Matapos magbihis ay lumabas na ako sa aking kwarto. Nadaanan ko pa sa living area si Mang Totong na nanonood pa rin ng TV. Hindi siguro ako nito napansin kasi engrossed ito sa panonood kaya dumiretso na ako sa kusina.
Nilalabas ko na ang nabili kong ulam kanina nang maramdaman kong parang papasok din ng kusina si Mang Totong. Dali dali kong binalik sa loob ng ref ang ulam. Kumuha na lamang ako ng itlog, sibuyas at kamatis.
"Pwede bang tumambay dito?"
Tumango lang ako kahit ang totoo ay naaasiwa ko.
"Anong lulutuin mo para sa akin? Dapat 'yong masarap kasi gutom na ako."
“Omelette egg. Iyon lang kasi ang kaya kong lutuin.” Nahihiyang sabi ko.
“W-whaaaat???! Hindi ka ba marunong magluto?”
“Aaahh… e-ehhh.. mag-isa lang kasi ako kaya hindi ako mahilig magluto—”
“W-what do you mean na mag-isa ka lang? N-nasaan ang pamilya mo?”
“Bata pa lang ako nang maaksidente ang pamilya ko kaya ako na lamang mag-isa ang namumuhay. Don’t ask kung paano sila naaksidente kasi hangga’t maaari ayokong kaawaan ako ng mga tao dahil ulila na ako.” Sa pagkaalala sa pamilya ko ay bumigat na naman ang dibdib ko.
“I’m so sorry. Pasensiya ka na. Okay, now I understand. If you want ako na ang bahalang magluto. Mag-isa lang din akong naninirahan before kaya ako lahat ang gumagawa para sa sarili ko. I will cook for both of us para naman matikman mo ang luto ko.”
“Ows..??”
“Yeah! I’m good in cooking. Anong gusto mong lutuin ko para sa ating dalawa?”
“I want pasta. Chicken alfredo.”
“Okay chicken alfredo, coming up. Meron ka bang mga ingredients dito?" tanong nito.
Mabuti na lamang at kahit mag-isa lang ako ay lagi akong may mga stocks ng karne at isda sa loob ng ref. Minsan kasi ay pinupuntahan ako ni Aling Tinay kasama ang anak nito para ipagluto dahil alam nitong tamad akong magluto. Puro noodles, canned foods at simpleng prito lang ang alam ko. Although marunong naman akong sumunod sa mga instructions pero hindi ko lang talaga type magluto.
Nakita kong ni-raid na ni Mang Totong ang laman ng ref. Nilabas ang mga kakailanganing ingredients at nagsimula nang maghiwa. Nakatunganga lamang ako dito. Mukhang totoo nga ang sabi nito na magaling itong magluto dahil hindi ko ito kinakitaan ng pagdadalawang isip sa mga susunod na gagawin. Smooth lamang ang galawan nito sa kusina. Parang wala nga itong pakialam kahit na nanonood ako dahil kinareer talaga nito ang pagluluto.
Mga ilang minuto lang ay nakapagsalang na si Mang Totong. Malapit nang maluto ang chicken alfredo ni Mang Totong nang marinig kong may tumatawag sa cellphone nito kaya nagbilin ito sa akin na pagkatapos ng limang minuto ay pwede ko nang patayin ang kalan at pwede na kaming kumain. Lumayo na ito para sagutin kung sino man ang tumatawag dito.
Sinunod ko naman ang sinabi sa akin ni Mang Totong. Inorasan ko ang nakasalang sa lutuan. Saktong limang minuto ay pinatay ko na ang kalan.
"Hmmm... ang bango. Amoy palang nakakatakam na." para akong nagutom sa niluto ni Mang Totong. Hitsura pa lang ay masarap na.
Dahil sa pagkatakam ko at kagustuhang matikman ang chicken alfredo ay hindi na ako nakapag-isip pa. Kumuha ako ng tinidor at kaagad na tinusok ang pasta. Hindi man lang ako nag-abalang ilagay ito sa platito o pinggan. Mabilis ko itong isinubo sa aking bibig.
"Ouch! Aray! Aray!" sa katakawan ko ay napaso ang dila ko.
"Aw... aw.. ha.. i-init... ow.. p-peste.." hindi ko naman pwedeng iluwa ang naisubo ko na kaya tumingala na lamang ako habang pinapaypay gamit ng aking kamay ang aking bibig para kahit papaano ay mabawasan ang paso sa aking dila.
Nang medyo nakapag-adjust na ang dila ko sa init nang pagkain ay ibinaba ko na ang aking kamay. Tiyempo namang aksidente kong nailapag ang aking kamay sa mismong kakaluto lang na chicken alfredo kaya napaso na naman ulit ako.
"Aray! P-peste!" kaagad kong nahugot ang aking kamay mula sa mainit na pagkain. Maluha luha pa ang akong lumapit sa lababo para buksan ang gripo at itinapat ang aking kamay sa tumutulong tubig.
"What happened here? Narinig kitang nagsisigaw?" kaagad ako nitong nilapitan. Naagaw ng pansin nito ang aking kamay na itinapat ko sa gripo. Pulang pula ang aking palad at pati na ang mukha ko dahil sa napaiyak ako sa sakit at hapdi na naramdaman.
"Napaso ako. Katakawan ko kasi. Kumain kaagad ako ng niluto mo kaya napaso ang dila at bibig ko. Aksidente ko ding nahawakan ang mismong pasta kaya ito ang napala ko." mahinang paliwanag ko dito.
Nang medyo hindi na ako nakakaramdam pa ng sakit ay pinatay ko na ang gripo.
"Okay na 'to."
"Nope. Let me see. Baka nagka blister ang kamay mo."
"Okay na ang kamay ko---"
"Give me your hand." puno ng awtoridad na sabi nito.
Sa gulat ay inilahad ko na lamang ang palad ko dito. Kaagad nitong hinawakan ang aking kamay at tiningnan kung may paltos o nagkaroon ng degree burns.
Paghawak ni Mang Totong sa aking kamay ay napapitlag pa ako. Nakaramdam ako ng tila maliliit na kuryente sa aking balat. Hindi ko gusto ang aking nararamdaman pero hindi ko na lamang ipinahalata kay Mang Totong na gusto ko nang hilahin ang aking kamay.
"Mahapdi pa ba?" Masuyong tanong ni Mang Totong.
"M-medyo.."
Binitiwan nito ang kamay ko at binuksan ang ref.
"Wala ka bang ice cubes or ice pack dito?"
"Wala!"
Bumalik ito sa harapan ko at hinawakan ulit ang aking kamay.
Pinabayaan ko na lamang siya dahil baka sabihin niya malisyosa ako. Security guard ito kaya may alam ito sa first aid.
Maya-maya lamang ay naramdaman kong umangat ang aking kamay.
Matamang nakatitig lamang sa akin si Mang Totong habang unti-unti nitong nilalapit ang aking kamay sa kanyang labi.
"H-huwa--"
Nabitin sa hangin ang pagpoprotesta ko nang dilaan ni Mang Totong ang aking palad.
Napasinghap ako. Parang kinuryente ang buo kong pagkatao.
"M-mang T-to-tong..." Gusto kong magprotesta pero parang nadadarang na din ako sa ginagawa nito.
Ang hapding nararamdaman ko kanina ay napalitan ng nakakakiliting sensasyon. Hindi ito dapat mangyari dahil ngayon pa lang kami nagkakilala ni Mang Totong pero sa kaibuturan ng aking puso ay may pinupukaw itong masidhing damdamin. Isa itong pisikal na atraksiyon na kung hindi ko pipigilan ay baka tuluyan akong mahulog sa lalaking 'to. Isang lalaki na sa tingin ko ay binabalot ng misteryo.