Mang Totong 6

1204 Words
Sabado Nagpatanghali ako ng gising kasi ngayon ang araw na pupunta ako sa Chin Wu Textile Warehouse. Binigay na sa akin ni Dianne ang exact address at alam ko na rin iyon dahil malapit lang iyon sa San Mateo. Kumain muna ako ng tanghalian at saka naligo at nagbihis para pumunta. Dahil mainit ang panahon ay nagsuot ako ng khaki skirt at white sleeveless round neck plain shirt na pinaresan ko ng white strappy sandal. Bitbit ang aking white bag ay sumakay na ako sa aking 2nd hand Silver Toyota HiAce. May isa pa kaming sasakyan sa shop na 2nd hand mini van na para naman sa delivery. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa warehouse na tinutukoy ni Dianne. Marami din iyong katabing warehouse ng iba't ibang klase ng mga produkto. May parking sa harap ng warehouse kaya doon ko itinabi ang aking sasakyan. Bitbit ang aking bag ay bumaba na ako at hinanap ang daan papasok. Nakasara ang malaking gate ng warehouse pero bukas ang maliit na pinto na para sa isang katao lamang kaya pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ay may nakita akong isang maliit na mesa at plastic stool chair sa may bandang kanan. Naroon din ang guardhouse pero nakasara ang pinto. Parang walang tao 'ata. "Tao po! Tao po!" sigaw ko. Ilang minuto ang nagdaan pero wala pa ring may sumasagot. Dahil walang tao kaya napagpasyahan ko na lamang na pumasok sa loob ng warehouse. Pagpasok sa warehouse ay may nakita akong dalawang may edad na lalaki na halos nasa 50's na. Parehong may kausap ang dalawa. Siguro mga regular customer, sa kanila siguro ang sasakyan doon sa labas. Tumingin tingin muna ako sa paligid kasi mukhang matatagalan pa sila sa pakikipag-usap sa kanilang mga customer. Hindi ako umalis sa aking kinatatayuan malapit sa entrance dahil baka sabihan pa akong atribida. Mag-aantay na lang ako hanggang matapos sila. Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang isang customer kaya lumapit na sa akin ang may-edad na lalaki. Medyo payat na pandak ito. Nagpakilala itong si Mang Danny. Nasabi ko naman sa kanya na may nakausap akong nagngangalang Dianne at ni-refer akong pumunta sa kanilang warehouse para pumili ng mga tela na gusto kong bilhin. Kapag marami akong nagustuhan at okay ang presyo ay regular na akong kukuha sa kanila. In-assist na ako ni Mang Danny at nagsimula na akong mamili ng tela. Kapag may ibang pumapasok na customer para magtanong ay nagpapaalam ito saglit para asikasuhin ang iba kasi mukhang matatagalan pa ako. Lampas isang oras na akong namimili ng makaramdam ako ng pagka-ihi kaya nagtanong ako kay Mang Danny kung mayroon silang CR. Tinuro ako sa dulo ng pasilyo sa bandang kaliwa. May makikita akong pinto. Papasok lang ako doon at kakanan at nasa dulong pinto ang CR. Sinunod ko ang sinabi ni Mang Danny at pumasok sa may pinto at hinanap ang sinasabing CR. Madilim sa lugar na iyon dahil wala man lang ilaw sa pasilyo. Tanging ang liwanag na galing sa maliit na bintana sa kanang dulo ang nagsisilbing ilaw doon. Feeling ko tuloy ay parang horror ang lugar. "Erase.. erase.." bulong ko sa aking sarili. Tingin ko ay naroon ang CR kaya doon ako pumunta. Habang naglalakad ay may naririnig akong ingay. Parang may nanonood ng pelikula kasi English ang salita at naghahagikhikan. Nang sinundan ko ang tunog ay galing iyon sa isang nakasarang pinto bago makarating sa dulo. May nakalagay na FOR STAFF ONLY. Hindi ko iyon pinansin at nilampasan na lamang dahil naiihi na ako. Matapos akong makaihi ay lumabas na ako ng banyo at naglakad pabalik sa may showroom ng warehouse. Saktong nasa tapat ako ng unang pinto kanina ng may marinig na naman akong tunog- pero kung kanina ay hagikhikan, ngayon ay ungol ang aking naririnig. Peste! Manyak naman ng nanonood. Hindi man lang gumamit ng headset para hindi marinig ng ibang tao. Pero sabagay hindi naman siguro nito inakala na may ibang taong pupunta doon kasi para lang sa mga staff ang naturang lugar. Hmp! Saloob loob ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin at akmang maglalakad ng biglang bumukas ang pinto. "Ay, peste!" Bigla kong sambit dahil sa gulat. "Huh!" Nagulat naman sa tili ko ang lalaking kakalabas sa pinto. Nakasuot ito ng uniform na pang security guard. "Bastos!" Tili ko nang makitang nakabukas ang zipper ng pantalon ng lalaki at nakalabas ang alaga nito. Imbis na itago ang alaga ay lalong ngumisi ang lalaki at kaagad akong hinablot papasok sa loob ng kwarto na pinanggalingan nito. Nagkakawag, nagpupumiglas at nagsisigaw ako pero mabilis nitong naisara at ni-lock kaagad ang pinto. Madilim sa loob ng maliit na kwartong 'yon. Ilaw na nanggagaling sa cellphone sa itaas ng mesa ang tanging nagsisilbing liwanag sa loob. Nakabukas ang cellphone at naririnig ko pa ang halinghing ng bidang babae at lalaki. Dito nanggagaling ang narinig ko kanina. Bold nga ang pinapanood ng lalaki. Tanging isang upuan at isang mesa ang naroon sa loob ng kwarto. "Tulonggggg!!!" "Tulonggggg!!!" Namamaos kong sigaw. Nagpapalag ako pero parang wala lang sa lalaki ang pagpapalag ko. Pinagsusuntok ko ito sa iba't ibang parte ng katawan pero parang hindi ito tinatablan at patuloy lamang ito sa pagngisi. Tinatanggal na nito ang butones ng uniform. Naging malikot ang mata ko sa paghahanap ng gamit na pwede kong ihampas sa lalaki. Nakita ko ang kahoy na upuan. Kinuha ko iyon at hinampas sa ulo ng lalaki. Wasak ang upuan ng ihampas ko iyon sa lalaki. Umagos din ang dugo sa ulo at balikat nito ng tinamaan ko. Pumaling ang ulo nito pakanan at makailang segundo na hindi ito gumalaw. Napatigil din ito sa kalagitnaan ng pagbubukas ng butones. Nang makabawi ay ibinalik nito ang tingin sa akin. Naging mabalasik ang tingin nito. Biglang nanindig ang balahibo ko. Medyo sinakluban na ako ng takot. Nang makita nitong natatakot ako ay ngumisi na naman ito at naglakad na ito palapit sa akin. Hindi nito alintana kahit na sige lang sa pag-agos ang dugo sa katawan nito. Unti unti ay umurong na ang paa ko. Wala na akong mahagilap na bagay na pwede kong ihampas sa lalaki. Nag-isip pa ako kung paano ako makakalayo sa lalaki. Ang tanging paraan lamang ay makalabas ako ng kwartong 'yon. Sa tantiya ko ay tatlong metro ang layo ko sa pinto. Kaya ko nang takbuhin iyon. Pumikit ako ng mariin. Saktong sinunggaban ako nito ay umilag ako at tumakbo sa direksiyon ng pinto. Hindi ako nito naabutan at nahawakan ko na ang doorknob. Pagpihit ko sa doorknob ay ayaw bumukas. Saka na ako tuluyang nagsisigaw at binalya ang pinto. "Tulonggg...." "Buksan niyo ang pinto..." Paos na ako sa kakasigaw nang marinig kong tumawa ng mala-dem*nyo ang lalaki. Hinarap ko ito at sobrang lapit na nito sa akin. "Kuya, 'wag po.." pagmamakaawa ko habang nakangisi itong pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nang tuluyan na ako nitong yakapin ay nagwawala na talaga ako. Pinagsusuntok ko ito kahit saang arte basta matamaan ko lamang siya. "H-huwag p-po... 'wagggg..." Sa kakasuntok ko sa lalaki ay may nahawakan ako sa kanyang uniform. Hinablot ko ang bagay na 'yon. Isa itong nameplate. Naalala ko pa ang nakasulat doon bago ako tuluyang lamunin ng karimlan ang aking diwa. TEOFISTO "TOTONG" DIMARANAN
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD