Humahalakhak ako dahil sa sinabi ni Yuwano. "Excuse me? Kailan ako nagkasala sa iyo? Teka nga! Bakit ako ang ginugulo mo? Doon ka sa honey mo! Siya ang pagtripan mo at huwag ako!" inis kong sabi. "So, nagseselos ka?" aniya. "Huh? Bakit naman ako magselos? Pag-aari ba kita? Nobyo ba kita para magselos ako! Feeling ka talaga!" singhal ko rito. At pilit kong tinanggal ang kamay niya. "Oh, by the way, boyfriend ko pala." At yumakap ako sa braso ni Diego Alejandro. Hindi na kumibo si Yuwano, kaya tumahimik na rin ako. "I don't care! Let's go home, pinapasundo ka ni Lolo." Muli niyang hinawakan ang aking kamay at pilit niyang hinila palabas. "Yuwano, ano ba?!" "Huwag kang sumunod!" banta ni Yuwano kay Diego Alejandro. "Chic…" sambit ni Diego Alejandro na pilit pinigilan si Yuwano.