DUMAAN muna si Charlie sa bahay ng kaibigan na galing sa France upang kunin ang bag para kay Mandy. Alam niyang gusto nito ang Louis Vuitton na bag kaya naman nakiusap siya kay Nicolas na ibili siya nito.
May kamahalan iyon pero hindi niya inisip ang pera na mawawala sa kanya dahil mahal niya naman ito at gusto niyang mas lalo pa siyang mahalin ni Mandy. Lahat ay ibibigay niya para sa babae.
"Naks, pre ha? May pa-LV ka pa kay Joebbie," wika sa kanya ni Nicolas. Sinipat niya ang bag. Ang ganda nga no'n, kasing ganda ng presyo na nagkakahalagang five hundred thousand.
"Magugustuhan kaya niya ito?" tanong niya. Kilala ni Nicolas ang kanyang asawa dahil inaanak nito ang kanyang anak.
"Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa bag na 'yan? Ginto kaya ang halaga niyan. Bakit kasi hindi ka nalang naging practical? Hindi naman 'yan ang hilig ni Joebbie hindi ba?" tanong pa ni Nicolas sa kanya.
Tama naman ito. Hindi ito magugustuhan ni Joebbie dahil ang gusto ng kanyang asawa ay sabon panlaba at panlinis ng bahay. Masaya na ito sa ganoon.
"Paminsan-minsan lang naman ito," sagot niya kay Nicolas. "Sige na mauuna na ako sayo. Salamat."
Tatalikod na sana siya nang tawagin siya ni Nicolas.
"Charlie!"
"Yes?"
"Make sure na kay Joebbie mo ibibigay 'yan!" pahabol nitong sigaw sa kanya.
Napangiti na lamang siya kay Nicolas. Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Mabilis siyang sumakay ng sasakyan at pinaharurot iyon palayo. Kailangan niyang makarating kay Mandy sa oras at tiyak na magagalit ito sa kanya lalo pa second anniversary nilang dalawa.
Nakikita niya na ang ngiti ni Mandy kapag nakita nito ang regalo na kanyang binili. Excited na siyang ibigay iyon sa babae.
Pagbaba niya ng kotse ay nagdoorbell siya sa bahay ng babae. Ang alam niya ay nagrerenta lamang si Mandy sa naturang bahay. Nagulat pa siya nang si Olga ang nagbukas ng pinto. Si Olga ay bestfriend ng kanyang asawa at kapatid nito si Mandy.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong sa kanya ni Olga. Galit ito sa kanya simula nang malaman nito na may relasyon sila ni Mandy. "Hindi ka na ba talaga nag-iisip, ha? May asawa kang tao, Charlie at may mga anak!" mahina ang boses na usig nito sa kanya.
"Mahal ko si Mandy," sagot niya.
"At si Joebbie?"
"Hindi ko na siya mahal. Gusto ko na siyang hiwalayan."
"Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo? Pati ako ay walang mukha na maihaharap sa kaibigan ko dahil sa pagiging immoral mo!"
"Kasalanan ba ang magmahal? Hindi ko naman ito sinadya. Mahal ko ang kapatid mo at paninindigan ko siya," buo ang loob niyang wika.
"Kasalanan ang magmahal lalo na kung may asawa ka," wika pa nito sa kanya.
"Ate!" narinig niyang wika ni Mandy kaya napatingin siya sa babae. Napakaganda nito sa suot na puting bestida. Bahagya pang nakalabas ang cleavage nito sa suot na damit.
"Excuse me," sabay tabig niya kay Olga upang makapasok sa gate.
Mabilis niyang nilapitan si Mandy at siniil ng halik.
"Mga immoral!" irap sa kanila ni Olga sabay labas ng gate.
"Hayaan mo na si Ate, alam mo naman 'yon. Mas kapatid pa yata ang tingin sa asawa mo kaysa sa akin," wika sa kanya ni Mandy.
"Okay lang."
"Don't worry hindi niya naman sasabihin sa asawa at mga anak mo ang tungkol sa atin. Wala siyang sasabihin, pinangako niya 'yon."
"Kinausap ko na kagabi si Joebbie. Sinabi ko sa kanya na maghiwalay na kami."
"Talaga? Anong nangyari?" masayang tanong sa kanya ni Mandy.
"Ayaw niyang pumayag na maghiwalay kami kaya inaway ko. Gusto niyang ayusin namin ang pamilya namin pero buo na ang pasya kong humiwalay sa kanya. Gusto ko na maging malaya para mapanindigan kita," masaya niyang pagbabalita.
"Akala ko ay itatago mo nalang ako. Dalawang taon mo na rin akong tinatago."
"Hindi na 'yon mangyayari, mahal," wika niyang inabot ang regalong kanyang dala.
"What is this?" bulalas ni Mandy.
"Open it," sagot niya.
Excited na binuksan ni Mandy ang kanyang regalo at tulad ng inaasahan niya maiyak-iyak ito sa tuwa.
"Sa akin ito?" bulalas pa nito.
"Oo sayo 'yan!"
Nilapitan siya ni Mandy at pinugpog ng halik ang kanyang mukha.
"Ang mahal nito."
Hinimas-himas pa ni Mandy ang bag na kanyang ibinigay.
"Mahal naman kita at lahat ibibigay ko sayo para maging masaya ka," nakangiti niyang sagot sabay hapit sa bewang ng babae.
Hindi ito tumutol ng siilin niya ng mapusok na halik. Nagpaubaya si Mandy sa kanyang gusto. Mas agresibo pa nga ito sa pagtugon sa kanyang halik.
Nagmamadaling inalis ni Mandy ang kanyang suot na polo pagkatapos ay lumuhod ito sa kanyang harapan. Ilang sandali pa ay umuungol na siya sa sarap dahil nasa loob na ng bibig ni Mandy ang kanyang p*********i. Pinapaligaya na siya ng babae.
Nang hindi siya makontento ay binuhat niya ito at dinala sa loob ng kwarto nito. Doon nila pinagpatuloy ang kanilang pagpapaligaya sa isat-isa.
*********************
HINDI MAPIGILANG tumulo ang luha ni Joebbie habang nakatingin sa bintana. Malalim na ang gabi pero wala pa rin si Charlie. Kanina niya pa ito hinihintay. Nakatulog na nga lang ang mga bata dahil sa paghihintay sa ama ng mga ito. Ibang-iba na si Charlie ngayon. Kahit ang tawagan siya ay hindi na rin nito ginagawa. Pakiramdam niya ay hindi niya na ito ang kanyang asawa.
Napatingin siya sa salamin. Nakasuot siya ng nighties upang maakit sa kanya ang asawa pagdating nito. Naglagay rin siya ng pabango. Gusto niyang bumawi sa asawa. Ibibigay niya ang nanaisin nito.
Dali-dali siyang humiga ng kama nang marinig niya ang sasakyan ni Charlie na dumating. Ang lakas ng t***k ng kanyang puso. Ngayon lang ulit kasi siya mangangahas na gawin ang lahat ng ito. Hindi naman siya nagkulang pagdating sa pangangailangan ng asawa dahil kapag gusto nito ay nagpapaubaya siya kahit pa pagod na pagod siya.
Narinig niya ang pagbukas ng pinto. Alam niyang nagbibihis si Charlie pagkatapos ay pumasok na ito ng banyo.
Ilang sandali pa ay humiga na ito ng kama.
"Bakit ngayon ka lang?" tanong niya.
"Nag-overtime ako sa opisina. Marami akong trabaho," sagot sa kanya ni Charlie.
Humiga ito sa kama kaya niyakap niya ang asawa. Kinuha niya pa ang kamay nito at dinala sa kanyang dibdib.
"Ano ba! Pagod ako!" sigaw sa kanya ni Charlie pagkatapos nitong tabigin ang kanyang kamay. Tinalikuran siya ng asawa.
Gusto niyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili.
"Gusto kitang paligayahin, Charlie. Gusto kong bumawi sayo," wika niya sa asawa.
"Hindi mo na kailangan bumawi pa dahil hindi mo na maibabalik pa ang nakaraan. Kung gusto mong bumawi ay pakawalan mo ako. Gusto ko ng maging malaya mula sayo," wika ni Charlie sa kanya kaya hindi niya napigilang ang luha. Kusa na iyong bumagsak. Pakiramdam niya ay may humihiwa sa kanyang puso.
Paano niya pakakawalan ang taong mahal na mahal niya? Hindi niya kaya.
"Parang sinabi mo sa akin na magpakamatay nalang ako dahil gusto mong pakawalan kita. Hindi ko 'yon gagawin Charlie. Ayokong masira ang pamilya natin. Hindi ko kayang mabuhay na wala ka."
"Tigilan mo na nga 'yang kadramahan mo dahil walang mangyayari kahit anong iyak mo. Hindi magbabago ang pasya ko."
Impit ang naging pag-iyak niya dahil sa sinabi ng kanyang asawa. Handa siyang magpakababa para sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya.
Muli niyang niyakap si Charlie.
"Kapag hindi ka tumigil ay sa opisina ako matutulog," madiin ang boses na wika nito sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi ang alisin ang kamay niya mula sa pagkakayakap rito.
"Bakit kailangan parusahan mo ako ng ganito, Charlie? Nasasaktan na ako," napapasinghap niyang tanong dahil sa pag-iyak.
"Nasasaktan din ako Joebbie at pagod na pagod na akonsa relasyong ito. Wala ng patutungahan ang pagsasama nating ito kaya kung ako sayo ay maghiwalay na tayo."
"Mamamatay muna ako. Hindi ako papayag na iwan mo ako."
"Kung ganun ay magtiis ka. Hu’wag kang magtanong ng kung ano-ano at 'wag kang magreklamo na nasasaktan ka," wika sa kanya ni Charlie kaya hindi na siya nakasagot pa.
Tahimik na lamang siyang umiiyak dahil tinulugan na siya ng asawa. Umaasa siya na darating ang araw ay babalik din sa dati ang lahat. Hindi siya mawawalan ng pag-asa na mamahalin siya ulit ng asawa katulad noon.