa warehouse. May ilang extrang tela din akong pinamili. Iyon ay para naman sa mga ibang customer namin na talagang nagpapa-customized ng damit. Talagang sinuswerte ako dahil noong huwebes ng hapon ay may dalawang lalaki na pumunta sa shop namin at kinausap ako. Gusto nilang subukan ang mga gawa naming basketball uniform dahil ang dati nilang pinagkukunan ay nagmahal na ang presyo. Pinakita ko sa kanila ang sample ng ilan sa mga design na gawa ko sa aming showroom at nagustuhan naman nila. Nakipagdeal sila sa akin na kung gusto ko ba ay ako ang kukunin nilang supplier. Marami daw kasi silang hawak na basketball clubs at mahilig silang magpa-liga kaya iba iba lagi ang uniform ng bawat teams. Halos tatlong oras din sila sa aming shop at pagkatapos noon ay nagkasundo na kami na sa presyo. Um-order kaagad sila sa amin ng 100pcs at kailangan naming matapos iyon mae-deliver sa kanila next week dahil meron na naman silang liga. Ibig sabihin ay kailangan kong bumalik sa warehouse nila Dianne para bumili ulit ng tela para sa bago naming client. Ito talaga ang sinasabing kapag malas ka sa pag-ibig ay maswerte ka sa ibang bagay. Napansin ko kasi simula ng maghiwalay kami ni ex ay mas lalong gumanda ang takbo ng shop namin. ****************** Nasa loob ako ng hotel na binook ko nitong nakaraang linggo ng tumunog ang aking cellphone. I feel it comin', I feel it comin', babe I feel it comin', I feel it comin', babe I feel it comin', I feel it comin', babe I feel it comin', I feel it comin', babe-- "Yes, Lito?" "Good morning po, Sir. Sorry po kung tinawagan ko po kayo. Alam ko pong hindi pa kayo tapos sa paghahanap sa kapatid niyo at sa iba pa nating empleyado, but, kulang po kasi tayo ng staff ngayon. For the meantime ay mayroon naman po tayong mga bagong hire pero limang security po natin ang may mga sakit kaya hindi makakapasok. Mayroon naman tayong mga reliever pero kulang pa din, Sir," paliwanag ni Lito sa kabilang linya. Bumuntung hininga muna ako. "Thanks for informing me. Don't worry babalik ako diyan mamayang hapon. We need to sort this out. Bye!" Pfft... sumakit ang sentido ko. Magdadalawang linggo na ako dito sa lugar kung saan nawala ang aking kapatid kasama ng iba pa naming empleyado. Nagtanong tanong na ako sa mga tao sa paligid ng lugar pero isa lang sinasabi nila. Malamang natabunan ang kanilang sasakyan noong kasagsagan ng bagyo. Noong tiningnan ko naman ang lugar na sinasabi ng mga imbestigador at mga tao roon ay walang may nakitang sasakyan kahit na hinukay na iyon. Malakas ang kutob ko na buhay sila. Baka sa ibang lugar siguro sila napadpad kaya naman hindi sila makita. Sa ngayon ay kailangan ko munang harapin ang problema sa agency. Understaff kami at hindi naman ako pwedeng basta basta na lang mag hire ng mga tao. Kailangan ko munang bumalik ng Manila ngayong araw din. Palagay ko ay magkikita pa rin naman kami ng kapatid ko eh. Soon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD