Nagtaka na ako at kinabahan dahil sa effort ng lalaki kung sino man siya. At maya-maya pa ay may pitong babae ang humarang sa akin at isa-isang ipinakita ang mga letters. 'I'M SORRY', napangiti ako nang mabasa ko ang mga iyon, ngunit wala akong ideya kung saan galing. "Hello! Mic test!" Napahinto ako sa boses na aking narinig. "Chicklet… I LOVE YOU..." boses ng isang lalaki na gumagamit pa ng microphone. "Sino kaya siya?" tanong ko sa aking sarili. "I'm really sorry sa pang-aasar at pang-iinis ko sa 'yo. But the truth is I love you!" boses niya ulit. Naiinis ako at palinga-linga sa paligid, alam kong si Yuwano ito. "O—M—G! Ang sweet!" bulalas ng mga babaeng nasa aking likuran. "Oh my gosh… Nakakakilig naman!" tili ng mga babae. Kung sila kinikilig ako ay hindi, dahil ayaw ko