Lumabas ako mula sa kuwarto ni Don Celso, at nang isara ko ang pinto ay napansin ko naman na nakabukas pala ang isang butones ng aking long sleeve kaya inayos ko ito. Tama naman ang pag-akyat ng isang lalaki na pamilyar sa akin. Bigla akong napahinto at lumaki ang aking mata. "Siya ang aking customer kanina, anong ginawa ng maniac na 'to sa bahay ni Don Celso?" pipi kong tanong sa aking sarili. "Wow! Hanip din itong Lolo ko, ah! Ang batang-bata, sariwa, at ang ganda pa!" bulalas ng lalaki ng kaniyang isip. "Anong tingin-tingin mo dyan?!" bulyaw ko rito. Dahil tinitignan niya ako mula ulo hanggang talampakan. "Yuwano!" boses ni Don Celso sa aking likuran. "Chicklet, ang apo ko pala, si Yuwano. Apo, siya naman si Chicklet, ang bisita ko dito. Sa kaniya ka humingi ng apologize, siya iyon