LUMAKI ang mga mata ni Yumano sa huling kataga na aking binitawan. "Ang masamang damo ay matagal mamatay!" turan niya, at pinakawalan niya ako at sabay dapa niya sa aking tabi. Nakahinga naman ako nang maluwag nang umalis siya sa aking ibabaw. "Ilabas mo na at magsimula ka na," seryoso niyang pahayag "Ano ang ilabas ko? Iyang saging na saba mo? Anong sisimulan ko?" mga nakakaloko kong tanong. "Hugasan mo rin iyang utak mo ng asido, masyadong marumi kung mag-isip," ganting sabi niya. "Ano ba kasi ang ilabas ko?!" seryoso at pasinghal kong tanong. "Ilabas mo na iyang lotion mo at magsimula ka ng mag-masahe. Huwag kang mag-alala, babayaran kita ng double pay." "Ow!" maikli kong tugon. NAPILITAN akong ilabas ang lotion mula sa aking backpack at nagsimula akong maglagay ng lotion s