Ako naman ay laylay ang balikat na sumakay sa kotse. Wala akong kibo hanggang sa makarating ako ng unibersidad. "Gusto ko sanang sabihin sa iyo na mahal kita Yuwano, subalit hindi ko magawa sapagkat alam kong masasaktan ang iyong honey," wika kong mag-isa. Tumuloy nga sila sa kanilang lakad at hindi ko na sila inaasahan sa aking graduation bukas. Pero okay lang sa akin hindi ko na inaasahan, sino ba ako upang bigyan nila ng importansya. Kahit sa sarili kong pamilya ay hindi rin ko umaasa. "Okay lang, sanay na ako," pipi kong usal. Hindi ko alintana ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko alam kung saan ako nasaktan, sa aking pamilya ba o kay Yuwano? Dahil hindi ako umaasa sa kanila kaya naisipan kong si Nanay Isnie na lang at si Tatay Nilo, ang ipa-attend ko sa aking graduation bu