PROLOGUE
“Ahhhhh!” Diko mapigilang mapasigaw nang ilapat niya sa akin ang napakainit na bakal sa aking likuran! “Tulong!” I was helpless, walang nakakarinig sa akin. Hindi ko alam kung buhay pa ba ang mga kasamahan ko.
Mas malala pa ang mga ito sa multo!
“Hindi ka na dapat pa nakialam. Ayan tuloy, ipanalangin mo na makakalabas ka pa rito ng buhay.” Demonyo niyang wika habang naghihina ako.
“Demonyo kayo! Ipagdasal niyo lang na di ako makalaya rito. Hindi sa kulungan ang kahahantungan ninyo, ibabaon ko kayo ng buhay!” Sagad na ang aking galit.
“Hahaha!” Sabay silang napatawa.
Gustuhin ko mang makawala ngunit wala akong lakas at higit sa lahat kadena ang nilagay nila sa akin!
“Magbabayad kayong lahat, mga hayop kayo!” Basang-basa na ako ng pawis. Sobrang dumi na ng aking puting uniform.
Iniwan nila kong hinang-hina. Ang tatlo kong kasamahan ay di parin nagigising. Sobrang hirap ang kanilang naranasan kumpara sa akin. Mas matagal silang nanatili sa impyernong lugar na ito na hindi ko sukat akalain na nandito lang sa campus!
“Gab!”
“Angel!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang babaeng aking pinakamamahal!
“Huwag kayong mag-aalala. Tutulungan ko kayong makatakas rito...ahhh!.”
“Angel!” Palapit na siya sa amin nang may dumating. Walang awang pinalo nito sa ulo ang dalaga! “Hindi!” Galit na galit kong sigaw.
“Gab.” Nanghihina niyang sambit sa aking pangalan. Duguan ang kanyang ulo, gumapang siya palapit sa akin. Di paman niya maabot ang aking kamay ay kinaladkad na siya ng professor!
“Mga hayop kayo!”