Episode 1 - Argumento
"Chicklet! Ano ba iyang ginagawa mo?" tanong ng aking ina, nang makita niya akong nag-iimpake nang aking mga damit.
"Ano pa nga ba? Nag-iimpake!"
"Ano ba ang nangyari sa iyo?"
"Tinatanong ninyo ako, kung ano ang nagyari sa akin? Pagod na ako, Mom! Wala naman akong ibang hinangad kung hindi ang bigyan ninyo nang konting atensyon at maramdaman ko man lang ang konting pagmamahal mula sa inyo na aking mga magulang. Ngunit ipinagkait ninyo sa akin iyon. Dahil wala kayong ibang nakita kung hindi si, Ate. Mula sa aking pagkabata wala na akong ibang nakikita at narinig mula sa inyo. Kung hindi ang pangalan ni, Ate Chonna!" umiiyak kong tugon.
Bigla namang dumating ang aking ama na galing trabaho at naabutan niya kami nang aking ina na patuloy ang argumento.
"Ano'ng kadraman na naman iyan, Chicklet?"
"My God! Hindi ito drama, Dad. Seryoso ito at gusto ko munang lumayo, gusto kong mapag-isa."
"Chicklet, itindihin mo na lang ang iyong, Ate Chonna. Dahil alam mo naman na may sakit siya," turan ng aking ama.
"Dad! Hanggang kailan ko ba intindihin si Ate? Mula pa pagkabata iniintindi ko na siya. Pero siya inintindi ba niya ako?"
"Chicklet! Tama na! Lalaki lang iyan at makahanap ka pa nang iba at higit pa sa kaniya!"
"Isa ka pa, Mom! Sumosobra na ang pagiging konsintedor mo! Kaya mas lalong namimihasa si Ate. Hindi ganoon kadali ang maghanap ng mamahalin natin at alam mo iyan! Dahil nagmahal ka! Pero sige! Magpaparaya ako sapagkat mahal ko kayo. Pero sana man lang iparamdam naman ninyo sa akin na mahal rin ninyo ako. Ngunit alam ko naman na mahirap ninyong maibigay sa akin iyan. Kaya ako na lang ang dumistansya sa ating pamilya."
"Hindi mo kasi maintindihan ang situwasyon, Chicklet!"
"My God! Dad, naintindihan ko! Dahil hindi na ako bata at hindi ako manhid! Walang mapupuntahan ang ating argumentong ito. Kaya hayaan n'yo muna ako," pahayag ko at lumabas na sa aming bahay.
"Chicklet! Bumalik ka dito!" sigaw ng aking ina.
"Hayaan mo siya Almeera! Babalik din iyan kapag wala na siyang pera!" sabi nang aking ama na talagang nilakasan pa niya ang kaniyang boses para marining ko.
"Iyan ang akala ninyo! Patunayan ko sa inyo na kaya kong tumayo sa sarili kong mga paa!" sigaw ko naman para marinig nila.
Naghanap ako nang isang paupahang kuwarto. Masinop ako sa aking baon kaya kahit papaano ay nakapag-ipon ako ng kunti.
Third-year college na ako sa kursong 'Doctor of Physical Therapy. Isang taon na lang ay magtatapos na ako. Ngayon ay kasalukuyan akong naka-On-the Job Training (OJT).
"May oras pa naman ako sa hapon at gabi kaya puwede pa akong maghanap ng sideline," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad ako. Upang maghanap ng boarding house na malapit lang sa aking pinapasukan na unibersidad.
Buti na lang at nakahagilap ako nang isang kuwarto at hindi naman masyadong kamahalan. Dahil isang libo lang ito. Iyon nga lang sobrang liit at dalawa pa kami. Nagkataon naman na wala ang aking bedmate dahil may pasok daw ito.
"Okay na ito pansamantala lang naman habang wala pa akong nahanap na trabaho." At umupo ako sa aking papag.
"Kakayanin ko ang lahat. Kahit masakit ang malayo sa inyo..." pipi kong usal sa aking sarili. Habang tumulo ang aking mga luha at kasalukuyan kong inaayos ang aking mga gamit sa maliit na kabinet.
Hindi ako sanay sa buhay mahirap dahil lumaki kaming may kasambahay. Ngunit handa akong magsimula sa hirap.
"Hello..." bati nang isang dalaga na medyo may pagka-kikay.
"Hello!" nakangiti kong tugon.
"Ikaw pala ang bedmate ko? Ang ganda mo naman, 'te!" sabi niya at napansin ko agad na may pagka-krong-krong pala ito.
"Salamat! Ikaw rin ang ganda mo!" nakangiti kong ganti.
"Ako pala si Haileah!" Pagpakilala niya sabay lahad sa kamay.
"Ako naman si Chicklet Vega," tugon ko sabay kuha sa kaniyang palad.
"Friends na tayo, ha!" aniya.
"Sure!" At muli ko siyang nginitian.
"Nag-aaral ka ba, Chicklet?"
"Yes! Diyan ako nag-aaral sa ST. JOHN COLLEGE.
"Ay! Same pala tayo, Hotel & Restaurant Management ang aking kurso."
"Ako namam Doctor Physical Therapy, last-year ko na ito."
"Wow! Bunga naman! Ako rin third-year na," aniya.
Hindi ako tumugon at bahagya lang akong ngumiti.
"Ano pala ang ginagawa mo after classes?" tanong ko sa kaniya.
"Nag-wo-work ako sa gabi. Nag-start ako nang alas-sais at off alas-nuwebe. Bakit mo naitanong?"
"Wala lang, naisipan ko lang. Ano pala ang work mo?" tanong ko ulit dahil nagbakasakali ako na puwede akong umi-extra.
"Hmp! Bakit nga?!"
"Ahhh ... baka naghanap sila at puwede ako," nahihiya kong pag-amin.
"Naku! Mukhang hindi ka na man mahirap. Actually, bartender ang trabaho ko."
"Baka naghanap sila ng waitress, baka puwede mo akong ipasok. Kailangan ko kasi nang mapagkakitaan."
"Alam mo? Hindi naman bagay sa iyo ang pagiging waitress, eh! And I'm sure, hindi mo iyon kakayanin kasi sa hitsura at kutis mo ay mayaman ka."
"Hail, naglayas kasi ako sa amin, pero nagpaalam naman ako," sabi ko.
"Wow! Ang bait mo naman. Ikaw pa yata ang narinig kong naglayas na nagpaalam, ayos!"
"Mabait naman talaga ako. Ano? Tutulungan mo ba ako?"
"Hmmm ..." tila nag-iisip pa ito.
"HAILEAH! Tutulungan mo ba ako o hindi?!" Pangungulit ko.
"Naku! Kung makapangulit akala niya close na kami!" reklamo ni Haileah.
"Hmp! Diyan din naman ang punta natin, nuh!" nakaismid kong tugon.
"Okay fine! Tutulungan na kita. May spa naman doon at marunong ka naman sa physical therapy. Baka matanggap ka."
"Really?! Naku! Salamat, Hail. Ikaw na talaga ang magiging best friend ko!" masigla kong sabi.
"Ahh ... kung hindi kita tutulungan hindi mo ako magiging best friend, ganoon?"
"Hmmm ... pag-isipan ko!" sabi ko sabay higa ko sa aking higaan.
"May ganoon?" aniya.
"Yeah!"
"Pero huwag kang umasa na malaki ang sahod mo, ha. Tandaan — hindi ka pa propesyonal ..." paalala niya sa akin
"Oo! Don't worry naintindihan ko naman."
Kinagabihan ay isinama nga ako ni Haileah. Simple lang ang aking suot isang kulay puting damit at skinny. Madalim ang lugar ngunit maaninag sa loob na class ang bar. Dahil sa mamahalin nilang mga kagamitan at malawak ito.