Chapter 10: Pangalawang Senyales
Tahimik lang ang naging biyahe namin ni Angel papunta sa amin. Mabuti na nga lang at may mga sasakyan pa kaya madali kaming nakasakay. Mula sa kanila papunta sa amin kakailangan mo pang sumakay ng isang tricycle at dyip. Kaya medyo matagal-tagal rin. Though nasa iisang City lang naman kami. Sadyang malaki lang talaga ang syudad at sobrang daming baranggay.
Sa katunayan nga iyan ay simple lang naman ang probinsiya ng Bohol. Ang populasyon ng probinsiya ay nasa one million three-hundred-thirteen thousand five-hundred-sixty. At sa siyudad na kami ay nabibilang umaabot kami sa one-hundred-five thousand. Iwan ko lang kung ilan na ang tao ngayon pero obvious na naman 'yon na lumalaki ang pamilyang Pilipino.
“Ano ang iniisip mo?” Mahinang tanong ni Angel sa akin. Napansin niya ang kanina ko pang katahimikan.
“Wala lang.” Hindi na importante ang iniisip ko. Tungkol lang din naman sa lugar namin.
“Pasensya ka na talaga, ha.” May lungkot parin sa kanyang boses.
“Wala iyon sa akin. Nakailang beses kana bang humingi ng paumanhin?” Hindi ko na mabilang. Mula kanina paglabas namin sa kanila ay panay ang hingi niya ng tawad hanggang sa makasakay kami sa tricycle ay ganoon parin siya. Sa katunyan nga ay naaawa ako sa kanila at lalo na kay Mang Gregor. Mabuti siyang ama kina Angel and I think deserve niyang maging masaya. And I think naman nagagawa iyon ni Angel at ni Mark. At ang tungkol kay Carmelita, may pag-asa pa siyang magbago at malaman ang importansya ng isang pamilya.
Alam kong binabagabag si Angel ng kanyang konsensya pero honestly wala naman talaga iyon sa akin. Hindi ko sinasabing natural lang iyon sa isang pamilya ngunit parang common na kasi siya sa lipunan. Awayan, bangayan, pati mga gamit sa kusina nagliliparan. Kahit hindi tama tingnan ngunit ito'y nakasanayan.
“Ganoon talaga si Mama sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganoon siya minsan nga ay napagbubuhatan niya ako ng kamay.” Nakikita ko na naman ang mga luha niyang namumungay. Parang may kung anong kirot akong naramdaman habang tinitingnan ng ganoon si Angel. Maling paiyakin ang babae.
“Huwag ka nang umiyak. Lahat may dahilan at lahat nalalampasan.” Ngumiti ako ng ubod ng tamis sa kanya. Gusto kong maging masaya rin si Angel kahit hindi madali ang kanyang mga pinagdadaanan sa ina.
“Alam mo, matanong ko lang.” Aniya, “nagkaroon ka na ba ng girlfriend? Kasi gwapo ka, mabait kang tao at matalino. I think nasa saiyo na ang lahat.”
Nai-pout ko lang ang aking labi para mas lalo siyang mapasaya. “Wala akong naging girlfriend, you know, NGSB.” At proud ako roon. Hindi ko naman kailangang magadali maraming babae sa paligid at ang pagmamahal hindi minamabilis. Dapat smooth lang dapat.
“Talaga?” Paniniguro niya.
“Oo. Puso ang magsasabi hindi ang ating katawan.” Pwera nalang sa aking panaginip. Dalawang beses nang may nangyari sa amin at magkasunod pa. Nagtataka lang ako kung bakit ang amoy nang belo ay kapareho ng amoy ng sa estudyanteng babae at sa multo na nagpakita sa akin. Hindi kaya iisa lang sila? Napailing ako, baka pareho lang sila ng amoy.
“Manong sa kanto lang po!” Sigaw ko sa driver nang mapansin kong nasa aming baranggay na kami. Pagkahinto ng dyip ay agad na rin kaming bumaba ni Angel. Dala-dala niya ang kanyang gamit pati na ang uniform niya para bukas. “Hali ka.” Hinawakan ko ang kamay ni Angel at binaybay na namin ang daan pa papunta sa bahay.
Lihim akong napangiti nang maramdaman kong parang pinisilpisil niya ang magkahawak naming kamay. Hindi ko siya binitawan hanggang sa makatawid kami sa kalsada.
“Malapit na tayo sa amin.” Ani ko.
“Sa inyo pala ang bahay na iyan?” Turo niya sa isang bahay na may kalumaan na.
“Hindi iyan ang sa amin.” Napangiti ako, kay Aling Martha ang tinanong niya, “kasunod pa, mga one-hundred meters yata mula sa bahay na 'yan.”
“Iyon?” Turo niya ulit nang matanaw na namin ang bahay. Nakabukas ang lahat ng ilaw. Duda akong binuksan nila Mama iyon para isipin ng lahat na may tao sa loob. Para maka-iwas na rin sa mga magnanakaw.
“Oo.”
“Ang ganda pala ng bahay ninyo.” Napamangha si Angel. Kung tutuusin ay simple lang naman ang bahay namin. Though concrete siya at may magandang kulay pero kasya lang sa aming tatlo. May tatlong kwarto at isang CR.
“Salamat.” Ani ko nalang.
Nasa harap na kami ng bahay. Binitiwan ko sa pagkakahawak ng kamay si Angel at nagtungo ako sa pintoan. Lock iyon. Kaagad kong kinuha ang aking cellphone para tanungin si Mama kung saan niya ibinilin ang susi ng bahay.
Pagbukas ko palang sa messages ay siyang pagdating ng text ni Mama. Napangiti ako nang nilagay niya lang ang susi sa flower pot ng rose kung saan nasa gilid lang namin.
Bahagya kong hinawi ang mga dahon at nakita ko na nga susi ng bahay. Dalawa lang iyon, ang susi ng kwarto ko at susi ng pintoan. Hindi nila isinama ang sa kanila at ang susi sa isa pang kwarto. Mukhang ayaw talaga ng mga itong may pumapasok sa kanilang kwarto. Even me minsan ay pinababawalan nila ako dahil exclusive lang iyon sa kanila. Ang weird nila minsan, eh, nasa iisang bubong lang naman kami nakatira.
“Gab.” Mahinang sambit ni Angel sa pangalan ko. Napahinto ako sa pagbukas ng doorknob para tingnan lang siya.
“Bakit?” Tanong ko. Nakadungaw siya sa bintana ng aking kwarto.
“May iba pa ba kayong kasama rito bukod sa mga magulang mo?” Hindi parin niya inaalis ang paningin sa bintana. Bigla akong kinakabahan sa tanong niya. Napaatras ako para matingnang maigi kung ano ang tinutukoy ni Angel. Wala namang kakaiba sa kwarto ko bukod sa bukas ang ilaw.
“Wala, tatlo lang kami rito.” Sagot ko at lumapit sa pinto para buksan ang doorknob.
“Sigurado ka? Kasi, may nakita akong babae na nakatalikod sa binatana na 'yan.” Tinuro niya ang binatana ng kwarto ko.
“Sigurado ka?” Nag-umpisa na namang kabahan. Ang mga balhibo ko ay nagsisitayuan na naman. Ang dating pakiramdam ko kanina sa economics ay parang bumabalik.
“Baka namalik mata lang ako. Oh kurtina lang iyon ng bintana.”
“Ha?” Mas lalo pa akong natakot, “walang kurtina sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko pinapalagyan kay Mama dahil mainit minsan.”
“Sigurado ka?” Ngayon ay medyo takot na si Angel.
“Oo, tara pasok na tayo. Baka namalik ka nga lang.” Ani ko nalang. Possibleng namang sundan ako ng multo sa campus. Ang pagkakaalam ko ay territorial ang mga 'yon. Baka kaluluwang ligaw?
Pagbukas ko palang sinalubong kami ni Angel ng napakalamig na hangin. Mabilis kong nahawakan ang kamay ni Angel at pumasok kami sa loob.
“Ano ang hangin na iyon?” Gulantang niyang tanong.
“Shit.” Bulalas ko. Ayokong isipin ngunit parang sinunsundan kami ng multo.
Hindi pa kami nakahakbang nang bigla nalang gumalaw ang upuan sa mesa. Kusang sumara ang pinto at mas lalong lumamig sa loob ng bahay. This is not normal. Pagkatapos ng isang upuan ay ang ref naman ang bumukas.
Himigpit ang pagkakahawak ko kay Angel. Hindi ko siyang puwedeng pabayaan, nangako ako sa kanyang Papa na poprotektahan ko siya.
Naagaw ang aming paningin nang parang may galit na galit na tao sa ikalawang palapag ng bahay. Isa sa mga pinto ng kwarto ay parang binabalibag iyon pasara. May mga gamit na nahuhulog sa sahig.
“Gab. Hindi na normal ito.” Si Angel. Hindi ko mababakas ang takot sa kanyang boses. But still magkahawak parin ang aming mga kamay.
Mula sa ikalawang palapag ay lumutang ang upuan na kanina'y gumagalaw lang. Mas lalo pa akong nagulat nang pati ang mga kutsilyo sa kusina ay nagsilutangan sa eri.
“Umalis na tayo rito, Angel.” Ani ko. This is not safe anymore, ginagambala kami ng masamang espiritu. Paglapit ko sa doorknob ay hindi ito mabuksan. Bigla itong uminit at naialis ko ang aking kamay.
“Gab, ayaw niya tayong palabasin. Kailangan natin siyang harapin.”
“Ha? Wala tayong laban sa kanya.” Ani ko. Bigla ko nalang naamoy ang mabangong belo. Napahinto ako at nanlaki ang aking mga matang nakatingin sa hagdanan. Ang babae sa Department of Economics ay nandidito ngayon sa bahay. Nakaharap siya sa amin ngunit natatabunan ng mahaba niyang buhok ang kanyang mukha.
“Tumabi ka Gab.” Humakbang si Angel at itinago niya ako sa kanyang likod.
“Anong gagawin mo?” s**t! Ayokong mapahamak siya!
“Kakausapin ko siya.” Aniya. Hindi man lang niya tiningnan. Bagkus ay nakatitig lang si Angel sa multo.
“Sigurado ka ba sa gagawin mo?” Parang ang hirap paniwalaan. Paano niya ito kakausapin?
“Magtiwala ka lang.”
Nag-aalala ma’y tumango lang ako at itinikom ko ang aking bibig. Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa. Sobra akong nag-aalala kay Angel baka ano pang gawin ng multo na isa dalaga.
“Scio qui sis. Tu es mulieri qui c*m rapta sunt atque trucidati. Gabriel quid illi molesti estis?” Ani ni Angel. Hindi ko siya maintindihan kaya mas lalo pa akong kinilabutan.
“Opus auxilium, et justitia Domini quod factum est in me. Is est solus via ut ire possit ad caelum, et libera me.”
Mas lalo pa akong kinilabutan nang magsalita ang babae sa hagdanan. Nakakaawa ang kanyang boses. Punong-puno ng hinagpis at paet. Ramdam na ramdam ko iyon sa garalgal niyang pagsasalita.
“Intelligo. Scio quod factum est ad vos. Habeo consilium eorum peremptores habuerant. Sperate veniam ad te, et justitiam. Vos iustus postulo exspecto, et cave ne pugnes contra alicuius. Et qui propter tres postero defuerunt? Gabriel? Sufficit! Credunt mei, et redde illi quod fecit, ipsi.” Si Angel.
Shit! Pakiramdam ko ay ako ang kanilang pinag-uusapan. Hindi ko nga lang maintindihan. Nagpatuloy lang ako sa aking pakikinig kahit kanina pa nanginginig ang aking dalawang tuhod.
“Tu mihi proponis. Auxilio eris mihi in justitia mea non merentur.”
“Sed nunc obsecro promitto me.”
Marahang tumango ang babae sa huling sinabi ni Angel at kaagad itong naglaho. Sumara ang ref at bumalik sa ayos ang upuan. Hindi ko na nararamdaman ang babaeng multo.
Hindi parin ako makahuma sa nangyari at ang nasaksihan kong pakikipag-usap ni Angel sa multo. Hindi ako makapaniwala. Sobrang kakaiba ng aking nasaksihan kanina. Napaawang ang aking labi habang nakatingin sa dalaga.
“Ayos ka lang ba, Gab?” Nag-aalalang hinarap ako ni Angel. Wala sa mukha niya ang pagkatakot at pangamba.
“Paano mo iyon nagawa?”
Bumuntong hininga si Angel, “pinag-aralan ko.” Aniya.
“Ha?” Hindi ko alam kung matatakot ba ako o mamamangha.
“May mga bagay sa mundo na hindi natin kayang ipaliwanag, Gab.” Bahagya siyang ngumiti na parang sinasabi niya sa akin na maayos na ang lahat. Inayos niya ang aking uniform na medyo gumulo.
“Ano ang inyong pinag-uusapan?”
“Wala lang.” Ngumiti siya, “napadaan lang daw siya, tiningnan ka niya kung ligtas ka banag nakauwi.”
“Ligtas ako na nakauwi?” Muntikan na nga kaming mapahamak dahil sa multong iyon tapos titingnan niya lang pala kung ligtas akong nakauwi? Pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Angel sa akin.
“Oo.” Aniya, “may gusto siya saiyo at nagselos siya nang makita niya ako rito.”
“Ha?” Mas lalo pa akong kinabahan. Diyos ko, puwede namang maraming babae ang magkakagusto sa akin ngunit huwag naman sana multo o maligno.
“Ayan, may secret admirer ka na. Dapat siguro ay magkaroon ka na ng girlfriend para hindi ka na niya guguluhin.”
Hindi ko alam kung binibiro lang ako ni Angel o totoo ang kanyang mga sinasabi but I found it very weird. Well, gwapo ako but I cannot imagine being liked by a ghost. This is freaking weird.
“I don’t know kung maniniwala ako saiyo. Wala akong naintindihan sa inyong usapan ngunit naririnig kitang binabanggit ang pangalan ko.” Pagsasabi ko ng totoo. Iyon naman talaga ang narinig ko kanina.
“Basta, ang alam ko lang ay may kailangan siya saiyo at hindi ko iyon alam.” Nakagat ni Angel ang ibaba niyang labi.
“Babalik pa ba siya?”
Hindi niya ako sinagot. Pareho lang kaming nakatingin sa mata ng isa’t-isa. Animo’y nag-uusap ang mga paningin na kami lang dalawa ang nagkakaintindihan.
Ang buong akala ko ay unti-unting didikit ang aming mga labi dahil ganoon naman iyon diba? Gaya ng mga nobela at pelikula! Sa halip na ganoon ay umupo sa couch si Angel at nilabas nito ang aming gagamitin sa pagkuha ng video.
“Are you ready?” Tanong niya sa akin.
Wow! In just a seconds parang okey na ang lahat. She’s acting like nothing happened a while ago. Or maybe pinipilit niya lang maging positive sa pag-iisip?
“Puwede bang kakain na muna tayo?” Ani ko. Sa pagkakaalam ko ay hindi ito kumain kanina buhat ng inakto ng kanyang Mama. Nang payagan siya ng kanyang Papa ay kinuha niya ang kanyang gamit na gagamitin at umalis na rin kami kaagad.
“Ikaw nalang, busog ako.” Ngumiti siya.
“No, hindi ako kakain kapag hindi ka rin kakain.” I pouted my lips. Ano kaya ang iisipin niya kong magpapa-cute ako? “Well, hindi ka kumain kanina kaya sigurado akong gutom ka. Look, I know nahihiya ka lang ngunit sana’y isipin mo na magkaibigan na tayo.” Hindi ko talaga inalis ang matamis kong ngiti sa kanya. I just don’t know bakit ginagawa ko ito. Maybe maganda siya o first kong mapalit sa isang babae?
May pag-alingan man sa mukha niya at nagawa niyang ngumiti, “sige na nga para matapos na itong project kong ito.”
“Tatawagin nalang kita if the foods are ready.” Pumunta ako sa aming kusina which is kasunod lang ng sala namin. Lumapit ako sa kawali at binuksan iyon, napangiti ako nang may adobong karneng baboy na niluto si Mama. Sinindihan ko ang kalan para mainit ang ulam. Sinunod kong nilapitan ang rice cooker. May kanin na rin ngunit bahaw na. Ang ginawa ko ay nilagyan ko ng mainit na tubig ang kanin ay niluto ko ito sandali.
Habang naghihintay na mainit lahat ng pagkain ay minabuti ko munang maghanda ng dalawang plato, dalawang mangkok tiyaka kutsara at tinidor.
“Ang ganda ng bahay ninyo, napakalinis at organize.” Compliment ni Angel. Hindi ko siya namalayang lumapit pa sa kusina.
“Si Mama lahat ang nagplan nito.” Ani ko, “upo kana rito.” I pulled a one chair para sa kanya.
“Thanks.” Umupo siya ngunit ang kanyang mga mata ay iginiya parin sa loob ng bahay. I’m happy dahil nagustuhan niya ang bahay namin.
Hinayaan ko lang si Angel na aliwin ang kanyang sarili. Kinuha ko ang isang mangkok para makakuha ng adobo. Mainit na mainit na at kumukulo na ang kaunting sabaw. Pinatay ko ang kalan at gamit ang sandok, kinuha ko lahat ang karne. Inilapit ko iyon sa ceramic na mangkok. Binilisan ko ang aking kilos dahil tumagos ang init sa labas.
Halos tumalon na ako paglapit sa mesa, “awe, sobrang init.” Ani ko at inilapag ang mangkok sa mesa.
“Ang bango.” Si Angel.
“Ako ang nagluto niyan.” Kinindatan ko siya.
“Hmmm, ininit mo mo lang ito.” Natatawang wika ni Angel na ikinasimangot ko. Binibiro ko lang siya para maging magaan ang atmosphere sa loob ng bahay.
“Kukuha lang ako ng rice.” Inabot ko ang isa pang mangkok at lumapit sa rice cooker. Maayos na rin ang kanin kaya pinatay ko na ang rice cooker. Gaya ng sa adobo ay minadali ko rin dahil ang init! Mukhang sa susunod na maghahain ako ay kailangn ko ng table napkin.
“Let’s eat.” Ani ko sabay lapag ng kanin.
Umupo ako sa tapat ni Angel. Bigla kong naalala ang mga ginagawa ni Papa kay Mama kapag kakain na kami. Ngumit ako. Wala naman sigurong masama kung gagawin ko rin kay Angel. I’m just being gentleman.
Inabot ko ang adobo at nilagyan ng ilang hiya ang kanyang plato, “kumain ka ng marami,” ngumiti ako sa kanya at sinunod ko naman ang kanin.
“Nakakahiya na saiyo.”
“Don’t mind me, iyon naman ang ginagawa ng mga lalaki diba?” Muli ay ngumiti ako ng matamis sa kanya.
Napayuko si Angel at napansin kong namumula ang kanyang magkabilang pisngi. Lihim akong natuwa, ang ibig sabihin lang ay may epekto ang ginagawa ko para sa kanya. I think, kakausapin ko si Papa sa ibang trick at technique kung paano niya napasagot ang bungangera kong ina.
“Pray na muna tayo.” Dagdag ko pa kaya bigla siyang napatingin sa akin at marahang ngumiti.
“Ikaw ang magli-lead.” Aniya.
“No problem.” Ngumit ako. May memorize na akong meal prayer.
Sabay kaming nag-sign of the cross at ipinikit ang aming mga mata, Lord God and giver of all good gifts, we are grateful as we pause before this meal, for all the blessings of life that you give to us. Daily, we are fed with good things, nourished by friendship and care, feasted with forgiveness and understanding. And so, mindful of your continuous care, we pause to be grateful for the blessings of this table. May your presence be the extra taste to this meal which we eat in the name of your son, Jesus. In the name of the Father, the Son, the Holy Spirit Amen.” Sabay naming binigkas ni Angel ang huling salita at sabay ring nagbukas ang aming mga mata. Wala sa sariling ngumiti kami sa isa’t-isa.
“Alam ko kung sino ang writer ng prayer na iyon.” Aniya na ikinaawang ng labi ko.
“Owss?”
“Alam ko nga, si Edward Hays kaya ang nagsulat.” Kumindat siya sa akin at kumuha ng isang subo ng kanin.
“Paano mo naman nalaman na kay Egward Hays iyon?” Honestly, thanks to google dahil doon ko nakuha ang prayer and ever since iyon na ang ginagamit ko.
“Sa google at iyon din ang prayer ni Papa kapag kumakain kami.”
“Really?” Hindi ako makapaniwala. Sa aking isipan ay napa-wow lang ako. Is this a sign? Uggh, masiyado pang maaga.
“Oo, alam mo ikaw ang klasing na lalaking madaling lapitan. Noong una kitang nakita akala ko suplado ka. Iyon naman pala kailangan mo lang talagang ikaw unang lapitan.”
“Hehe.” Napabungisngis akong kinagat ang kutsara, “sorry. Ganoon kasi ako, eh. Kapag rito sa bahay madaldal ako at makulit ba’t sa school tahimik lang. Iwan ko ba kung bakit ganoon ako pero hindi ako suplado, ha.” Dinininan ko talaga ang salitang suplado.
“Alam ko iyon, araw-araw kaya kitang nakikita at kung hindi ako nagkakamali madaming nagkakagusto saiyo.”
“Weeh?” Parang wala namang akong nababalitaang may nag-admire sa akin. Kahit letter sa mga nagdaang Valentines Day ay wala. Except noong freshman pa ako. Pero hindi nasundan. Hinihintay ko pa nga iyong admirer na iyon. Saan na kaya siya.
“Bahala ka, basta marami.”
“Tulad ni?” Pangungulit ko sa kanya.
“A-ak...Aiko.” Kinabahan siya, “Aiko Melendez.” Muli na naman siyang pinamulahan ng mukha.
Akala ko ay sasabihin ni Angel na ‘ako.’ Takti artista iyong sikat na kontrabidang artista sinambit niyang pangalan.
“Alam mo, mabuti pa’y magmadali nalang tayong kumain, dahil masiyado ng gabi.” Natatawang wika niya sa akin, nababasa niya ang aking iniisip.
Akala ko ay ako!
“Mabuti pa nga!”