CHAPTER EIGHTEEN

1372 Words

NAGULAT pa si Mandy nang makita niya ang kanyang Ate Olga kinaumagahan. Galit na galit ito nang makita siya kaya hindi kagaad siya lumapit dito. Syempre walang iba naman na magsusumbong kundi Joebbie. Tiyak na sinabi nito na sa bahay nito siya tumuloy kung kaya nandito ang kanyang ate na parang magbubuga ng apoy. Napansin naman ni Joebbie na kinakabahan siya kaya pumagitna ito at hinarap si Ate Olga. "Mag-usap kayo ng mabuti, okay?" bilin pa nito sa kanyang kapatid. "Maiwan ko na muna kayo. Nasa kusina lang ako." Pag-alis na pag-alis ni Joebbie ay kaagad siyang hinila ng kanyang kapatid patungo sa labas ng bahay. Wala siyang magawa kundi ang sumunod na lamang dito. Isa pa ayaw niya naman na marinig ni Joebbie ang kanilang pag-uusap. "Ano ba!" naiinis niyang agaw sa kanyang kamay na ha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD