Chapter 2

1347 Words
Nang sumunod na araw ay muli siyang nagpunta sa bahay nila Cherry. Dumating kasi ang ate niya at may dala itong mga pasalubong. Pero dahil gusto niyang pikunin si Cherry, iisang toblerone lang ang dinala niya sa bahay ng mga ito. Inabutan niya itong nakaupo sa sahig ng sala ng mga ito, at nag-aaral. “Chubs, para sa iyo,” aniya rito sabay abot niya rito ng Toblerone na agad namang tinanggap ni Cherry. “Uyyy, thank you! Saan mo naman nakulimbat ito?” tanong ni Cherry sa kaniya habang binubuksan ang Toblerone. Kakamot-kamot siya ng kaniyang ulo habang pinagmamasdan ang kaniyang kababata. Tumabi siya sa pagkakasampak nito sa sahig ng sala ng mga ito, at nagpanggap siyang nagbabasa ng libro nitong nakakalat sa sahig bago sumagot. “Dumating si Ate kahapon, pasalubong niya iyan,” balewalang sagot niya rito. “Huh? Bakit ito lang?” namimilog ang matang tanong nito sa kaniya na ikinatawa naman niya. “Oh, eh bakit? Ilan ba dapat?” nakangising tanong pa niya rito. “Kilala ko si Ate Timmy, hindi ako titipirin no’n sa chocolates. Siguro kinain mo ng lahat ‘no?” nang-aakusang tiningnan pa siya nito. Close nga pala ito at ang kaniyang ate, kaya naman alam na alam nitong hindi lang iyon ang pasalubong ng ate niya para rito. “Ayan, kaya ka hindi namamayat eh. Ang takaw mo sa matatamis,” aniya rito saka kinurot ang pisngi nito. “Aray ko!” reklamo naman nito, sabay hampas nito sa kaniya. Tatawa-tawa naman siya habang sinasalag ang mga hampas nito. Enjoy na enjoy niya kapag hinahampas siya ni Cherry. Feeling kasi niya, that’s how Cherry shows her sweetness and love to him. “Paanong may magkakagusto sa iyo niyan kung hanggang ngayon ang taba-taba mo pa rin?” sabi pa niya dito sabay tayo upang dumistansya sa kababata. “Heh! At sino namang may sabi sa iyong walang nagkakagusto sa akin kahit mataba ako?” Inismiran pa siya nito habang ngumunguya ng chocolate. Napakunot naman ang kaniyang noo at biglang nagseryoso. “At sino namang loko-loko ang nagkakagusto sa iyo?” seryosong tanong niya rito. Tinapunan lang siya nang tingin nito, at nakakalokong ngumiti sa kaniya. Hindi niya nagustuhan ang reaksiyong iyon ni Cherry. Kaya nilapitan niya ito upang usisain. “Huyyy, Chubs, sino nga?” Pangungulit pa niya rito habang niyuyugyog ito sa balikat. “Tobby tumigil ka nga sa kakayugyog sa akin diyan. Hindi ko makain ng maayos itong chocolate!” saway nito sa kaniya, pilit isinusubo ang toblerone sa bibig. Pero hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawang pagyugyog dito. Gusto niyang malaman kung sino ang nagkakagusto sa Cherry niya. “Isa Tobby ha!” May pagbabanta na sa boses nito. “Sabihin mo na kasi kung sino nga.” At muling inalog niya ang balikat nito. “Eh bakit ba kailangan mong malaman?” Hinila siya nito paupo sa kaniyang tabi, saka nagpatuloy sa paglantak sa tsokolate. “Syempre baka mamaya niloloko ka lang no’n, o kaya pinagti-tripan. Sino nga kasi?” Sinundot pa niya ito sa tagiliran. Parang wala namang epekto, dahil ni hindi man lang ito nag-react. “Si Ringo,” maikling sagot nito saka itinuloy na ang pagkain. Nanahimik naman siya at tila nag-iisip kung sino si Ringo. “Oh, nanahimik ka na riyan. Hindi ba kapani-paniwalang magkakagusto sa akin ang isang Ringo Salas?” tanong pa nito sa kaniya. “Sus, masyado kang mapaniwalain. Babaero naman ‘yon eh! Baka mamaya niyan pinagti-tripan ka lang nila, ikaw naman gustong-gusto mo naman!” nakasimangot niyang saad dito. Dancer sa school nila si Ringo, at aaminin niyang gwapo naman ang kaeskwela. Pero alam din niyang kaliwa’t kanan ang nagiging babae nito. Ayaw niyang mapabilang ang kababata sa mga babae nito, kaya ganoon na lamang ang inis na nararamdaman niya para rito. ‘Iyon nga lang ba?’ kutya ng kaniyang isipan. “Hmp! Inggitero! Pero don’t worry, ang sabi ko lang naman gusto niya ako ‘di ba? Hindi ko naman sinabing gusto ko rin siya, so relax ka lang diyan,” nakangising saad pa nito sa kaniya. Para naman siyang nabunutan ng tinik sa kaniyang dibdib, sa sinabing iyon ni Cherry. “Pero kapag hindi mo ibinigay ang iba pang chocolates na para sa akin, baka pansinin ko na si Ringo.” Pamba-blackmail pa nito sa kaniya. “Pambihira! Sige tara sa bahay nang makuha mo na ang mga pasalubong mo!” Tumayo na siya saka hinila ito patayo. Nakangisi naman itong sumunod sa kaniya. Nakahinga na rin siya nang maluwag dahil wala naman pa lang interest si Cherry sa lalake. Masaya silang nagtungo sa kanilang bahay upang makuha nito ang iba pang pasalubong mula sa kaniyang ate. “Ate Timmy!” agad nitong tili nang makita ang kaniyang ate. Sinalubong naman sila ng kaniyang ate at niyakap nang mahigpit nito si Cherry. Close kasi ang dalawa kaya ganoon na lamang kung magbatian ang mga ito. “Kumusta ka na? Lalo yata tayong sumisexy ah,” sabi ng ate niya kay Cherry. “Naku po! Patay tayo riyan ate, baka lalong hindi mag-diet itong si Chubs. Huwag mo kasing sabihing sexy siya,” tatawa-tawang sambit naman niya sa kaniyang ate. Sinamaan siya ng tingin ni Cherry saka akmang kukurutin, kaya mabilis siyang tumakbo palayo sa kababata. Inambaan pa siya nito ng suntok nang makalayo na siya rito. “Ikaw talaga Tobby, palagi mo na lang pinagti-tripan si Cherry,” sabi naman ng kaniyang ate. “Halika na Cherry madami akong pasalubong sa iyo!” Excited na hinila na ito ng kaniyang ate patungo sa kwarto nito. Susunod sana siya nang tawagin siya ng kanyang ina. “Hmmm, Tobby Ryan, ‘wag ka nang sumunod doon. Hayaan mong mag-girl bonding ang mga iyon.” Kakamot-kamot sa ulong napabalik tuloy siya sa sala. Manonood na lang siya ng TV, habang hinihintay matapos ang kaniyang ate at si Cherry na matapos sa so called girl bonding daw ng mga ito. Kaya naman inabala na lang niya ang sarili sa panonood ng kung ano-ano sa TV. “Ate Tim, ang ganda naman nito!” nagniningning ang mga matang saad ni Cherry rito. “I know right? Kaya nga ibinili rin kita ng ganiyan.” Kinuha nito ang isang paper bag at saka iniabot iyon kay Cherry. Agad namang binuksan iyon ni Cherry at inilabas ang laman niyon. Tuwang-tuwa siyang isinukat iyon, at umikot-ikot pa sa harapan nito. Ngiting-ngiti naman si Timmy habang pinagmamasdan siya nito. “Ate, thank you talaga!” Lumapit siya rito’t hinalikan pa ito sa pisngi. “Aysus! You’re welcome!” natatawang sambit nito sa kaniya. Solong anak kasi si Cherry kaya naman sabik siyang magkaroon ng kapatid. Masuwerte nga siyang mabait ang ate ni Tobby, at itinuring siya nitong nakababatang kapatid. Minsan nga parang mas sila pa nito ang magkapatid kaysa kay Tobby. “Itatabi ko na itong mga ito at baka mainggit si Tobby,” nakabungisngis pa niyang pahayag dito. “I don’t think maiinggit iyon sa mga pasalubong ko sa iyo. Not unless isang mamita ang kapatid kong iyon.” Bumunghalit na rin ito ng tawa sa pagkakasambit niyon sa kaniya. “Ayyy, barbie!” sabi naman niya sabay tawang muli. “Anong pinagtatawanan niyo?” Pareho pa silang napalingon nang may magsalita sa pintuan ng kwarto ni Timmy. “Wala naman barbie, este Tobby,” nakangising sagot ng ate nito. “Tsk! Chubs, hanap ka na ni Tita. Sabi ko nakikipagtsismisan ka pa kay ate,” masungit na saad nito sa kaniya. “Ayyy, sige ate Timmy, uuwi na ako ha? Thank you talaga sa mga pasalubong mo!” Muli niyang niyakap ito at hinalikan sa pisngi, saka ito tumayo bitbit ang mga pasalubong mula kay Timmy. Agad namang kinuha iyon ni Tobby mula sa kaniya saka naglakad nang palabas ng kawarto ng kaniyang ate. Sinundan na lang niya ito habang nakangiting nagpaalam sa mga magulang ni Tobby. Natutuwa talaga siya sa pasalubong na natanggap mula sa kapatid ng kaniyang kababata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD