bc

My Chubby Kind of Love (FREE AND COMPLETE)

book_age18+
4.6K
FOLLOW
13.4K
READ
friends to lovers
drama
comedy
sweet
bxg
small town
childhood crush
chubby
foodie
engineer
like
intro-logo
Blurb

Si Tobby, ang lalaking makulit, mapang-asar, pero sweet na kababata ni Cherry AKA Chubs. Lihim siyang may pagtingin kay Chubs na inalagaan niya ng matagal na panahon. Nangako siyang ipagtatapat ang damdamin sa dalaga, pagdating ng tamang panahon. Ngunit isang trahedya ang magaganap kay Cherry. Magawa pa kayang ipagtapat ni Tobby ang nararamdaman niya para kay Chubs? Paano kung paggising nito ay iba ang makikita niyang kayakap nito? Magkaroon pa kaya siya ng lakas ng loob na magtapat kay Chubs?

chap-preview
Free preview
Prologue
“H-hindi totoo ‘yan. S-sabihin niyong nagbibiro lang kayo,” nanginginig ang boses na sabi ni Tobby sa mga magulang niya. “Tobby, anak totoo ang narinig mo. Critical si Cherry at nasa ospital siya ngayon.” Umiling-iling pa si Tobby habang pinakikinggan ang kaniyang ina. “Hindi totoo iyan mommy,” aniya saka nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay. “Tobby!” narinig pa niyang sigaw ng kaniyang mga magulang bago siya lumulan sa kaniyang sasakyan. Agad siyang nagtungo sa ospital matapos marinig ang sinabi ng kaniyang mommy. Hindi puwedeng iwan siya ni Cherry. Hindi pa niya nasasabi rito kung gaano niya ito kamahal. Kailangang magising ito. ‘Chubs, ‘wag na ‘wag mong susubukang iwan ako. Hindi ko pa nasasabi sa iyo kung gaano kita kamahal. Hindi mo ako puwedeng iwan na lang matapos mo akong paibigin babae ka!’ bulong niya sa sarili habang nagmamaneho patungong ospital. Matagal na niyang alam na mahal niya ang kababata niya. Simula pagkabata, gustong-gusto na niya ito. Ilang beses na niyang sinubukang sabihin dito ang kaniyang tunay na nararamdaman. Pero hindi siya nito siniseryoso, at pinagtatawanan lang siya palagi. ‘Lord please ‘wag mo munang kunin si Chubs. Mamahalin ko pa po siya eh. Alam kong mapang-asar ako pero mahal na mahal ko ‘yong taba ching-ching na iyon. Promise po magpapakabait na po ako magising lang siya,’ impit pa niyang dalangin. “Tobby!” agad siyang sinalubong ng tita Lucille niya nang makarating siya sa ospital. “Tita, how’s Chubs po?” nag-aalalang tanong niya sa ina ni Cherry. “She’s in coma hijo. Sabi ng mga doctor, nagkaroon ng complication during the operation. Bakit ba naman kasi naisipan pa niyang magpa-opera? Okay naman kasi ang katawan niya,” umiiyak na saad ng ina nito sa kaniya. “Tita tahan na po. Magigising din po si Chubs.” Hinagod-hagod pa niya ang likuran ng mommy ni Chubs upang kumalma ito. ‘Kasalanan ko ito eh. Kung hindi dahil sa akin, baka hindi niya iisiping mag-undergo ng operation.’ Paninisi niya sa kaniyang sarili. Araw-araw siyang nagpapabalik-balik sa ospital, upang dalawin ang dalaga. Kaya naman nang araw na iyon, tinungo niya ang kuwarto kung nasaan ito upang silipin ang dalaga. Nang makalapit siya sa higaan ng dalaga, ay hinaplos niya ang mukha nang natutulog na si Cherry. Tumulo ang kaniyang luha habang tinititigan ito. “Chubs, gumising ka na riyan please. ‘Wag mo na akong takutin. Pangako paggising mo riyan, hindi na kita aasarin kahit kailan. Kahit alilain mo pa ako papayag ako, basta bumangon ka na lang diyan. Nag-aalala na kaming lahat para sa iyo. Six months ka nang nakahilata riyan oh.” Patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha habang kinakausap ito. “Chubs, gising na. Hindi ko pa nga nasasabi sa iyo na mahal na mahal kita. Ang daya mo naman eh! Walang iwanan, madami pa akong patutunayan sa iyo. Kapag, hindi ka pa gumising diyan, hahalikan kita! Hindi ako nagbibiro.” Napangiti pa siya saka pinahid ang mga luhang dumaloy sa kaniyang mga pisngi. Dahan-dahan niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha nang natutulog na si Cherry. Pumikit siya saka buong pagmamahal na hinalikan niya sa gilid ng mga labi nito ang kababata. Ilang segundo niya rin inilapat ang mga labi niya roon. Nagbabakasakali siyang parang sa fairytale, gigising ang prinsesa kapag hinalikan ng prince charming nito. “Mahal na mahal kita. Please wake up Sweetheart,” bulong pa niya rito habang hawak ang kamay ni Cherry, at nakadikit ang noo sa sintido nito. Napamulat siya nang pinisil nito ang kaniyang kamay na nakahawak dito. Namilog ang mga mata niyang tiningnan ang magkahugpong nilang mga kamay. Pagtingin niya sa mukha ni Cherry gumalaw rin ang talukap ng mga mata nito at nagmulat. “Cherry? Teka sweetheart, tatawagin ko ang doctor mo!” natatarantang saad niya rito, ngunit hindi siya binitawan ni Cherry. Kaya naman ang intercom na lang ang kaniyang ginamit, para papuntahin ang doctor sa silid ni Cherry. “Chubs, ‘wag kang pipikit please stay with me! Darating na ang doctor mo!” Hinalikan pa niya ito sa noo habang magkahawak pa rin ang kanilang mga kamay. Ilang saglit pa at pumasok na ang doctor sa silid nito upang i-check ang kalagayan ng kaniyang kababata. Agad naman siyang dumistansiya upang matingnan ito nang maayos ng doctor. Abot-abot din ang kaniyang panalangin para rito. ‘Lord thank you po! Thank you sa pagdinig mo ng panalangin ko.’ Impit na dalangin pa niya. Biglang nagkagulo ang loob ng silid at agad siyang pinalabas ng mga nurses. Ang huling tagpong nakita niya, ay no’ng sinusubukang i-revive ng doctor si Cherry. “Cherry!” tanging naisigaw niya habang bumubuhos ang kaniyang mga luha. “Tobby, anong nangyari?” tanong ng mommy ni Cherry. Agad niyang niyakap ito at doon ibinuhos ang kaniyang nararamdaman. “Tita, hindi ko rin po alam eh. Nagising si Cherry tapos tinawag ko ang mga doctor. Then after that, pinalabas nila ako. Ang huli kong natatandaan ay nire-revive nila si Cherry,” humihikbing salaysay niya rito. ‘Damn, kalalake kong tao kung makahagugulhol ako daig ko pa ang babae!’ sabi pa niya sa kaniyang sarili. “Tita, I’m scared. What if iwan na tayo ni Cherry? Tita hindi ko pa naaamin sa kaniya na mahal ko siya.” Wala na siyang pakialam kung aminin man niya ngayon sa ina ng kababata niya ang tunay niyang nararamdaman. “Tobby, huwag kang mag-alala, magiging okay rin ang lahat. Masasabi mo rin sa anak ko iyang nararamdaman mo,” nakangiting saad ng mommy ni Cherry sa kaniya. “Mrs. Vergara?” Sabay pa silang napalingon sa doctor na tumingin kay Cherry. “Doc, how’s my daughter?” agad na tanong ng ina nito nang makalapit sila rito. “Your daughter is doing fine. Na-revive na namin ang pasyente. I think nakatulong ang pagkausap ng binatang ito sa anak ninyo Misis.” Malapad ang pagkakangiti ng doctor sa kaniya. “Thank God! Thank you po doc!” Tila sila nabunutan ng tinik sa kanilang dibdib nang marinig ang sinabing iyon ng doctor. “You’re welcome! But no visitors muna, we still have to monitor her vitals within the next 24 hours. Pero bukas, we can transfer her in a private room para mabisita niyo na siya.” Nakangiting imporma ng doctor sa kanila saka ito nagpaalam. Masayang-masaya si Tobby nang dalawin niya kinabukasan si Cherry sa hospital. Ngayong magaling na ang dalaga, uumpisahan na rin niya ang panunuyo rito. Ngunit sa kaniyang pagkabigla, pagpasok niya ng silid nito ay may kayakap itong isang lalake. Parang tinadyakan ng sampung kabayo ang kaniyang dibdib sa kaniyang nakita. Lalo na nang makita kung paanong nagniningning ang mga mata ni Cherry nang mga sandaling iyon. Ramdam niya ang kirot sa kaniyang dibdib. Paano na ngayon iyan? Naunahan na ba siya ng iba? May nagmamay-ari na ba ng puso ng babaeng pinakamamahal niya? ‘Hindi ito maaari. Pambihira ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Hindi ako papayag na basta na lang masayang ang paghihintay ko!’ determinadong saad niya sa kaniyang sarili. Ano nang gagawin niya? Manalo kaya siya sa puso ni Cherry? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.5K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
612.8K
bc

THE BEAUTIFUL BASHER_MAFIA LORD_SERIES 2(R-18-SPG)

read
169.1K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

Shotgun Wedding (Tagalog)

read
1.5M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Secretly Married To The Campus King (Filipino)

read
273.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook