"Kayo talagang dalawa! Kailan pa ba kayo magkakasundo?" seryoso na tanong ni Don Celso. Na animo'y mga bata ang kanyang sinaway. "Ang sakit ng bukol ko, Lolo." Daing pa rin ni Yuwano, at panay hawak niya sa kanyang bukol sa harapan. "Mabuti pa siguro, apo. Bumili ka ng metal mask. Pang proteksyon diyan sa bukol mo." Pagbibiro ni Don Celso, at lihim akong napatawa. "Ano ang tinatawag-tawa mo? Akala mo hindi masakit?" nakakunot-noo na sabi ni Yuwano. "Aaah… masakit ba? Bakit iyong ginawa mo sa akin hindi ba masakit? Kung tutuusin kasalanan mo ito, eh!" "Oh! Bakit ko naman kasalanan iyan?" gulat na tanong nito "Wala! Nevermind! Huwag mo na nga akong kausapin! Nakakasira ka sa araw ko, eh!" mataray kong sabi. "Hoy! Chicklet! Ito ang tandaan mo, ha! Kapag nabasag itong itlog ko, humand