CHAPTER NINETEEN

1902 Words

NATIGILAN si Joebbie nang makita niyang yakap ng kanyang asawa si Mandy. Iyon ang tagpo na kanyang naabutan pagkatapos niyang makarinig ng sigawan. Napansin niyang natigilan ang dalawa nang makita siya. Hindi niya maipaliwanag ang kaba na kanyang nadarama. Bakit pakiramdam niya ay may kahulugan ang yakapan ng mga ito? Nakayakap si Mandy sa kanyang asawa at ganoon din naman ang kanyang asawa. "Anong nangyayari rito?" tanong niya. "Sorry Ate Joebbie. May nangyari kasi at mabuti nalang at dumating si Kuya Charlie. Sinaktan kasi ako ni Ate Olga,” sagot sa kanya ni Mandy pero ang kanyang mga mata ay nakatingin sa dalawang kaharap. Ayaw niyang mag-isip ng masama pero tao lang din siya at kung minsan ay nakakapag-isip ng kung ano-ano. Napatingin siya sa mukha ni Mandy. Namumula nga yun. “Nas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD