Bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Yuwano. Slow motion akong lumapit at nakita niya iyon. "Come in, honey!" wika ni Yuwano. Napahinto ako at bahagya pang nakataas ang isa kong paa. Pumasok ang isang foreigner na babae,tulad ko nakasuot rin ito ng maikling short at sando. Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng isang drum na tubig na puno sa yelo. Ang masakit ay hindi ako pinansin ni Yuwano at dumiretso siya sa sala at nakaakbay pa sa honey niya. "Chicklet, halika!" nakangiting tawag ni Don Celso sa akin. "S-sige po, susunod ako," malamig kong tugon. Bagsak ang aking mga balikat na pumusok sa aking kuwarto. Biglang pumatak ang aking mga luha at sobra akong nasaktan. At napahiya ako sa aking sarili, wala akong mukhang maiharap sa labas kaya dali-dali